Chapter 2

2571 Words
Tanghali na nang marating namin ang resort. Isa-isa kaming bumaba ng Van, bit-bit ang kanya-kanyang bagahe. It was still Nathan who carried my things, spoiled kasi. It’s our second time visiting the resort and still it is breathtaking because of its super clean coastal and white sands. Nakakagaan din ng pakiramdam ang magandang tanawin lalo na ang simoy ng hangin. Napakapayapa rin pakinggan ang tunog mula sa humahampas na alon sa dagat. May mga Villa napinaparent ang resort sa mga guest. May hotels rin, mga mini bars at iba pang pagkakalibangan ang mga bakasyonista. May private Villa ang resort na tangin ang pamilya lang nina Kuya Justin ang gumagamit. Isa itong two storey house na may sariling swimming pool may apat na kuarto. Isa sa baba at tatlo sa itaas. Ang dalawang kuarto kaharap sa dalampasigan ay may kanya-kanyang terrace. Tinungo naming ang Private Villa, agad na may sumalubong sa’min na mga tauhan ng resort upang tulungan kami. Pagpasok naming sa gate ng Villa ay agad tumambad sa mga mata naming ang napakalaking swimming pool. May mga nakahilerang apat na lounge chairs sa right side at ang left side ay may isang table na pinagitnaan nang tatlong rectangular sofa chair. Dumaan kami sa gilid ng pool at tinungo ang main door na gawa sa glass ang ding-ding at ang mismong pintuan, it was a sliding door to be specific. Ang kuarto sa ibaba ay inukyupa agad ng love birds na sina Kuya Adrianne at kasintahan nitong si Ate Mitch. Sa itaas naman, ang isa sa dalawang magkatabi na room na may terrace ay sa amin ni Ate Jazlyn kasama ang buntot ko na si Nathan. Ang isa nama’y kila kuya Justin, Migs at Kuya Jeric. Habang ang isang kuarto ay sa magkasintahang sina Chezka at Kevin. Nang mailapag ang mga gamit sa kuartong gagamitin nami'y agad namang lumabas si Nathan para puntahan ang katapat na kuarto. May pagmamadaling tinungo ko ang terrace. Mula sa kinatatayoan ko ay tanaw mula dito ang dagat na tila nang-e-engganyo. Gusto ko tuloy na maligo. Matagal-tagal na rin mag-mula noong huli akong nakapagswimming sa dagat kasama ko rin ang tropa kaya naman sabik ako dito. Tumalikod ako at pumasok sa loob ng kuarto. Napag-isipa kong ayain si Ate Jaz na mag-swimming. Nilapitan ko ito na ang kalahating katawan ay nakahiga sa pang-isahang kama. Hinayaang nakabitin ang mga binti at paa. Hawak sa dalawang kamay ang cellphone at nangingiting nagtitipa. "Ate Jaz, swimming na tayo." Aya ko sa kanya ngunit tila di nito narinig ang sinabi ko. Nakakunot noo ko syang pinagmasdan, nangingiti pa rin ito. Is she giggling? "Ate Jaz , Ligo na tayo" Ulit ko, ngunit tila di parin nito narinig ang sinabi ko at nagpatuloy sa pagtitipa sa kanyang cellphone na nakangiti pa rin. Kaya mas lumapit na ako sa kama. Tumayo ako sa gilid at mas nilakasan ko ang boses. "Ate Jaz!" Sigaw ko. "Ay butiki! Aray!" Gulat niyang usal. Nabitiwan nito ang hawak na cellphone, nahulog at tumama sa kanyang mukha. Napatawa ako at napatuptup sa aking bibig. "Bakit ka ba nanggu-gulat kang bata ka!" Tanong niya sa akin. Napahawak ito sa dibdib . "Kasi naman, kanina pa kita tinatawag dahil gusto kitang ayain magswimming di kanaman nakikinig. Sino ba ba kasi yang ka chat o ka text mo at parang kilig na kilig ka yata." Panunukso ko. Bigla itong na-conscious, agad namula ang kanyang pisnge. Right there and then, alam kong in love muli ito. Napabangon ito mula sa pagkakahiga. "Anong kinikilig pinagsasabi mong bata ka! Baka mahina lang ‘yong boses mo kaya di kita narinig." Pag-tanggi nya ngunit halatang defensive. "Ako pa ba ate Jaz, ang pagsisinungalingan mo? Kilalala kaya kita." Nakapameywang kong saad . "Ewan ko sayo, Samira Gabrielle." Patuloy parin niyang tanggi. Bumangon siya, lumuhod ito sa carpeted na sahig ng kuarto sa harap ng kanyang maleta. Binuksan niya ito at isa-isang nilabas ang mga toiletries at damit na naroon upang ilipat sa built-in cabinet. "Share mo na te. Sino ba ang nagpapangiti sayo ng ganyan? Last time kong nakita ang ganyang mga ngiti mo ay noong kayo pa ni Kuya Iñigo." Saad ko sabay upo sa may edge nang kama. Bigla kong natuptup ang bibig huli na para bawiin ang sinabi. Medyo natigilan siya nang mabanggit ang pangalan ng dating kasintahan at tinignan ako nang mariin. "Don’t say bad words, Gab. Tsk." Saway niya sa akin. "Sorry po." Paumanhin ko at nag peace sign. "Ano nga pala yong sinabi mo kanina? " Pag-i-iba n0ya sa usapan. "Swimming tayo, nakaka-engganyo kasi ang dagat." Sagot ko. "Sige, tapos ayain natin sina Mitch at Chezka." Tila naexcite naman ito sa narinig. Katulad ko, sabik rin itong makaligo muli sa dagat. Tumayo siya at kinuha ang nakatuping yellow flowy dress. Hinubad nito ang suot na white vneck tshirt at sinuot ang napiling dress na hanggang hita niya. Pinaibabawan nang dress ang kanyang two piece white bikini na may malalaking black polka dots. Sinunod nitong hinubad ang suot na itim na short. Tinupi niya ang mga hinubad na damit. Sobragn ganda si Ate Jazlyn, matangkad na kahit sinong lalaki'y mapapatingin sa taglay nitong gandahan, maliit ang hugis puso nitong mukha, matangos ang ilong, kay hahabang pilik mata na nababagayan sa kutis gatas niyang balat at ang ganda din ng hubog ng katawan nito, malalaking balakang, manipis na baywang at katamtamang laki nang dibdib. Pero, bakit kaya ganoon kahit anong ganda, sinasaktan pa rin? Napaisip tuloy ako. Kasabay ni ate Jaz ay hinubad ko na rin yong suot kong white longsleeve at sinuot yong white dress na tinatali sa likod ng leeg ang sa bandang taas, maikli lang din ang napili kong dress haggang hita rin ang haba. Kita ang buong likod ko lalo na at naka messy bun ang style ng pagkakatali ng buhok ko. In-saktong nakapagpalit na kami nang pumasok si Nathan. Kinuha ko ang sunblock mula sa bag ko and handed it to him. Alam na niya agad ang gagawin kahit wala pa akong sinabi. "Dapa ka doon." Saad niya sabay nguso sa queen size bed. Malaki ang kuarto may dalawang bed isang queen size at isang single bed. Sinuno ko ang gusto niya, dumapa ako sa kama. Kinalag niya ang lace nang aking bikini tops. Mayamaya'y naramdaman ko na agad ang mga palad nya sa likod ko. Pagkatapos ay nilihis niya ang dress ko at nilagyan nya ang likod ng mga hita ko pataas sa gilid ng aking. Bumaba ang mga kamay nito sa mga binti ko at nang matapos ay itinali nya pabalik ang lace ng bikini tops ko. Bumangon ako at kinuha ko mula sa kanya ang sunblock at nilagyan ko ang mga braso ko at harap nang aking hita at binti. Naglagay na rin si Ate Jaz ng sunblock at humingi rin ng tulong kay Nathan na magpalagay sa bandang likuran. Naka-squat lamang si ate Jaz sa kabilang bed, agad namang sumunod si Nathan at nilagyan ang likod ni Ate Jaz. Kasama si Ate Mitch at Chezka ay tinungo namin ang dalampasigan. Walang boys dahil nagkayayaan ang mga itong maginuman. Pagdating naming dalampasigan ay kanya-kanya muna kaming lagay sa mga gamit naming sa launge chairs. Naghanap kami ng magandang view upang gawing background sa pagkuha ng mga photos. Pwenesto na agad ni Chezka ang dalang tripod at camera nito sa buhangin. She sets the timer. Nakailang shots rin kami sa suot naming dress, bago naisipang hubarin ito at mag groufie suot ang aming mga bikinis. May groufie, tig dadalawa at solo shots kami at nang magkasawaan ay naisipang maligo na sa dagat. Dahil medyo masakit na sa balat ang init mula sa sinag ng araw kahit alas tres pa lang ng hapon ay naisipang kong umahon at sumilong doon sa may lounge chair na nakalatag dikalayuan mula sa dagat may limang lounge chairs doon na may nakatungkod na paying. Dalawa nalang ‘yong bakante kung saan namin inilagay ang mga hinubad na damit at ibang gamit. Itinabi ko muna ang mga gamit sa may paanan. Kinuha ko ang sunglasses ko at sinuot bago humiga. Medyo angat ng kaunti ang likod ko, nakatiklop paitaas ang isa kong tuhod. Inilagay ko sa magkabilang arm ng lounge chair ang dalawang forearm ko. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuohan ng resort, talagang hindi nakakasawa ang ganda nito. Marami ang naliligo sa dagat summer na naman kasi. Pinagpatuloy ko pa ang paglibot ng paningin nang mahagip ng aking mga mata ang isang lalaki na nakaupo sa isa sa lounge chairs na naroon. Nakaharap siya sa akin nakatungkod ang dalawang siko nito sa tuhod at bahagyang pinagtagpo ang dalawang palad. Nakablack button-down polo shirt ito at naka beach short, nakabukas ang tatlong botones sa itaas , bakat na bakat mula sa suot ang muscle nito sa braso. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha at di maipagkakailang guapo ito, matangkad, di masyadong maputi pero di mo rin masabing moreno, napakatangos ng ilong, malalalim na mga mata, mapupulang lab--- napatigil ako sa ginawang pagpasada sa kanyang mukha nang bigla itong ngumiti at napagtanto kong napatagal pala ang ginawa kong pagtitig dito, agad na nag-init ang magkabila kong pinsge. Kay bilis kong binawi ang aking paningin at binaling sa aking harapan. Kinastigo ko ang aking sarili, ni di ko alam kung ilang minuto ko na siyang tinitigan. He caught me checking him out, s**t. Baka akalain nito na pinagnanasahan ko siya, nakakahiya. Damn you, Gabby. What’s wrong with you bakit mo yon ginawa, saway ko sa aking sarili. From my peripheral view ay nakita ko itong tumayo at nagsimulang humakbang patungo sa direksyon ng kinahihigaan ko ngayon. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Natatakot na komprontahin niya ang ginawa kong pagtitig sa kanya kanina. Di nga ako nagkakamali. Ilang segundo lang ay narinig ko na itong nagsalita. "Hi!" Panimula nya, inayos ko ang pagkakahiga ko at bahagya ko syang tingala. Nakatayo siya sa gilid ng lounge chair na gamit ko, nakangiti itong nakatunghay sa akin. "Yes?" Alinlangan kong ganti sa kanyang pagbati. s**t! Mas guapo pala ito sa malapitan at ang bango pa, nakakaturn on. "Would you mi-- " Naputol ang kanyang nais sabihin at sabay kaming napalingon nang marinig namin pareho ang pagtawag ni Nathan sa akin. "Babe!" Sigaw ni Nathan habang tumakbo ito palapit sa kinaroroonan naming. Naka-board shorts at wala ng suot pangitaas. Nahagip pa ng mga mata ko ang iilang mga nakatitig sa kanya na tila kinikilig. Kung guapo man itong lalaking nasa gilid ko'y mas guapo naman si Nathan, matangkad , maputi at maganda din ang porma nang pangangatawan , sakto lang ang laki at nakahulma ang six packs na abs. "Babe, Bakit?" Tanong ng makalapit ito. "Samahan mo ko, ligo tayo." Tila di pinansin ang lalaking nakatayo sa gilid ko. Sabay hila sa akin patayo. Agad naman akong napalingon sa lalaking nakatayo. "Ano nga pala yon?" Tanong ko. "Ah, wala. I just thought you were someone I know. Sorry. " Napakamot ito sa ulo at tumalikod. Tumayo ako at nagpahila kay Nathan papuntang dagat. "Sino yon?" Agad niyang tanong. Nagkibit balikat lamang ako. Napatili ako nang bigla nya akong binuhat at patakbong inilubog sa dagat. Papasok na kami sa loob ng Villa. Nauna sina Ate Mitch at Chezka kasunod ni ate Jazlyn. Nakasunod naman kami ni Nathan sa likod nila. Naka-akbay si Nathan sa akin samantalang yong isang kamay koy nakayakap sa likod ng kanyang baywang. Sinalubong kami ni Miggy na may dalang dalawang bote ng beer at ibinigay sa amin. Kinuha naming ang binigay nito at tinungga. Well, we are all adults already. Sa sala'y, agad naming napansin ang mga bagong panauhin; tatlong lalaki at dalawang babae. Napadako ang tingin ko sa isang lalaki at napakunot ang aking noo nang makita yong lalaki kanina. Nagtama ang aming paningin na dalawa. He smiled at em, alinlangan ma'y ginantihan ko na rin ng ngiti. "Guys, let me introduce to you my friends, Kyle." Turo niya sa isang lalaki na nakaupo sa sigle sofa at may bitbit na bote ng beer, tumango lang yong lalaki sabay angat ng dalang beer. "Nico," Turo nya sa lalaki kanina, Nico pala pangalan nya, sa isip ko. Nakatayo ito at nakaakbay sa isang magandang babae, na tila parang modelo. Tumango lamang si Nicco kay Nathan at bumaling agad sa akin sabay lahad nang palad. Nang akmang makikipagkamay na sana ako ay inabot ni Nathan ang kamay ni Nicco at siya ang nakipagkamay dito. " Nathan, pare." Saad ni Nathan bago binitiwan ang kamay ni Nicco. "Gab." Saad ko nalang, tumango naman si Nicco. "Cindy," Patuloy naman ni Kuya Justine sabay turo sa kaakbay ni Nico. "Clare and Ely. " Turo naman niya sa dalawang babaeng nakaupo sa mahabang sofa katabi nito si Kuya Jeric na kampanteng nakaupo. Tumango-tango lamang kami ni Nathan at ipinakilala rin ang sarili. Inubos muna namin ni Nathan ang ibinigay ni Miggy na beer bago pumunta sa aming kuarto para magbihis. Nagising ako nang marinig ang mga hiyawan sa baba. Nang matapos akong makapagshower kanina ay humiga ako sa kama at di namalayang nakaidlip na pala ako. Mag-isa na lamang ako sa loob ng kuarto. Suot ang dolphin shorts at gray sweater na may hood ni Nathan habang nakalugay ang mahaba kong buhok ay bumaba ako at tinunton ang sala. Naglaro pala sila ng truth or dare at si Kuya Jeric yong nakasalang. Dare malamang ang pinili nito, nakita ko itong sinasayawan ng dirty dance ang pinakilalang si Clare kanina ni kuya Justine. Mas napalakas ang hiyawan nang dahan-dahang hinubad ni Kuya Jeric ang suot na sando habang nakaharap kai Clare na nakaupo parin don kung saan sya nakapwesto kanina, na namumula na sa kakatawa. Nang mahubad ni Kuya Jeric ang pangitaas ay kinuha niya ang kamay ni Clare at iginiya sa kanyang hubad na katawan na mas lalong nagpalakas sa hiyawan ng mga nakapaligid, napapailing na lamang ako. Hinanap ng aking mata si Nathan at nakita ko syang nakasquat sa carpeted na sahig chinecheer din si Kuya Jeric. Napatigil ito sa kahihiyaw nang lumapit ako sa kanya at umupo sa harapan niya, sa pagitan ng kanyang mga hita. Agad kong sinandal ang likod ko sa kanyang dibdib , niyakap naman ni Nathan ang isang kamay sa aking beywang samantalang ang isang kamay ay nasa ere at pinagpatuloy ang pagche-cheer kay Kuya Jeric. Naramdaman kong may mga mata na nakamasid sa akin. Nilingon ko iyon at agad nagtama ang mga mata namin ni Nicco, mariin itong nakatitig sa akin, walang expression ang mukha. Nang maramdamang wala itong balak na magbitiw ng tingin ay ibinaling ko nalang pabalik kay Kuya Jeric ang aking tingin, ramdam ko parin ang paninitig niya sa akin. "Let’s eat dinner. ‘Di pa ako nagdidinner, I waited for you to woke up." Bulong sa akin ni Nathan. ‘Di nga pala ako nakapaghapunan dahil natulog ako pagkatapos mag-shower. Agad naman akong tumango. Tumayo kami at pumunta sa dining area. "Do you know that guy named, Nico?" Tanong nya nang magsimula kaming kumain. "No, why?" Balik kong tanong. " I always caught him staring at you and he was the guy you had talked with a while ago, sa Beach." Napansin din pala nya. "Ganoon ba? At doon sa beach, he just said hi lang naman. ‘Yon yung una ko siyang nakita." Sagot ko sa kanya. "Maybe that guy like you." May nahihimigan akong iba sa tono niya while saying those words. "I didn’t notice." "Yeah, right! Manhid ka nga pala." May kahulugan nyang sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD