PROLOGUE: The Mark
AUDREY FAITH'S P.O.V
"Uy Faith salamat nga pala ulit sa pag-imbita sa amin kahapon sa debut mo ah saka happy birthday pala ulit sa 'yo." nakangiting turan ni Sylvia sa akin kaya naman ngumiti ako sa sinabi niya.
"Salamat ulit," nakangiting turan ko sa kanya at nakita ko namang tumabi sa akin si Hailey na kakapasok lang din sa classroom.
"Uy Faith sarap ng food sa debut mo salamat sa pag-imbita sa 'min kahapon ah!" nakangising turan ni Hailey kaya naman napangisi ako.
"Sinabi na 'yan ni Sylvia sa 'kin kanina," sabi ko at nakita ko namang nagkatawanan sila at habang naghihintay kami sa loob ng room na dumating ang professor namin ay bigla ko na lang naramdaman na sumakit pulsuhan ko.
"Ahh!" daing ko at nakita ko namang napabaling ang dalawang kaibigan ko sa akin na nag-aalala.
"Hala dumudugo yung pulsuhan mo, pumunta ka sa clinic Faith!" sabi ni Hailey kaya naman nagsimula na akong mapaluha at saka nila ako sinamahan papuntang clinic.
At nang makarating kami doon ay agad akong inasikaso ng school nurse at saka tiningnan ang pulsuhan ko na dumugo at saka iyon ginamot at nang matapos niyang lagyan ng bandage ang pulsuhan ko ay agad na tumingin sa 'kin ang nurse.
"Miss kaya dumugo bigla ang pulsuhan mo ay dahil sa marka na nauukit sa balat mo at nangyayari iyon para malaman mo kung sino ang magiging soulmate mo pagtungtong mo sa wastong edad." sabi ng nurse kaya naman napakunot-noo ako at nakita ko namang pinakita sa akin ng nurse ang pulsuhan niya at may marka iyon na parang tattoo pero ang itsura nito ay parang peklat sa balat.
"Nakikita mo ba itong nasa pulsuhan ko? Ang pusong marka na may letra na iyan ang magiging final na mark sa pulsuhan mo kapag nahanap mo na nang tuluyan ang soulmate mo pero bago iyan maging pusong marka ay makikita mo bukas ang marka na padlock na may unang letra ng pangalan ng magiging soulmate mo." sabi nito sa akin at nakita ko naman sila Hailey at Sylvia na nagkatinginan at saka nila sabay na nilabas ang marka sa pulsuhan nila dahil mas naunang nagbirthday sa akin ang dalawa na kaedaran ko lang rin.
"So ibig mo bang sabihin nurse ang marka na ito ang tutulong sa 'min na mahanap ang soulmate namin?" sabi ni Sylvia at nakita ko naman ang pag ngiti ng nurse.
"Oo at dahil end of month na bukas, ang lahat ng mga may marka ng soulmate nila ay may pag-asang makontrol ang soulmate nila sa pamamagitan ng hologram na lalabas mula sa mga pulso niyo at may mga choices kayo na pagpipilian at sa mga susunod na araw ay ganun ang mangyayari sa inyo at sa mga soulmate niyo at bukod doon ay ang mga soulmate niyo na may susi na marka sa pulso nila ang magbibigay sa inyo ng pera para sa financial needs niyo kaya kailangan ng mga soulmate niyo na maging stable financially para masuportahan kayo lalo na kung lalaki sila," sabi naman ng nurse kaya naman pare-pareho kaming di makapaniwala.
Pareho kasi kami nang birth month nila Hailey at Sylvia pero magkakaiba lang kami ng birth date kaya wala pa ni-isa sa amin ang nakaranas nang sinasabi ng nurse.
Matapos nun ay binigyan niya ako ng gamot na iinumin ko para mawala ang kirot na nararamdaman ko sa pulsuhan ko at saka kami bumalik sa classroom at sakto naman na nandun na ang professor namin.
Ordinaryo lang naman ang mundong ginagalawan namin at ang akala ko na sinasabi ng ibang tao tungkol sa soulmate nila ay hindi totoo pero hindi pala dahil lahat ng mga naririnig ko sa ibang tao ay totoo.
Pero isa lang ang gusto ko sana ay maging soulmate ko si Dylan ang childhood bestfriend ko dahil bata pa lang kami ay gustong-gusto ko na siya at di ko siguro kakayanin kung iba ang magiging soulmate niya.
At alam kong malalaman ko rin bukas kung sino ang soulmate niya dahil 21 years old na rin siya ngayong buwan pero di na sila masiyadong nag-abala na icelebrate ang birthday niya dahil di naman ganun kayaman sila Dylan at bukod pa dun ay masinop siya sa pera kaya naman naintindihan ko din kung bakit ganun siya.
***
KINABUKASAN nang magising ako sa umaga ay nakita kong may peklat na sa pulsuhan ko at gaya ng sinabi sa amin ng school nurse ay may marka nga iyon na padlock at may nakasulat sa padlock na mark sa pulso ko na letter D kaya naman napangiti ako dahil nakita ko ang letra na nasulat doon at alam ko na may tiyansa na si Dylan ang soulmate ko!
Kaya naman masaya akong bumaba sa kusina namin para mag-almusal at nakita ko naman na nandun na ang nanay at tatay ko.
Hindi naman kami mayaman kaya naman maliit lang ang bahay namin at kahit na hindi kami mayaman ay ayos lang sa akin dahil mahal naman ng mga magulang ko ang isa't-isa at ayos na yun sa 'kin dahil buo kami.
"Faith anak lumabas na ba ang mark mo?" nakangiting tanong agad sa akin ni Nanay.
"Opo nay, nagulat nga po ako kahapon sa school kasi dumugo yung pulsuhan ko e," paliwanag ko at nakita ko namang nagkatinginan sila.
"Patingin nga anak," sabi naman ni tatay kaya naman agad kong pinakita sa kanila ang kanang pulso ko.
"Aba, oo nga, noh!" sabi naman ni tatay sa 'kin.
Nalaman ko rin na ang marka ng mga lalaki ay nasa kaliwang kamay naman nila habang sa mga babae naman ay sa may kanan.
Meron din daw na magsoulmate na same gender dahil sa mundo namin ang lahat ng mga tao ay pantay-pantay at mas mahigpit na pinagbabawal ang pagloloko lalo na ang panloloko sa soulmate mo dahil malaki ang magiging kapalit ng panloloko mo sa soulmate mo.
Nagsimula na kaming kumain ng almusal at nang matapos kami kumain ay agad naman akong umakyat ulit sa kwarto ko para maligo at magbihis dahil papasok na ulit ako sa school at bago pa ako makalabas ng kwarto ko at nakita kong may hologram na lumabas sa pulso ko at nakita kong may lumabas na word sa hologram.
MAKE A DECISION
What do you want your soulmate to do?
HANG OUT WITH FRIENDS OR STUDY LATE AT NIGHT?
Nang makita ko ang nakasulat sa hologram ay pinili ko ang hangout with friends kaya naman napangiti ako alam kong si Dylan ang soulmate ko kaya alam ko na baka mamaya ay mag-aya siya sa akin na gumala mamaya.
Nagulat naman ako ng may muling lumabas sa hologram mula sa pulso ko.
DECISION FROM YOUR SOULMATE
You will get 95 scores on your test later
Napangiti ako dahil magkaiba pala kami pipiliing desisyon kaya naman agad akong lumabas ng kwarto ko saka nagpaalam sa mga magulang ko na papasok na nang makita ko si Dylan.
"Dylan!" tawag ko sa kanya at nakita ko namang ngumiti siya sa akin.
"Uy Faith balita ko lumabas na daw yung soulmate mark mo?" sabi ni Dylan sa akin at nahihiyang tumango naman ako.
"Uy wag mo ko kakalimutang ayain mamaya ‘pag gumala ka kasama kaibigan mo ah?" nakangiting turan ko naman sa kanya at nakita ko namang kunot-noo siyang napatingin sa akin.
"Ha? Hindi pwede mag-aaral ako mamaya e." nakangiting turan naman ni Dylan sa akin saka kami nagsimulang maglakad kaya naman napakunot-noo ako.
Alam ko pinili ko na mag-hangout siya kasama ang mga kaibigan niya e.
Di na ako nakapagsalita pa saka sumakay sa sasakyan ni Dylan dahil sabay kami palaging pumapasok sa school.
Nang makarating kami sa loob ng ELK CREEK UNIVERSITY ay bumaba agad ako ng makapagpark siya saka kami nagsimulang maglakad at nang makarating na siya sa room nila ay niyakap ako ni Dylan.
"Good luck sa test niyo mamaya," nakangiting turan niya sa 'kin bago siya pumasok sa classroom nila ang lungkot na nararamdaman ko kanina ay nawala nang marinig ko ang sinabi ni Dylan!
Confirm na siya ang soulmate ko dahil pinili niya na maka 95 ako sa test namin mamaya.
"Omg punta tayo sa laro nila Drake mamaya!" kinikilig na turan ng mga babaeng studyante na dumadaan sa akin at bigla kong napatingin sa direksyon na pinupuntahan nila ng makita ko ang heart throb ng school namin na sila Drake Sean Davis, Maquis Cain Flores at si Clyde Zion Gonzales na pare-parehong basket ball player habang si Drake naman ang captain nila at bukod pa dun ay mga anak sila ng mayayaman dahil isa ang mga pamilya nila ang nagdodonate sa school namin taon-taon kaya napapaganda ang ECU nang mismong may-ari ng school na 'to dahil sa mga donasyon na natatanggap nila taon-taon.
Hindi na ako nakigulo pa sa kanila at saka ako pumasok sa classroom namin ng makarating ako dun ay nakita kong nandun na si Sylvia at Hailey at nakita ko rin na nag-uusap sila.
"Anong pinag-uusapan niyo?" sabi ko at nakita ko namang nagulat sila ng makita ako.
"Uy Faith kamusta? May lumabas na ba na hologram sa mark mo?" tanong ni Sylvia sa akin kaya naman tumango ako sa kanila.
"Anong pinili sa 'yo ng soulmate mo?" nakangiting turan ni Hailey kaya naman napangiti ulit ako ng maalala ko si Dylan.
"Makaka 95 ako sa test natin mamaya," nakangising turan ko at nakita ko namang napasimangot silang pareho.
"Edi ikaw na, by the way pinili naman ng soulmate ko na magwalwal ako mamaya sinong sasama sa inyo?" nakangiting turan ni Hailey sa amin kaya naman nagtaas ako ng kamay.
"Ako sama ako," sabi ko sa kanya at nakita ko naman si Sylvia na tumango din bilang tugon na sasama din siya mamaya sa 'min ni Hailey.
"Ikaw naman anong pinili ng soulmate mo para sayo Syl?" nakangising tanong ko naman kay Sylvia at nakita ko naman napairap siya.
"Diet!" inis na turan niya kaya naman natawa kami pareho ni Hailey at saka tumingin sa kanya.
"Tama lang pala pinili ng soulmate mo e nagkakabilbil ka na kakalamon mo e," natatawang turan ni Hailey sa kanya pero kahit na mahilig kumain si Sylvia ay di naman siya tumataba maliban na nga lang sa bilbil nitong maliit.
Natigil kami sa pag-uusap ng pumasok na ang professor namin kaya naman seryoso na akong nakinig sa prof namin at gaya ng inaasahan ay nagpatest nga ito.
Third-year college naman kami sa kursong BSBA nila Hailey at Sylvia kaya medyo nahihirapan din kami mag-aral pero tama lang para makapasa kami every semester.
---