This Chapter is dedicated to BAI "F#ck! F#ck! F#ck!" bulalas niya sabay hampas sa manibela ng kanyang kotse. Wala siyang pakialam sa mga namamagang kamao dahil sa lakas ng hampas niya sa manibela dahil mas masakit ang puso niya na unti-unting nawawasak dahil sa nasaksihan. He heard everythin'. And s**t parang pinaglalaruan lamang siya ng tadhana. Kung kailan pa siya nagbago ay doon pa niya nalaman at narinig pa mismo sa babaeng minamahal na ginagantihan lang nito ang lalaking 'yon! All this time ay ginamit lang siya ni Jamilla. Pinagmukhang gago at pinaniwalaang mahal rin siya nito. Kanina nang tinatong nito kung galit siya ay gusto niya itong sigawan, at murahin para ilabas lahat ng hinanakit niya pero pinigilan niya ang sarili. Bakit? Natatakot siya. Natatatakot siya na kapag