Jamilla's POV Dahan-dahan siyang lumapit sa pintuan ng banyo kung saan nanggagaling ang mga ungol ng dalawang taong nagtatalik. Kitang kita niya ang hubo't hubad na katawan ng nobyo at ng matalik niyang kaibigan. Tinulak niya ang pintuan. Nakita niya ang gulat sa mukha ng nobyo. "Luke!... Luke...! Bakit? Minahal kita... Mahal na mahal! " sigaw niya sa nobyo. Malalakas na hikbi ang pinakawalan niya habang hinahampas ang dibdib nito. Minulat niya ang mga mata dahil naramdaman niyang may yumuyugyog sa kanyang mga balikat. Malabo ang paningin niya dahil sa luhaang mga mata. Panaginip lang naman iyon ngunit bakit masakit pa rin. "You're dreaming!" saad ni Chase habang nakahawak pa rin sa magkabilang braso niya. Wala sa sarili ay yumakap siya sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit