Chapter 23 Simula nang marinig ang mga masasakit na salita buhat kay Xia Jill ay hindi na siya kinibo nito. Hindi na rin siyang nag-atubili pang makipag-ayos sa kapatid ni Chase. Baka makakasama sa kanya kung muli na naman itong bibitaw ng mga salitang magiging dahilan ng stress niya. Kaya lumalabas lamang siya sa kwarto upang kumain o magpapahangin sa labas. She needs to take care of herself para sa kambal na nasa sinapupunan niya. Minsan naririnig niya na may mga kasama ito sa mansyon pero pinili pa rin niyang manatili sa kwarto. Nasasanay na 'ata siyang mag-isa kahit na isang linggo pa lang namang wala si Chase. Naiintindihan naman niyang busy ito. He is a billionaire at wala itong sinasayang na oras pagdating sa negosyo. Tanghaling tapat kaya naisipan niyang maligo sa pool. Tutal ta