TBW SERIES2: EIGHT

909 Words
Masayang sumalo sa pananghalian si Tyron sa pamilyang Santiago,ang pamilya ni Karen,bumuhos ang masasarap na pagkain na nakalatag sa dahon ng saging dahil na rin sa pinagdidiwang ni Mang Teban ang kaarawan nito sa edad ng singkuwenta-sais ng araw iyun. Iyun ang unang beses na naranasan niya kumain sa dahon ng saging at marami sila nagsasalo-salo roon habang nakakamay. "Ang saya talaga rito,Mang Teban! The best talaga!" bulalas niya habang nagsisimula ng papakin ang mga ulam na nasa gitna ng dahon. "Aba,Oo naman! Saka masaya talaga kung marami tayo nagsasalo,ito na ata ang pinakamasaya kong kaarawan dahil may Foreinjer kaming kasalo!" anang ni Mang Teban. "Tama si Itay..ngayon lang kasi yan nakakita ng foreigner.." anang ni Karen na nasa tabi lang niya at inaasikaso siya. Karen is pretty and very thoughtful.Lagi siya nito asikaso.Ang babae tulad nito ay ang pinapangarap ng mga lalaki na maging asawa. He smiled at her na ikinapula ng mga pisngi nito.Yeah,she's f*****g cute,too. Malayong-malayo sa ugali ng Antipatika at intimidating na si Debbie. Bigla siya natigilan,bakit bigla niya naikumpara ito sa babae iyun? Kahapon niya pa hindi nakikita ang babae. What the hell? Hindi niya na dapat hinahanap ito,ito lang ang babae na wala pakielam sa kanya..sa kaguwapuhan niya. "Kung gusto mo ligawan ang dalaga ko,aba'y botong-boto ako sayo,hijo!" anang ng matanda lalaki. "Itay! Wag nga kayo magsalita ng ganyan baka kung ano isipin niya sa inyo!" saway ng anak sa ama. "Hay Naku,anak...alam ko naman crush mo yang si Tyron," di nagpaawat ang ama marahil sa nakainom na rin ito kaya nagiging makulit na.Panay ang shot nito kanina pa sa kainuman nito sa iba pang trabahador ng Farm. "Itay.." pagsimangot ng dalaga. Natawa na lang si Tyron at hindi na pinatulan ang sinabi ng matandang lalaki. "Hay Naku,Teban...tigilan mo na nga yan panunukso mo sa anak mo,hayaan mo sila magkagustuhan,tanda-tanda mo na eh nangingielam ka pa," sabad ng asawa nito si Aling Aurora. "Pasensya na ha,nakainom na kasi si Itay.." napapahiyang baling sa kanya ni Karen. "Okay lang,nakakatuwa nga ang Itay mo," natatawa niya sagot rito. "Oh tingnan mo nga,kung mag-usap eh para lang sila ang tao rito!" muli panunukso ng matanda. Natatawa na napailing na lang si Tyron.Alam niya may namumuo pagtingin sa kanya si Karen pero ayaw niya mangyari iyun dahil hindi siya nababagay sa isang tulad nito na pilipinang-pilipina.Wala siya tiwala sa sarili niya lalo pa't maloko nga siya lalaki hindi nakukuntento sa isang babae. "Ayun oh! Sakto gutom na gutom na ko!" pagsulpot ni Caloy. Awtomatiko na hinanap ng mga mata ni Tyron ang amo nito.Nag-iisa ito at nalaman niya kababata ito ni Karen pero nawawala siya sa mood kapag nakikita niya ito kasama si Debbie. "Oh Caloy! Halika,dumulog ka na rito!" anyaya ni Aling Aurora. "Sige ho..Mang Teban ,maligayang kaarawan ho!" pagbati nito sa matanda. "Ito ho nga pala,pinaaabot po ni Ms.Debbie sa inyo,hindi ho siya makakadalo may sakit ho kasi.." anito sa dala nito kahon na nakabalot sa gift wrapper. "Naku,kamusta naman siya? Ano bang sakit ni Ms.Debbie?" may pag-aalala turan ng matanda lalaki. Iyun ang nagugustuhan niya sa mga tao rito.Malaki ang respeto ng mga ito sa dalaga kahit na may pagka-cold ito makitungo. "Uh,hindi niya sinabi eh,baka ho sa sobrang stress,alam niyo naman ho yun si Ms.Debbie,hands on sa lahat ng bagay.." may pag-aalala din saad ng binata. Bigla nawalan ng gana si Tyron.For real? Bakit siya naaapektuhan sa closeness ng dalawa. "Hi,Karen! Lalo ka ata gumaganda ah baka naman in love ka?" panunudyo nito sa kababata at nakangisi tumingin sa kanila ng dalaga. "Heh,isa ka pa!" angil ng dalaga rito na ikinatawa lang ng lalaki. "Uh,excuse lang muna..may tatawagan lang ako," aniya. Tinapik siya sa balikat ni Caloy ng dumaan siya sa gilid nito at tinanguan naman niya ito. Ilang hakbang ang layo niya sa mga ito ng dinukot niya telepono sa bulsa ng 3/4 shorts niya. "Oh dude?" sagot ni Dave sa tawag niya. "May kontak ka ba ni Debbie?" agad niya pagtatanong. Pwede naman niya iyun ipagtanong Kay Caloy pero hindi niya talaga feel ang lalaki iyun. "Wala..hindi naman gumagamit yun ng telepono," tugon nito. "Ha? For real?" dismayado niya turan. "Bakit? Hindi ba kayo nagkakausap?"usisa nito. " Kahapon lang .."aniya. Madalang sila magkausap at kapag magkausap naman sila lagi epic pa. "Talaga ? You mean,panay ba usap niyo at namimiss mo na siya dahiL kahapon lang kayo di nagkausap?" anang ng kaibigan na alam niya nakangisi ito. "Kian,is that you?" sarcastic niya sabi na ikinatawa ng kaibigan na dati tila bato ngayon malaki na ang pinagbago mula ng makilala nito ang maganda nitong asawa na si Amelia. "Seriously,dude..may sasabihin lang sana ako," pagdadahilan niya. "Wala taLaga at malamang nasa bahay siya ng mga magulang nila..iforward ko sayo ang kontak ng isa niya kapatid na si Veron.." saad nito. "Okay,Thanks,Dude.." aniya. "Yung totoo,may gusto ka na ba sa kanya?" Hindi siya kaagad nakaimik na ikinatawa ng kaibigan na tila nasukol siya nito.Bago pa man siya makareak nagsalita na uLit ito. "Mahirap ma-in love sa babae napakaintimidating pero kung hindi mo kontrolado ang puso mo,good luck" anito na binuntutan ng tawa. "Hindi ah,isa pa hindi ko tipo ang tulad niya ." labas sa ilong niya sagot. "Yeah,pigs can fly.." sarcastic nito saad. Marahas na napabuga ng hangin ang binata matapos ang pag-uusap nila at ng kaunti report rito tungkol sa pag-iimbestiga niya. Namalayan na lang niya kinakapa niya ang bulsa.His Baby..his ciggerate..pero natigilan siya ng maalala hindi na siya bumili ng bagong sigarilyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD