Chapter 11

1690 Words
BHELLE: PAGDATING namin sa burol ay inalalayan pa ako nitong makababa sa kanyang bigbike. Namamangha itong iginala ang paningin sa kapaligiran. Tahimik kasi dito. May isang malaking puno ng mangga na nadidito sa taas ng burol. Tanaw mula dito ang malawak na bayan. At dahil gabi ngayon? Napakagandang pagmasdan ang mga kailawan sa ibaba namin. Na parang mga bituing nagkukumpulan. Malamig ang simoy ng hangin at walang kabahayan. Kaya tanging mga kulisap lang ang naririnig mong ingay sa paligid. Mabuti na lang at bilog ang buwan ngayon. Nakadagdag ito sa ganda ng lugar. Wala na kasing street light dito kaya madilim ang lugar. Nagpamulsa ito na nakatanaw sa ibaba. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na mapatitig dito. Sa tangkad niyang lalake ay hanggang kili-kili niya lang ako. Para tuloy akong nananaginip sa mga sandaling ito na may kasamang mala-Greek-God ang itsura. Naupo ako na nagtanggal ng sandal. Mataas kasi ang takong ng sandal ko kaya nangangawit na ang paa ko. Napaupo na rin naman ito sa tabi ko na napatitig sa akin. "Let me, sweetheart." Napalunok ako na kinuha nito ang paa ko at marahang pinipisil-pisil ang talampakan kong nagugustuhan ko. Nahihiya man ay hinayaan ko na lamang itong masahein 'yon. Total naman napakasarap niyang magmasahe. "Uhm, would you mind if I ask you something personal?" tanong nito. Napalunok akong tanging pagtango lang ang naisagot. Napangiti naman ito habang patuloy sa pagmasahe sa paa ko. Nakikiliti ako pero nilalabanan ko dahil ang sarap ng pagmasahe niya. "Are you taken now, sweetheart?" seryosong tanong nito. Natigilan ako na napatitig dito. Hindi ko kasi kaagad nakuha ang punto nito. "Taken?" balik tanong ko. Kimi itong ngumiti na napakindat pa. Para namang lumukso ang puso ko sa simpleng pakindat ng mokong na 'to. Kahit kastiguhan ko ang sarili ay hindi ko maitago ang kilig na nadarama. "Yeah. Taken. Mean. . . you already have a boyfriend, fiancee or husband," saad nito. "Ah. . . uhm, wala pa," mahinang sagot ko. Totoo namang wala pa. Hindi sa walang nagkakamaling manligaw. Pero sadyang pihikan lang ang puso ko. Wala kasi akong bilib sa ngalan ng pag-ibig na 'yan. Bakit? Dahil ang Nanay ko ay ilang beses ng niloko ng mga naging asawa nito. Oo. Mga. Kasi limang beses ng nag-asawa si Nanay. Una, ang Tatay ko na iniwan kami ng ina ko. Bata pa lang ako noon. Muling nag-asawa si Nanay at nagkaroon sila ng anak. Si Bea at Beth. Pero dahil lasinggero at laging sugal ang inaatupag ng pangalawang asawa nito? Sa hiwalayan din ang bagsak nila. Makalipas ang ilang taon ay muling nag-asawa si Nanay. Nagkaanak din sila. Si Benedict na siyang nag-iisang lalakeng kapatid ko. Pero pusong mamon ito na mas babae pa kung umasta sa amin. Nabalo si Nanay kaya kalauna'y muli itong sumubok. Apat kaming anak na binubuhay niyang mag-isa. Isabay pang nag-aaral kami noon kaya naiintindihan namin kung napapagod na siya at nangangailangan ng katuwang sa buhay. Pero 'di rin nagtagal ang masayang pagsasama nila at inanakan lang nito si Nanay bago iniwan. Si Bettina na dalagita na rin ngayon. Maswerte na lang na mabait ang huling napangasawa nito sa ikalimang pagkakataon. Pero hindi na sila nagkaanak. Mabuti na lang at hindi nagkaroon ng issue kay Tatay David na wala silang sariling anak ni Nanay Bella. Tinuring niya kaming lima bilang totoong anak niya at nagsumikap para makapagtapos kami sa pag-aaral. Sa aming lima ay ako pa lang ang nakakapagtapos sa kolehiyo. Ang apat kong kapatid ay nag-aaral pa. Natitigil ang mga ito dahil mahirap lang kami at hindi biro ang kinakailangan naming halaga dahil sabay na nasa kolehiyo sina Bea, Beth at Benedict. "Hey, are you okay?" Napabalik ang ulirat ko sa pagkalabit nito na ikinaiktad ko. Napakurap-kurap ako na mabungaran ang napakagwapong nilalang na nasa harapan ko at matamang na pala akong pinagmamasdan. "Huh?" Mahina itong natawa na napailing. Napabusangot ako para ikubli ang pag-iinit ng mukha ko. Kung bakit naman kasi nakakatulala ang kagwapuhang taglay ng nilalang na 'to eh! Nakakahiya. "I'm asking you, if you're okay?" anito na napaseryoso na. "A-ayos lang naman," mahinang sagot ko. "Hwag ka ngang tumitig," dugtong ko. "Why?" nangingiti namang tanong nito. Napakamot ako sa pisngi na hindi malaman ang isasagot at gagawin. "Nakakailang kasi," nahihiyang pag-amin ko. "You mean. . . you're not comfortable with me?" tanong nito na may halong pagtatampo ang tono. Kaagad akong umiling na pilit ngumiti. Sinalubong ang mga mata nitong mapupungay na matiim kung makatitig. "Hindi naman sa ganon. Uhm. . . hindi kasi ako sanay," pag-amin ko. Ngumiti itong umayos ng upo sa tabi ko at tumanaw sa napakagandang tanawin sa ibaba namin. Napasulyap ako dito na tila napakalayo ng tanaw. Kahit naka-side-view siya ay nakapagwapo niya pa rin. Kitang-kita kung gaano katangos ang ilong niya. Ang kinis at puti ng balat niya. Ngayong ilang hibla lang ang pagitan namin ay mas natititigan ko na ang mga mata niya. 'Di hamak na mas maganda ang pilitmata at kilay nito sa akin. Malago kasi ang mga iyon. Itim na itim at malalantik ang eyelashes nito. Ang mga katulad niya ay once in a blue moon mo lang makakasama. Pero kahit katabi mo na ay dama mo kung gaano kalayo ang gap niyong dalawa. Namilog ang mga mata ko nang dahan-dahan itong lumingon sa akin at huling-huli niya akong nakatitig sa kanya. Nag-init ang mukha ko na hindi na makabawi ng paningin dahil parang nangma-magnet ang mga mata nitong mapupungay. Humarap ito na may ngiti sa mga labi. Labas na labas tuloy ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin na halatang alaga sa dentista. Kahit ang magkabilaang biloy niya ay nakalitaw sa kanyang pisngi na lalo niyang ikinagwapo. Kahit saang anggulo ko siya tignan ay wala akong maipintas sa kanya. "Staring is rude. Pero kung ikaw din naman ang tititig sa akin? Handa akong matunaw matitigan mo lang," malambing saad nito. Napalapat ako ng labi na ikinalapad ng ngiti nito. Hindi ko tuloy mapigilang mag-init ng pisngi na nahihiya dito. "Um. . . bumalik na tayo? Inaantok na kasi ako eh," pag-iiba ko na ikinabusangot naman nito. "Ayoko. Gusto ko dito. Tahimik. . . maganda ang tanawin. At may napakagandang binibini akong kasama," anito. Nakagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pagsilay ng aking ngiti sa compliment nito. Pero hindi ko naman iyon maitago dahil nakatitig ito ng matiim habang may matamis na ngiting nakapaskil sa kanyang mga labi. Bumaba ang paningin niya doon na napalunok. Nanigas ako sa kinauupuan nang haplusin ako nito sa pisngi habang nasa aking mga labi pa rin ang paningin nito. "T-Tyrone. . . ." Napangiti ito na dahan-dahang inilapit ang mukha. Napakapit ako sa laylayan ng dress ko na halos hindi na humihinga! Para akong maiihi sa kilig na kaharap ko itong gahibla na lamang ang aming pagitan. Halos maduling na nga ako sa sobrang lapit nito. Tinatama na rin sa aking mukha ang mainit at mabango niyang hininga. Nahiya naman ako sa bango ng hininga niya na dinaig pa akong babae. Mariin kong naipikit ang mga mata habang nagpipigil huminga. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi na mapangalanan ang emosyong nadarama! "I want to kiss you. Can I?" anas nito. Dahan-dahan akong napadilat ng mga mata at nagtama ang aming paningin. Parang nanghihipnotismo ang mga mata nitong nangingislap at nangungusap ang itsura. Kusang umangat ang palad ko na napahaplos sa kanyang pisngi. Kasabay non ang pagbabago bigla ng bugso ng damdamin ko! Unti-unting namigat ang paghinga ko habang matiim kaming nagkakatitigan nito. Na parang lahat ng gugustuhin nitong gawin ay malugod kong ipagkakaloob! Napababa ako ng paningin sa kanyang mga labing nakaawang. Mapula-pula ang mga iyon na may kanipisan. Nangingintab na napaka-kissable ng itsura. Tila nagpapaanyaya ng isang masarap na halik kahit na wala pa naman akong karanasan! "T-Tyrone," anas ko na namimigat ang paghinga. Napalunok ito na marahang napapisil sa baba kong ikinasalubong ng aming mga mata. Maging ito ay malalalim na rin ang paghinga. Na tila nararamdaman din niya ang aking nadarama. Hindi ko matagalan ang mga mata nitong mapupungay at kusang napapikit na kumapit sa kanyang batok. Iglap lang ay naramdaman ko na ang mainit, malambot at mabangong labi nitong masuyong inaangkin ang aking mga labi! Hindi ako makakilos. Ni hindi ko alam kung paano tugunin ang kanyang halik. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko na dinaig ko pa ang pinatakbo ng milya-milya. He kissed me, torridly, passionately. Napakabanayad at lalim na parang ingat na ingat bawat hagod non. Para akong malulusaw na yelo sa mga sandaling ito. Ang tamis ng kanyang mga labi na ngayo'y salitang sinisipsip ang labi ko. Napapaungol pa ito at naglilikha ng tunog ang kanyang paghalik sa akin! He gave justice for my first kiss. Hindi niya ako binigo. Na tipong tatatak sa isipan ko ang mga sandaling ito habang inaangkin niya ang mga labi ko! "Uhm. . . T-Tyrone," naghahabol hiningang anas ko. Pinaglapat nito ang aming noo na katulad ko ay hinihingal na rin sa tagal at lalim ng ginawad niyang halik sa akin! Gumapang ang kakaibang init sa mukha ko. Ngayon ko lang na-realize kung ano ang ipinagkaloob ko sa kanya. Ang first kiss ko. Nakuha na niya. Pangarap ko pa naman na kung sino ang unang makakahalikan ko ay siya lang ang bukod tanging mamahalin at pag-aalayan ko ng puso, katawan at damdamin ko. Pero paano ko naman iyon gagawin? Kung sa isang Tyrone Montereal Del Mundo ang nakakuha ng first kiss ko. Napaka-imposible ng mga bagay-bagay sa amin. Sigurado naman kasi akong. . . siya 'yong tipo ng lalakeng laro lang sa kanya ang mga babae. "You don't know how to respond my kisses, sweetheart. Is this your first?" paanas nito. Nahihiyang tumango ako na ikinasilay ng matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Nangislap din ang mga mata nito na bakas ang tuwa na mapag-alamang siya ang una ko. "Really?" 'di makapaniwalang bulalas nito. "O-oo," mahinang sagot ko. "Fvck! Now I know why your lips tasted so sweet, sweetheart. Damn," bulalas nito na niyakap ako! Nanigas ako sa kinauupuan na hindi makakilos. Pero kakatuwang walang pagkailang o pagtutol akong nadarama habang yakap-yakap. . . na ako nito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD