MARAHAS na napakamot ng ulo si Cassy. Sa tantiya niya ay tatlong oras pa lamang siyang nakakatulog. Pagkatapos ay may istorbo nang walang tigil sa kakapindot ng doorbell sa gate ng bahay niya. Napilitan siyang bumangon. Magkasalubong ang mga kilay niya nang magtungo siya sa pinto. Nakahanda na siyang singhalan ang umistorbo sa kanya pero agad na hinipan ng hangin ang inis niya nang makitang si Leo ang nasa labas ng pinto. Maaliwalas ang mukha nito. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Noon niya na-realize na wala siyang suot na bra. Tinakpan niya ng mga braso ang kanyang dibdib. Naging ugali na kasi niyang magtanggal ng bra bago siya matulog. Dali-daling isinara uli niya ang pinto, saka kumaripas ng takbo pabalik sa kanyang silid. “Oh, my God! Ano’ng ginagawa ng la