Prologue

1816 Words
Shinoeh Weanne Cueva's P.O.V. Hinawakan ko ang letrato niya. Hinaplos ko ang kanyang mukha at napapikit na lamang ako sa lungkot. Bakit nga ba napunta sa ganito ang relasyon naming dalawa? Ang relasyon na pinaka-iingatan naming dalawa. But despite of my sad smiles, I am still happy. Ang layo na ng narating niya. Siguro nga ay maniniwala na lang ako sa kasabihan na kung kayo talaga ay kayo talaga. Sana nga ay totoo iyon. "Shiwi," tawag sa akin ni Chu. Ang bestfriend ko. Katrabaho ko rin siya rito sa hotel. Mabilis kong itinago sa bulsa ko ang letrato. "Bakit?" baling ko sa kanya. "Balita ko ay may pupunta raw na big time sa hotel? Dito siya mag i-stay," saad niya. Tumaas ang tingin ko sa may kisame. Inaalala kung meron nga ba. Pagkatapos ng ilang sandali ay tumango ako. "Yup, but not yet confirmed kung sino nga ba," sagot ko. Tumili siya ng mahina at excited na isinukbit sa aking siko ang kanyang kamay. "Sana si Brent 'no," kinikilig niya pang sambit. Napatigil ako at tumitig sa kawalan nang marinig ko ang kanyang pangalan. "Uy," sinundot ako ni Chu sa aking tagiliran. "Okay ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong. Wala nga pala siyang alam. Humarap ako sa kanya at ngumiti nang maliit. "Oo naman." Napatango siya ng mabagal at napanguso. Pagkatapos ng ilang saglit ay ibunuka niya ulit ang kanyang bibig. "Balitaan mo ako ha? Kung sino ang mag i-stay na artista rito." Saka na siya nag-paalam. Bumalik na sa kanyang pwesto dahil tapos na rin ang kanyang break time. Pumunta ako sa may malaking bintana at tumingin sa mga sasakyan sa daan. Gumagana ang dagos ng trapiko parang katulad na rin ng oras na mabilis kung lumipas. I was about to turn my back when I saw the billboard. He is smiling there. Showing his teeth to the world. Showing the smile that can make every one melt, like me. Pumiling ako at bumuntong hininga. Dapat ay mag-focus nalang ako sa aking trabaho. I am a manager here at Cuenco's Hotel. Maraming branch sa Pinas at sa ibang bansa. Kapag nakapasok ka rito ay swerte ka talaga. Mahirap talaga ang pagpasok dito. Bukod sa sikat na sikat ito ay sobrang strict din ng may ari. At dahil sikat nga ito ay madalas na rito mag-stay ang mga big time na tao. Mapa-business woman o man iyan, artista, politician, at mga sobrang yaman. Kilala talaga kasi ito. Maganda kasi ang serbisyo at kalidad. Buti na lang ay napagana ko ang pinag-aralan ko kaya naman nakapasok ako rito. Nagsimula lang talaga ko sa maliit na ranko hanggang sa ma-promote ako bilang manager. Binuksan ko na ang desk top sa harapan ko at pumunta sa may web. Tinignan ko ang mga email. Hinihintay ko kasi ang pagkumpirma ng isang agency. Kung dito nga ba mag i-stay ang arstista at kung sino nga ba ito. "Wala pa," saad ko at nagkibit balikat. Tumayo ako napagpasyahan na mag-rounds. Titignan ko kung maayos ba ang facilities at mga workers. "Good afternoon po," bati ni Jeko. Isang janitor. Halos kilala ko naman ang mga trabahador dito. Maganda na rin iyon para mas maging magaan ang trabaho. Tumigil ako sa may isang palapag. Nakita ko kasi roon na may dumi sa sahig. Sa lahat ng ayaw ni Mr. Cuenco ay ang maduming sahig. Ito ang pinaka abilin niya sa akin at sa mga trabahador noon. Sakto naman ay may dumaan na isang janitress. May dala-dala siyang cart ng pang-linis. "Excuse," pagkuha ko sa kanyang atensyon. Bumaling siya sa akin at mabilis akong binati. "Good afternoon po, Ma'am Shinoeh," utas niya. Tumango ako bilang pagbati. "Miss Bea," pagbasa ko sa name tag na nakalagay sa may bandang dibdib niya. "Po?" mahinhin niyang usal. "Nakita ko kasi na marumi ang sahig sa parteng ito," usal ko at tinuro ang parte na nakita ko kanina. Mabilis siyang gumalaw. "Sige po lilinisin ko na," tila natataranta niya pang sambit. Hinawakan ko siya sa may braso niya. "Sige," saad ko at ngumiti sa kanya. Pagkatapos ay iniwan ko na siya roon. I am not that really strict. Mabasa nga ako sa mga kasamahan ko rito. Mas maganda kasi na magaan ang loob mo sa mga katrabaho mo. Para na rin sa better working environment. Pero syempre may pagka-istrikto pa rin ako. Lalo na kapag kailangan talaga. Pagkadating ng gabi ay nag-out na ako. Oras na ng pag-uwi ko. Naipit pa ako sa traffic. Kapag gabi talaga ay ganito. Rush hour na kasi. Habang hinhintay ang daloy ng trapiko ay napatingin ako sa may billboard. Siya na naman ang naroon. Kung sa isa kanina ay nakangiti siya. Dito naman ay fierce ang kanyang look. Napahawak ako sa tapat ng aking puso. Lumakas na naman kasi ang t***k nito. Muli na naman yatang nabubuhay ang matagal ko ng pinatay sa aking sistema. Napapikit ako ng mariin at pumiling. Muntikan pa akong mapatalon sa aking upuan nang bumusina na ang mga mga sasakyan sa likuran ko. Umuusad na pala ang traffic. Another day came. Another day to be alive. Another day to do things. Nakangiti ako pagkagising ko. Napakaganda kasi ng aking panaginip. Buti pa roon ay libre kami. Pwede ang lahat. Walang tumututol. Kami ang nagpapasya kung gusto ba naming sumaya o hindi. Iyong walang kailangang magbigay o mag-suffer sa desisyon. Walang dapat isaalang-alang. Nag-ready na ako. Sinuot ko na ang office attire ko. Mamayang hapon ay ma mi-meet ko na ang manager ng isang sikat na artista. Natanggap ko na kasi ang email nito sa akin kagabi. Magkikita kami sa may isang private restaurant. Para pag-usapan ang magiging stay ng idol sa aming hotel. Doon pala siya mag i-stay para sa concert niya. Tatlong araw ang nakalaan para sa concert niya at para hindi masyadong mapagod sa byahe ay uuwi muna ito sa pinakamalapit na hotel. At iyon nga ang Cuenco's hotel. Well, malapit ito sa stadium na kung saan madalas nagaganap ang mga concert ng mga iba't ibang artista. Kaya naman dito talaga halos nag-i-stay ang mga nag-co-concert. Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandaar na iyon. Tinignan ko ang letrato na naka-display sa may dashboard. Kaming dalawa iyon. Noong highschool pa kami. Noong masaya pa kaming dalawa. Siguro nga iisipin ng iba na bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakaka-move on. Kahit din naman ako ay tinatanong ko iyon sa aking sarili. Matagal ko nang iniisip iyon. Pero anong magagawa ko kung ang matagal naming pagsasama ang pinanghahawakan ko. Pinipilit ko naman eh. Pinipilit kong kalimutan siya. Pero hindi ko kaya. Paano ko siya makakalimutan kung kahit saan man ako mapabaling ay nakikita ko ang kanyang mukha? Siguro ay makakalimutan ko lang talaga siya kapag nagpakalayo-layo ako. But no, maayos na ang trabaho ko rito. Stable ang job ko. Narito ang pamilya ko. Bakit pa ako aalis? As I park my car on the parking lot, my forehead ceased. Nakita ko kasi ang pamilyar na sasakyan. Napakibit balikat na lamang ako. Baka naman hindi. Baka kamukha lang. Isa pa, impossible na pumunta rito iyon. Well, hindi pala. Hotel nga pala ito. "Good morning, Ma'am," bati sa akin ng guard. Todo ngiti pa siya. Nakaka-radiate ng energy. Ngumiti rin ako pabalik. "Nagkape ka na manong?" pagtatanong ko. Ngumiti siya at tumango. "Oo naman, Ma'am," masigla niyang sagot. Nagpaalam na ako sa kanya. Kinaway ko na ang mga kamay ko at nag ba-bye na kay manong. Dumaan ako sa may front desk at nakitang iba ang naroon. Day off nga pala ni Chu ngayon. Bumabati rin ako sa mga bumabati sa akin hanggang sa makarating ako sa may office ko. Agad akong nagbukas ng desk top para tumingin ng mga documents doon. May mga iba na ring documents na nakalagay sa la mesa ko. May mga kailangang pirmahan. "Salamat naman," saad ko at napataas ng kamay. I stretched my two arms because they feel numb. Ang dami ko kasing pinirmahan. May mga iba pang document na kailangan ko pang dalhin kay Mr. Cuenco dahil siya lang ang pwedeng pumirma ng mga iyon. Tinignan ko ang oras. Mag lu-lunch na pala. Kakain na lang ako sa may cafeteria. Dati ay nagpa-pack lunch naman ako. Ang kaso ngayon ay wala na akong time para mag-ayos nito. Mag-isa lang kasi akong nakatira sa may condo ko. Sina Mama at Papa naman ay nasa may Manila. Doon sila nakatira at ang nag-iisa kong kapatid ay nasa ibang bansa. "May chicken pastel dito," saad ng nutritionist. Alam kasi niya na favorite ko iyon. Naging kaklase ko siya dati kaya naman kilala niya ako. "Masarap 'to ha," pambibiro ko. Tumawa siya. "Syempre. Ako nagluto niyan," saka siya kumindat. Iniwan ko na si Cara roon. Umupo na ako sa may vacant table at nag umpisa ng kumain. Habang kumakain ay may tumayo sa harapan ko. "Can I sit with you?" tanong niya. Napataas ako ng tingin sa kanya. Ang head ng hr iyon. "Ahmm... yeah," hindi ko sure na sagot. Madami naman kasing vacant sits. Ngumiti siya at umupo na sa harapan ko. Tinignan niya ang pagkain ko kaya naman napatingin din ako rito. Habang kumakain ay tina-try niyang magbukas ng topic. Sumasagot naman ako pero hindi ko na pinapahaba ang usapan. "Ahm, una na ako. Patapos na rin kasi ang break ko," paalam ko sa kanya. Umakyat na nga ako at nag-toothbrush na. Pagkaraan ng ilang oras ay nag-ready na ako. May kalahating oras nalang kasi ako bago makipagkita sa manager ng client. Pumunta ako sa may comfort room at nag-ayos lang ng kaunti. Para na rin maging presentable ako. Nakakulay black akong fitted dress. Hindi revealing at medyo formal iyon. Suot ko rin ang three inches block black heels ko. Kinabahan ako ng kaunti nang makarating na ako sa harapan ng private restaurant. Japanese restaurant iyon at may room kada customer. Kaya super private talaga. Madalas naman na sa mga ganito pumupunta ang mga celebrities. Para na rin sa privacy at hindi sila masyadong magambala habang kumakain. "Wait lang. Bakit ibang kaba naman yata ito," kausap ko sa aking sarili. Sobra naman kasi ang pagkakaba ko ngayon. Para bang may ibig sabihin. Kinakabahan tuloy ako. Hay naku. Pumasok na ako at sinalubong ako ng isang babae. "Miss Fernandez," saad ko. Tinignan niya ang list at tumingin ulit sa akin. "Dito po." Iginiya na nga niya ako papunta roon. Tumigil na kami sa harap ng isang pintuan at nagpaalam na siya sa akin. Tawagin na lang daw siya kapag may kailangan kami. Sa hindi malamang dahilan ay napahinga ako ng malalim bago ako kumatok at buksan ang pintuan. Pagkabukas doon ay napaawang ng maliit ang aking labi. Sabi ko na nga ba at may kahulugan ang pagtibok ng puso ko ng sobrang lakas. "Have a sit," seryoso niyang sambit. Tinaasan niya pa ako ng isang kilay. "Brent Jax Yarez," mahina kong usal sa kanyang pangalan. My ex. Ang lalaking hindi ko makalimutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD