AN: Pasensya na at mabagal ang update ni Author dito. May ginagawa rin kasi ako bukod sa pagiging tambay sa bahay ngayon.
------------
Sa paikot-ikot ko sa bahay ay sa wakas nakita ko ang kitchen, naabutan ko ang isang matanda at isang babae. Busy sila sa pag-aasikaso sa pagkain.
"A-a, hello po."
Nahihiyang tawag pansin ko dito dahil nga sa may mga ginawa, samantala nangangatog pa rin ang tuhod ko hanggang ngayon.
"Meron po ba kayong kape?" Napaangat naman ang mukha ng matanda at ngumiti bigla. Samantala 'yung isang babae ay nakasimangot sa akin at tinuloy ang ginagawa nito.
"Ikaw ba si, Anne?" Nakangiting tanong nito.
Tumango naman ako at tumayo rin ito mula sa kinauupuan at inaya akong maupo.
"Magkakape ka baka hindi ka pa kumakain?" Nag-aalalang tanong nito sa akin.
"Hay nako, gusto niya magkape Manang Susan. Hayaan mo siya." Masungit na sabi nitong babae.
Napatingin naman ako dito at nakita ko kung paano siya simangutan ni Manang Susan. Siya pala yung sinasabi ni Mr. Cuervo.
"Saan ka pupunta? Dito ka lang muna at sasamahan mo si Anne sa kanyang kuwarto."
Sita nito sa babae na nakairap sa akin, nakaramdam naman ako ng inis dito dahil sa inaasal niya.
"Pagpasensiyahan mo na si Rosita, nalulungkot pa kasi yan dahil wala na si Ma'am Hanna dito. Naging-close kasi niya ito." Kuwento nito habang nagtitimpla ng kape.
"Ayos lang ho," sagot ko lang dahil parang kaiinisan niya ang paglagi ko sa bahay na 'to.
Tahimik na inabot ko ang kape at napapikit ako habang dahan-dahan na hinihigop ito. Bigla naman pumasok sa balintataw ko ang gwapong imahe ni, Mr. Cuervo. Yung mata niya na kapag tumingin ka 'ay parang napapaso ka, may pino siyang balbas at bigote na bumagay sa mukha niya. Sa tingin ko ay matanda siya sa akin.
Bakit kahit ang seryoso at nakakatakot niyang tumingin ay ang gwapo niya pa rin?
"Anne, ilan taon ka na pala?"
Napaangat ang balikat ko dahil sa tanong ni Manang Susan sa akin at naiinis ako sa sarili dahil bakit ganito ang nararamdaman ko para sa lalaking bumili sa akin?
"Pasensya na po may iniisip lang po ako, bente anyos na po ako." ngiting sagot ko dito.
"Ang bata mo pa pala, si Hanna naman ay nasa bente singko."
Napatango ako at na-curious magtanong dito.
"Wala po bang pamilya si Mr. Cuervo? Kasi bakit kailangan niyang magpapalit-palit ng mga babae?"
Natigilan naman sa paghihiwa ito at tiningnan ako.
"Binata pa si Sir Steven, sa edad na bente otso ay wala pa talaga siyang planong mag-asawa. Dahil puro pagpapayaman lamang ang gusto niya, sobra-sobra na kung tutuusin ngunit ayoko manghimasok."
Napaisip ako bigla sa sinabi nito, Steven pala ang pangalan niya at matanda pala ng walong taon ito sa akin, pero bakit kaya ayaw na lang niyang mag-asawa?
"Tapos ka na ba magkape? Magpapahinga na kasi ako."
Napalingon naman kami ni Manang Susan dito kay Rosita na nakapagpalit na ng pantulog nito. Tiningnan ko ang kape may laman pa ito, kaya inubos ko na agad.
"Tapos na ako." Tumayo na ako at sumenyas kay Manang Susan na aalis na, nauna namang naglakad si Rosita sa kanya kaya sinundan ko lang ito.
Umakyat kami muli ngunit sa pangalawang palapag lang, napatingala pa ako sa itaas at iniisip na baka nandoon pa si, Mr. Cuervo.
"Dito ang magiging kuwarto mo, dating silid ito ni Ma'am Hannah, ngayon hindi na dahil may kapalit na siya at ikaw 'yon."
Parang galit ito habang nagsasalita pinabayaan ko na lang ito dahil ayaw ako siyang patulan.
"Ang ganda niya diba?"
Napalingon ako dito at napatingin sa sinasabi nito, nakita ko ang isang picture frame na hawak nito at inabot sa akin. Kinuha ko ito at tiningnan tama nga siya maganda nga ito at parang artista.
"Ganyan kagaganda ang mga kinukuha ni Sir Cuervo."
Napaangat naman ang kilay ko dito dahil parang iba ang dating ng pagkakasabi nito sa akin.
"Masasabi kong magaling pumili si Mr. Cuervo, katulad ng pagpili niya sa akin." Nakangiting sagot ko dito at nakita kong bigla itong sumimangot at kinuha agad ang picture.
Binalik niya muli ito sa ibabaw ng cabinet ngunit lumapit ako at kinuha muli ang picture na 'yon. "Siguro ilagay mo na yan sa ibang lugar dahil soon ang picture ko naman ang ilalagay ko." Matamis ang ngiting wika ko sa kanya at natuwa ako sa itsura nito. Baka akala niya hindi ako marunong magmaldita.
"Baka wala pang isang buwan ay wala ka na dito, baka nga isang linggo lang ang itagal mo dito kaya huwag kang masyadong magsaya."
Nakataas ang kilay at iniwan na ako, napaupo naman ako sa kama dahil sa sinabi ni, Rosita. Ayaw ko sana ito patulan kaso nakakainis at ramdam ko na ayaw niya sa akin. Mas maganda ayawan niya ako agad ng sa ganon ay makauwi na ako sa amin. Pero paano naman 'yon kung pagsasawaan na niya ako?
Napabuntong-hininga ako dahil sa naisip at pumasok sa isip ko ang mga magulang. Kaya naman naalala ko ang bag dahil nandoon ang cellphone ko. Lumabas agad ako ng pinto at umakyat sa ikatlong palapag, humahangos na pinihit ko ang seradura ngunit bumukas na ito.
Sumalubong agad sa akin ang malamlam na mata nito at tila nagulat pa ito pagkakita sa akin.
"What?"
Kunot noong tanong nito sa akin kaya napalunok naman ako ng laway dahil sa pagkakatitig nito sa akin.
"Y-Yung bag ko, ku-kunin ko lang." Nauutal na sagot ko dahil lumapit ito sa akin.
Hinawakan niya ako bigla sa braso at sinandal sa pader, napapikit ako dahil medyo masakit ang pagtama ng likod ko. Lumapit ang mukha niya sa akin at nalanghap ko na naman ang nakakabaliw nitong mabangong hininga.
"M-Mr. Cuervo." usal ko.
"Steven."
Sabi niya at pumulupot ang isa nitong braso sa bewang ko at pakiramdam ko ay may ilang boltahe ng kuryente ang kumulat sa buong katawan ko. Bahagyang naitulak ko siya dahil sa dalawang kamay ko na nakalapat sa dibdib niya upang hindi tuluyang maglapit ng husto ang aming mukha. Tinagilid ko ang mukha ko dahil halos gahibla na lang ang lapit ng mga labi namin.
"Aalis ako, kung iniisip mong tumakas. Huwag mo ng gawin, dahil wala ka ng magagawa at magsasayang ka lang ng oras."
Matapos 'yon ay tinanggal na nito ang braso sa bewang ko at iniwan akong natutulala. Nanghihinang nilingon ko ang bag at dahan-dahan na lumapit upang kunin ito.
Tinanggal ko naman sa isipan ang nangyari at tinawagan ko na lang ang magulang.
"Hello,"
Sagot agad ko dahil narinig ko ang boses ng ama at ina pati na rin ang mga kapatid.
"Inday, ikaw na ba 'yan? Bakit ngayon ka lang tumawag? Hindi na kami nahihingaturog didi kay pila ka adlaw ka na wara pagtawag."
Biglang nalungkot ako dahil hindi raw sila makatulog doon at ilang araw na raw ako walang tawag sa kanila. Biglang namiss ko ang mga magulang ko, pigil ang luhang ngumiti ako dahil narinig ko ang boses ng ama ko.
"Pasensya na pa, kay nasira ini na selpon ko. Niyan ok na, nano man kamusta man kayo didto?" Sabi ko nasira ang phone ko at pangangamusta ko na rin dahil bigla akong nangulila sa magulang ko.
"Ok gad la kami, ang mama ni Shiela sige ang pangutana didi kay wara man liwat pagtawag ini na, Shiela."
Natuwa naman ako dahil tagalog at waray na pakikipag-usap sa akin ni papa. Tanong ng tanong raw ang mama ni Shiela kasi hindi naman daw tumatawag ang kaibigan ko doon sa magulang niya.
"Sugara na la pa, na ok la kami ni Shiela didi maupay ang amo trabaho didi." Sabi ko pakisabi na lang na maganda ang trabaho namin dito at mabait ang amo namin. Pagsisinungaling ko na maganda ang trabaho nila, pero hindi nila alam na naging magulo ang naging kapalaran nila dito ng kaibigan.
"Kay hala sugaron ko na la, ikaw man kinaon ka na yana? Imo mama namimingaw na saim."
Sasabihin na lang daw niya at napatakip ako ng bibig dahil sa bigla akong naiiyak dahil sa tanong ng ama ko kung kumain na ba ako. Talagang napakamaalalahanin nilang magulang.
"Tima na ak pa, kamo man kinaon na kam? Matawag na la ak utro sa inyo kay istrikto ang ako amo didi."
Sabi ko tapos na ako kumain at kung sila ay kumain na rin ba. Nagpaalam na rin ako dahil sa mga kasinungalingan na mga sinasabi ako sa magulang ko.
"Ok, tawag na la utro Inday ha? Paghinay doon."
Tawag na lang daw ako ulit sabi pa nito bago ko patayin ang cellphone ay napayuko ako sa lamesa at doon umiyak. Ano na lang magiging damdamin ng mga magulang ko kapag nalaman nila ang totoong nangyari sa kanila.
Nang mahimasmasan na ako ay lumabas na ako at nagtuloy sa kuwarto ko at nakita ko sa tabi ng lamesa na may pagkain.
"Hija, dinalhan na kita ng pagkain baka pagod ka kaya dinala ko na lang dito."
Doon ko lang napansin na nandoon pala si Manang Susan at inaayos ang sapin ng kama.
"Salamat po, huwag niyo na po iyan ayusin ako na lang ho magpahinga na kayo." ani ko dito at lumapit ako sa kanya.
"Sandali umiyak ka?"
Nakatingin ito sa mga mata ko at yumuko ako at nilapag ang bag sa gilid ng higaan.
"Namiss ko lang ho ang mga magulang ko nakausap ko kasi sila kanina." sagot ko at naupo sa gilid ng kama.
"Ganon ba? Siya sige, kumain ka na at pagkatapos magpahinga ka. Baka bukas pa umuwi si Steven."
Paalam na nito at hindi na ako nagtanong pa kung saan nagpunta si Mr. Cuervo., Kumain na ako dahil gutom na gutom na talaga ako. Matapos iyon nagpahinga na ako at saglit naglinis ng katawan, saka ko naalala na wala pala akong damit. Nakatapis lang ako ng towel at naisip na buksan ang ang ilang cabinet na nandito.
Ilang piraso lang ang nakita ko dito, isang kulay pula na bistida at ng tingnan ko ito 'ay sobrang iksi at napaka-sexy nito kapag sinuot mo ito. V-type kasi ang harapan niya at ganon rin sa likod nito, lagpas lang ng kaunti sa p********e ko. Hindi kaya kabagan ako nito? Parang wala rin akong suot nito.
Ngunit wala akong magawa dahil wala rin panty kaya sinuot ko na lang at humiga na sa kama. Binalot ko ng kumot ang katawan ko upang hindi lamigin, matagal bago ako dinalaw ng antok at nakailang ikot pa ako sa higaan bago nakatulog. Hanggang sa,
hindi ko alam kung nanaginip ba akong may humahalik sa paahan ko, nakikiliti at nakakaramdam ng kakaibang init. Umakyat ang mainit na labi nito paakyat sa hita ko kaya napaungol ako.
Pagmulat ko ng mata si Mr. Cuervo ang nasa ibaba ko at wala na itong suot na damit. Hindi ako nakapagsalita ng bigla niya akong buhatin at pumasok sa isang pintuan. Dito rin mismo sa loob ng kuwarto ko kaya nagtataka ako dahil hindi ko 'yon napansin. Isang kuwarto ang nakita ko na mediyo madilim kaya hindi ko gaano makita ang loob nito. Maingat na nilapag ako sa malaking kama, napatitig ako sa kanya at doon ko lang napansin na wala na rin pala itong saplot sa ibaba.
Hindi ko malaman kung saan ako titingin dahil sa aking nakita, mabuti na lang at lumapit na ito sa akin at tinitigan ako nito. Napapapikit ako dahil sa kakaibang pagkakatitig nito sa akin.