chapter 1
kasakuluyan akong nasa mission dito sa Mindanao para irescue ang isang Chinese National na business man,na hostage ng mga terorista.kapalit ng 200 billion pesos na hinihingi sa gobyerno para sa kalayaan ng Chinese.nandito kami para sagipin ang hostage pero hindi ang ibigay ang hinihinging kapalit ng mga terorista.expertise ng team ko ang pagsagip ng mga hostages kaya samin ibinigay ang mission.
Naka standby ako kasama ang team ko sa pag rescue ng hostage ngunit napag alaman namin na buong compound pala ang nahohostage ng mga terorista.kaya bilang team leader ipinaalam ko sa aking C.O. Ang setwasyon na kelangan na naming kumilos bago pa matusta ang buong compound dahil pasasabugin ito ng mga terorista.
"Buddy pahinga muna tayo" turan ng kapartner kong si corporal Alvin Perez.
"Ok pero alerto kayo tatawagan ko Lang si C.O"bilin ko sa team bago ako makipag usap sa aming C.O.
"Ok Cordero do not do anything na makakabulabog sa mga terorista hintayin nyo ako do you copy?."
"Pero sir kailangan kumilos na kami kaagad bago pa nila mapatay lahat ang nakatira sa buong compound iniisa isa na nila".
"Hintayin nyo ako that's an order"!.sigaw ng c.o.namin na si lieutenant colonel Glenn Santos.
"Dahil ba sa banta nila na pasasabugin ang buong compound sir"!.
"Cordero just follow the order stay in your area do you understand"?.
"Yes sir"at pinutol ko na ang tawag ngunit hindi ko matiis na makita na isa isang pinapatay ng mga terorista ang mga nakatira sa compound kaya sinunod ko ang tawag ng tungkulin na kumakatok sa puso ko ang protektahan ang mamamayan. kumilos ako at ang aking team para irescue ang lahat ng hostages.
"Let's go team!" at lumusob kami sa compound sinikap namin na makalapit ng tahimik para mas maraming kaming mailigtas na mga mamamayan ngunit sadyang hindi maiwasan na hindi makagawa ng ingay gayon pa man marami na rin kami narescue na mga hostages bago pa sila nabulabog. nakipagsabayan kami sa mga terorista hanggang sa halos maubos na ang kalaban.
at nakita ng malilikot kong mga mata na pilit na tumatakas ang pinuno ng terorista hawak ang Chinese business man at sapilitang kinakaladkad para tumakas.
"Buddy palabasin nyo lahat ng tao sa compound dahil sasabog ang Lugar na ito,susundan ko ang pinuno nilang tumatakas".bilin ko kay Alvin.
"Mag iingat ka buddy susundan kita".
"Ok mag iingat kayo".sagot ko sabay takbo para sundan ang leader ng terorista.
Nakikita kong apat na lang ang kalaban kasama ang kanilang pinuno.humahanap ako ng bwelo habang sinusundan ko sila ng biglang lumabas mula sa masukal na bahagi ang c.o.namin.
"coronel bakit ngayon ka lang ".tanung Kay c.o. ng pinuno ng terorista.
"Abdul tumakas na kayo hindi ko na kayo kanyang pagtakpan mahahalata na tayo"dinig kong turan ni coronel Santos .
at tinulungan pang tumakas ang apat na terorista.kaya mabilis ang kilos ko para ikutan ang mga terorista at salubungin ang mga ito ngayon ay magkaharap na kami. Habang si coronel ay papunta sa compound.
"Wala na kayong pupuntahan pa empyerno na ang kasunod nito."sigaw ko ng hindi napaapansin ng apat na terorista na nasa harap na nila ako.
"papatayin ko ito".tukoy ng pinuno sa hostage nila.
"Patayin mo bakit kaanu anu ko ba yan".turan ko habang tutuk ang mga mata ko sa bawat kilos nila. ng akmang babarilin na ang hostage ay inunahan ko sila, mas mabilis ako sainyo mga gago bulalas ko ng bumulagta sa lupa ang apat na terorista na wala ng buhay.napasigaw sa takot ang Chinese ng makitang wala ng buhay ang mga terorista kaya nilapitan ko at tinanggalan kaagad ng tali sa kamay.
Sabay lingon ni coronel sa kinaroroonan ko at galit na lumapit sa akin.
"Punyeta Cordero di ba sabi ko sayo hintayin mo muna ako bago ka kumilos nakikipag gyera kana pala dito"!galit na sigaw ni coronel Santos sa akin.
" Sir uubusin na nila ang mga hostages kaya kumilos na kami, marami kaming nailigtas kasama na ang Chinese business man".mahinahon na sagot ko.
"Punyeta!!!Wala akong pakialam kung patayin man nila lahat ng hostage,ang utos ko ang sundin nyo".sigaw ni coronel sa akin.
Kaya medyo umakyat ang dugo ko sa ulo lalo pa at may nakita akong hindi maganda sa paningin ko.
"Wala akong pakialam sa utos nyo sir ang alam ko ang mission namin dito ay iligtas ang mga hostages,kayo coronel anu ang mission mo dito"?.matapang kong sagot.
"Ang mission mo Cordero mission ng mga tanga"!.sigaw nito sabay tutok ng baril sa akin.
"Sige sir paputukin na natin ito para sumabog na ang utak natin pariho ng malaman natin kung sinu ang tanga sa ating dalawa".matapang kong sagot.
Sabay tutok ng baril,kahit mataas ito sa akin hindi ako uurung lalaban akong p*****n dito.ng magsilabasan ang mga kasamang tauhan ni coronel Santos ipinaaresto nya ako at dinisarmahan
"dalhin na Yan"!!sigaw pa nito.
Maimpluwensya si coronel at ginamit ang kanyang posisyon laban sa akin kaya naman ng binasa ang hatol sa akin wala akong nagawa.
"This military Court the jadgement in you master sergeant Danielle Cordero team leader of the third unit special forces to be dismiss of the military service so ordered.
"pak di ba ganun lang babae lang daw ako sabi ni coronel Santos,sa halos walong taon ko sa serbisyo dismissal lang pala ang bagsak ko hayst nakakainis.pero ok na din ng makapag bakasyon ng matagal.Hindi lang matagal na bakasyon ito mukhang lifetime pa,pagkatapos kong mag empaki ng mga gamit ko hindi na ako nag aksaya ng oras TaaS noo akong umalis sa baraks na tinutuluyan namin maraming tanung ang mga team ko pero hindi ako nag aksaya ng panahon para mag explain pa sa kanila, isang paalala lang ang gusto kong iwanan sa kanila.
"Isa lang ang masasabi ko sa inyo team tapat na serbisyo ang sunumpaan natin sa bayan at sa mamamayan yun ang pairalin nyo,sa isip at sa puso alam nyo ang tama at mali alam nyo rin ang legal sa illegal".
"Mag iingat ka buddy".turan ni Perez sa akin.
"salamat buddy, mag iingat din kayo". walang lingon akong umalis. malayo ang lalakarin ko bago ako makarating sa bayan para sumakay ng taxi papuntang paliparan.habang nagulat ako ng makita kong nakasunod si Alvin at si cedric sa akin.
"buddy ihahatid ka na namin sa bayan mahirap na kung mag isa ka lang".saad ni perez.
"kayong bahala"tugon ko.
"Dani magkababata tayo at matalik na magkaibigan hindi mo ba talaga kayang ipagkatiwala sa akin kung bakit ka na dismiss sa serbisyo?".tanung ni Alvin habang naglalakad kami.
"oo nga Dani para naman wala tayong pinagsamahan".segunda ni Cedric
"mahirap na baka madamay pa kayo,basta mag iingat kayo dito at ang tiwala hindi yan basta binibigay at talasan ang pang amoy sa mga bagay bagay mga buddy".
"sige na nga hindi na kami mangungulit pa,basta pag may kailangan ka magsabi ka lang".ani alvin
"sa takdang panahon Alvin mangyayari yan,salamat sa paghatid nyo".sabay talikod Kay Alvin at Cedric
"ingat ka Dani".
tango na lang ang naisagot ko habang pasakay ng taxi papuntang airport.masakit sa akin ang pagkaka dismiss ko sa serbisyo pero sabi nga ng mentor kong si general celso alano mas magandang lumaban ng tahimik para malaya akong makapag imbistiga hindi ako lumaban kasi wala akong ebidinsya laban kay coronel Santos.Sa ngayon uuwi muna ako ng Laguna sa lugar kong saan ako lumaki.pag dating ko sa airport late na ako pero tulad sa kasabihan,huli man daw at magaling naisisingit pa rin.haha parang mali ang kasabihan ko pero ako lang ang meron nyan kaya okay na rin.pagdating ko na NAIA nagulat ako ng makita ko si kuya Edwin ang driver ni Alvin.
"ma'am Dani bilin po ni sir Alvin na sunduin ko kayo,ako na po magdala ng bag nyo ma'am"
"salamat kuya Edwin kaso masyado kang OA sa ma'am at saka sa po".
"Hindi naman po ma'am pasinsya na po".
"kuya Edwin paki tanggal ng ma'am at saka ng po okay,para ka kasing ewan eh".
tumawa lang ito ng makapasok ng sasakyan at tahimik na nagmaniho.mayamaya tumunog ang cellphone ni kuya Edwin at sinagot nya ito sa klase ng usapan nila alam kong si Alvin ang kausap nito.habang nasa byahe naisip ko alam na kaya ng tatang ko ang nangyari sa akin sana naman hindi pa para makapagpaliwanag pa ako,kausap ko sa sarili.
" kuya Edwin kain muna tayo tomguts na ako eh".
"ah sige po ma'am sa dati po ba"? tanung ni kuya Edwin.
"isa pang ma'am kuya Edwin ikaw talaga pagbabayarin ko ng kakainin natin".saad ko.
makalipas ang halos 30 minutes nandito na kami sa paborito namin ni Alvin na bulalohan at hindi na nagsalita pa si kuya Edwin.natakot siguro na pagbayarin ko ng kakainin namin.sa bandang sulok kami pumwesto ni kuya Edwin habang kumakain kami may kakaiba akong naramdaman yung pakiramdam ko na may mangyayaring hindi maganda kaya naging malikot ang mga mata ko.apat na lalaki ang pumasok at malalaki ang katawan. umupo ang mga ito sa may di kalayuan sa mesang kinakainan namin at nakita kong may takot sa mukha ang mga serbidura kaya pasimple akong nakamasid sa apat na lalaki.tumayo ang isa pumunta sa may counter at basta na lang hinalikan ang babaeng at hinablot ang box na may laman na pera.kaya nagsisigaw ang babae sa pagkabigla pinigilan agad ako ni kuya Edwin ng tumayo ako ngunit tiningnan ko Lang ito at tinapik sa balikat.
"brad magpaalam ka naman sa hahalikan mo natakot tuloy si ate sayo".turan ko sa lalaking basta na lang nanghahalik.
"bakit sinu ka ba ha"?tanung sa akin ng pangit na manyak.
"ako?hihi ako ang iyong konsinsya na magtatama ng mali mong ginagawa".baliw kong sagot.
at nagtawanan ang mga kasama nito kaya tumawa rin ako ng malakas at nakakainsulto.galit na lumapit sa akin ang lalaki at dinuro ako sa mukha at nagpakaduling ako sa pagtitig ko sa hintuturo nya.
"hoy babae!wag kang pakialamira tatamaan ka sa akin".galit nitong saad sa akin.
"hoy lalaki tama ka naman dahil babae talaga ako,isa lang mali mo".baliw pa rin akong tumingin at ngumisi sa lalaki.
"at anung mali babae"
"mali ka dahil hindi ka tatama sa akin".sabay hablot ko sa hawak nitong box at itinapon ko sa loob ng counter.umatake ito ng sunod sunod na suntok at sipa sa akin ngunit mas mabilis ako kaya sa hangin sya tumatama.at ngayon ay pinagtutukungan na ako ng apat at may mga kutsilyo pang hawak.
"tingnan natin kung hindi magkagutay gutay ang katawan mo babae".turan ng kasama ni manyak.
"ok lang kung kaya nyo,pero pag hindi ako ang gagawa at isasama ko kayo sa bulalong pinapalambot dito sa bulalohan".sabay ikot ko at binigyan sila ng pamatay na sipa sa mukha.
natumba yung isa kaya napatingin ang mga kasama nito kaya sinamantala ko ang pagkakataon para umatake ulit at tuluyan ng natulog ang isa.
"one down".baliw kong saad. nakikita ko mukha nila ang takot sa bawat pag atake ko sa kanila kaya madali kong napatumba ang apat at tulog pa rin ng kinuha ng mga tanod.