AN: Last chap and epilogue na salamat po sa inyong lahat at sana'y sa susunod na kuwento ay samahan niyo akong muli. ---------------- Masaya ako habang nakaakbay sa akin sa ang aking asawa habang pinapanood ang mga tao na saksi sa aming pagmamahalan. "Salamat Steven, salamat sa lahat sobrang saya ko at mas mahal pa sa mga ginastos mo ang nararamdaman ko ngayon." buong sambit ko habang nakatingin sa kanya. "I know, kahit ubusin ko pa ang pera ko hindi ko 'yan matutumbasan." serysosong sagot nito. "Boss, congrats pala sa inyo." Napalingon kami kay Anthony na gwapo sa suot nitong itim na amerikana. Siya rin kasi ang bestman ni, Steven. "Salamat!" Tapik ni Steven sa balikat nito. "Sandali ilan taon ka na ba, Anthony?" curious na tanong ko sa kanya. "Tatlong taon lang ang tanda ko