BHELLE: MARIIN akong napapikit habang nakakulong sa bisig nito. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Magsisi man ako ay tapos na. Naibigay ko na. Tumulo ang luha ko habang nakasiksik sa dibdib nito. Nakaunan ako sa kanyang braso habang hubo't-hubad kaming nakahiga sa ilalim ng puno. Mahigpit naman akong yakap-yakap nito na panay ang halik sa ulo ko habang hinahaplos ako sa likod. Sobrang kirot na naman ng kaselanan kong katatapos lang nitong wasakin. Hindi ko lubos akalaing ang simpleng halikan namin ay mauuwi sa pag-alay ko sa kanya sa virginity kong iniingat-ingatan ko sa loob ng dalawang dekada. Ngayon pa lang ay nagsisisi na ako. Nagsisising ang tanga-tanga kong bumigay kaagad sa kanya. Na isang halik, isang yakap, isang ngiti at pangako niya lang ay heto. . . naipagkaloob ko