BHELLE:
NAPASINGHAP ako na parang napapasong binawi ang kamay ko na maramdamang marahan niya iyong pinisil. Para akong nakuryente sa simpleng pagpisil niyang iyon lalo na't napakatiim niyang tumitig.
"B-Bhelle po," nauutal kong sagot.
Nag-iwas na ako ng tingin dito dahil para akong malulusaw. Hindi ko matagalang makipagtitigan sa kanya. Napakaganda ng kanyang mga mata na nanghihipnotismo. Na kahit sinong babae ay kusang mapapasunod sa mga iyon.
"Bhelle. Uhm. . . nice name," paanas nito na may ngiti sa mga labi.
Pilit akong nagbawi ng tingin dito na mahinang natawa. Ang sarap sa pandinig ng tawa nito na kahit may pagka-antipatiko siyang tignan.
"Hello, beautiful. I'm Typhus," ani ng isa pang baritonong boses.
Napalingon ako dito na napakurap-kurap dahil iisa lang ang mukha nila. . . nung nagngangalang Tyrone!
Nagkatawanan naman ang mga ito na makita ang reaction kong palipat-lipat ng tingin kay Tyrone at Typhus na ngayo'y hawak-hawak na ang kamay ko!
"We're identical twins, sweetheart." Kindat pa nito.
Napangiwi ako na hindi malaman ang sasabihin. Nahihiya akong makisalamuha sa kanila. Alam ko naman at halata sa kanila na mga bigtime silang tao. Samantalang ako ay isang simpleng probinsyana lang. Hindi ko maiwasang manliit sa sarili na maitabi sa kanila.
"Uhm. . . good evening po," nahihiyang bati ko.
"Hmm. . . why so polite, sweetheart. Baka mahulog ako," malambing saad nito na napakamot sa ulo dahil binatukan lang naman ni Tyrone.
"Back off, asshole.I was the first one," asik pa nito sa kamukha.
"It doesn't mean you own her, dude. What do you think of her? A worm? The first bird arrived? Will definitely owned the worm," palabang sagot ni Typhus na nginisian pa ang kapatid.
"Um. . . mauna na po kami. Excuse me po," singit ko na hinila na si Marlon.
"Hey, I thought you're going to join us, Bhelle?" pahabol nung. . . ?
Hindi ko na malaman kung sino ang nagsalita sa kambal. Sa itsura, tindig at boses kasi nila ay iisa. Mabuti nga at magkaiba sila ng kulay ng damit eh. Naka-black polo shirt 'yong Tyrone habang naka-red naman na polo si Typhus.
Hindi ko na lamang nilingon ang pagtawag ng mga ito. Nahihiya naman talaga ako. At pakiramdam ko ay hindi ako makakakain ng maayos na kaharap ko silang mga mas nakakatakam pa kaysa sa nagsasarapang pagkain!
Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko pagkapasok namin ni Marlon sa silid nito. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko na dinig na dinig ko. Napapikit akong humingang malalim.
"Naks. Ang haba ng hair natin ah, Ate Bhelle. Mukhang nahumaling kaagad sa ganda mo ang kambal na Del Mundo," natatawang tudyo ni Marlon.
Napairap naman ako na nagdadabog na sumunod dito at naupo sa gilid ng kama. Hindi ko mapigilang mamangha sa silid nito. Napakagara na kasi ng silid nito na dinaig pa ang mga silid sa mga ordinary hotel. Nagsusumigaw sa karangyaan lahat ng kagamitan nito na nakakatakot hawakan dahil baka masira pa.
"Uy! Kain na," untag nito na napitik ako sa noo.
Napakurap-kurap naman ako na ikinatawa nito. Kasalukuyan na pala siyang kumakain. Habang ako ay heto. . . nakatulala na napapagala ng paningin sa kabuoan ng kanyang silid na mas malaki pa sa buong bahay namin.
Napangiti akong inabot ang plato ko. Nangingiti naman itong pasulyap-sulyap na maganang kumakain.
"Ate?"
"Hmm?"
Napalingon ako dito na nagtatanong ang mga mata. Punong-puno kasi ang bibig ko sa sarap ba naman ng mga ulam na kinuha nito.
Napainom ito sa dalang pineapple juice bago nagsalita. Naningkit pa ang mga mata nitong tila binabasa ang tumatakbo sa isipan ko.
"Ang gugwapo ng angkan nila Kuya Akhiro, noh?" anito.
"Ano ngayon?" sagot ko na napainom din ng juice ko.
Napanguso naman itong pilit ngumiti. Nangunotnoo akong matamang nakatitig dito. Hinihintay ang sasabihin.
"Ang gaganda rin ng mga pinsan niya. Lalo na 'yong kakambal niya. Si Danica," muling saad nito.
Natigilan akong napatitig dito. Sa tono kasi ng pananalita nito ay may halong pait at panliliit sa sarili. Idagdag pang nalungkot bigla ang kanyang mukha. Napahinga ako ng malalim na ibinaba muna sa bedside table ang plato ko.
"Bakit, may napupusuan ka ba sa kamag-anak ng bayaw mo?" tanong ko.
Mapait itong napangiti na dumaan ang kakaibang lungkot at kawalan ng pag-asa sa kanyang mga mata.
"Wala. Kahit naman may matipuhan ako sa kanila ay napaka-imposible na mapasaakin eh."
"Bakit naman? Eh kung ang Ate Moi mo nga nagka-ibigan sila ng Kuya Akhiro mo eh," sagot ko para palakasin ang loob nito.
"Iba naman kasi ang kwento nila, Ate. Kasi sila. . . dati ng nagkatagpo. Gumawa ang tadhana ng paraan para magkaroon sila ng koneksyon. At sa tamang panahon? Pinagtagpo ulit ang landas nila."
Napangiti ako na matamang nakikinig lang dito. Napatikhim itong napangiti. Unti-unting nagliwanag muli ang kanyang mukha.
"Kumain na nga tayo. Dito mabubusog pa tayo," natatawang saad nito.
ILANG minuto din kaming nagkulong ni Marlon sa silid nito. Inubos talaga namin ang dala naming pagkain kahit punong-puno ang plato namin ng iba't-ibang putahe.
Nang makapagpahinga na kami ay sabay na kaming lumabas ng silid. Mabuti na lang at wala na sa gawi ng kusina ang grupo nila Tyrone. Nakahinga ako ng maluwag na hindi na sila nakita sa paligid.
"Magandang gabi sa ating lahat. Maari ba naming paanyayahan dito sa harapan ang mga nagkikisigang pinsan ng ating naoakagwapong nobyo. Request kasi ng groom natin na paanyayahan ang mga pinsan nito dyan sa tabi-tabi para makisalo sa ating kasiyahan ngayong gabi."
Dinig naming saad ng kapitan dito sa barangay na siyang MC namin. Naghiyawan at palakpakan ang mga tao sa labas kaya nagkatinginan kami ni Marlon.
"Tara sa labas, Ate. Manood muna tayo," anito.
Hindi pa man ako nakakasagot ay hila-hila na nito ang kamay ko.
Natuod ako sa pinuwestuhan namin ni Marlon na mabungarang nakapila na ang mga pinsan ni Akhiro na papunta sa bulwagan. Hindi tuloy magkandamayaw na napapairit ang mga dalagang nakaupo sa gilid ng bulwagan na nakikisayaw.
Kaugalian sa probinsya namin ang gantong uri ng kasalan. Na may pasayaw sa gabi kung saan malaya mong isayaw sa gitna ang napupusuan mo. Syempre. . . bawat request na music ay may bayad. Tulong iyon sa ikakasal. Pero sa sitwasyon nila Moi at Akhiro? Barya na lang sa kanila ang kikitain nila sa kasal nilang ito.
Napangiti akong matamang nakamata sa loob ng bulwagan. Nagtitilian naman ang mga tao nang isa-isa ng naglapitan ang mga pinsan ni Akhiro sa mga dalagang nakaupo sa gilid na pwedeng isayaw. Kahit 'yong nagngangalang Dos at Typhus ay sila pa nga ang nanguna na pumili ng makakasayaw nila.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Pilit hinahanap ng mga mata ko sa mga lalakeng nasa bulwagan ang isang mukha na nakasuot ng itim na polo. May mga naka-itim naman sa loob. Pero hindi sila ang hinahanap ko. Napanguso akong humalukipkip. Bakit ko ba siya hinahanap?
Ilang minuto din ang itinagal ng malamyos na musika bago natapos at inihatid ng mga binata ang mga dalagang kanilang nakasayaw. Halatang kilig na kilig ang mga itong nakasayaw ang mga pinsan ni Akhiro.
Maya pa'y may nagtungo si Dos sa kinaroroonan nila Moi na may ibinulong kay Akhiro. Hindi ko alam pero tumayo ang mga balahibo ko sa katawan at biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko!
Napapalunok ako na tumayo si Akhiro at napagala pa ng paningin sa paligid. Para akong maiihi sa kinatatayuan. Tumayo na rin kasi si Moi na nagkakabulungan na silang dalawa habang iginagala ang paningin sa mga tao.
Maya pa'y nagsalita muli si kapitan matapos may ibinulong si Akhiro dito. Napakalapad pa ng ngiti nito na napagala din ng paningin sa paligid.
"Mukha yatang masusundan ang kasalang ito dito sa atin, mga kabarangay ko. Dahil may nakahuli kaagad sa puso ng isang bisita natin mula sa ating mga naggagandahang binibini."
Napalunok ako sa sinaad nito habang ang lahat at naghihiyawan at tilian na.
"Maaari ba naming tawagin dito sa harapan ang binatang nag-request ng solo dance para maisayaw ang napupusuan nito," saad pa nito na kinikilig ang tono.
Pigil ang hininga ko na napakapit sa laylayan ng dress ko. Saka ko lang nabigyang pansin na nangangatal at nanlalamig na pala ang kamay ko dala ng kaba. Kung bakit ba naman kasi ako kinakabahan? Samantalang ang mga kadalagahan dito ay impit na kinikilig at sobrang saya nilang nagagawang magpa-cute sa mga bisita!
"Nasaan na si Mr Tyrone Montereal Del Mundo? Maari ka bang magtungo dito sa harapan, Sir?"
Nanigas ako na halos lumuwa ang mga mata ko na marinig ang pangalan na binanggit nito! Paulit-ulit iyon na nagri-replay sa utak ko dahil baka namali lang ako ng dinig! Pero hindi pa man ako nakakabawi ay nagtititili na ang mga tao kasabay ng pagpasok sa bulwagan ng isang binatang tuwid na tuwid ang pagkakatayo!
Para siyang hari na naglakad sa harapan na ikinaiirit ng mga dalaga sa loob ng bulwagan at walang kakurap-kurap na nakamata sa kanya.
Matamis itong ngumiti na nagawa pang kumaway sa lahat! Mas lalo tuloy nagtilian ang mga kababaihan na sa kanya nakatutok ang attention! Mas lalong naghiyawan ang mga tao nang may iabot sa kanyang acoustic guitar na iginiya sa mini stage kung saan nagpi-perform ang mga sikat na banda na kanilang kinuha para tumugtog sa buong magdamag!
Nakipag-apiran pa ito sa kasalukuyang sikat na banda dito sa bansa. Ang boyband PH na sina, Niel, Joao, Tristan, Russell at Ford. Na pawang naggugwapuhan. Panay ang tili namg mga tao nang si Tyrone ang nag-lead ng grupo at mukhang kakanta pa ito!
Unti-unting napalagay ang loob ko na napangiti na rin habang nakamata ditong nagsimulang mag-stramp sa guitara.
"Good evening everyone. There is a girl. Who catch my attention tonight," paninimula nito na napakalambing ng boses!
Hindi tuloy magkandamayaw ang mga kababaihan na nagpapapadyak pa ng kanilang mga paa na nakamata sa kanya. Ngumiti ito na lalo niyang ikinagwapo lalo na't lumitaw ang magkabilaang biloy nitong kay lalim! Halos magsara na rin ang mga mata nitong chinito na kay ganda!
"And I want to sing this song. . . only for her."
Nagpalakpakan ang lahat na ikinasunod ko. Parang may sariling isip ang mga kamay kong napapalakpak na rin na nakangiting nakamata dito.
Itanong mo sa akin.
Kung sinong aking mahal?
Itanong mo sa akin.
Sagot ko'y 'di magtatagal.
Unang istansa pa lang ng kanta ay umani na ng hiyawan at tilian ang paligid sa lamig at lambing ng boses nitong parang si Alden Richards lang ang boses! Nakadagdag pa sa lakas ng datingan niya ang paggu-guitara na parang myembro ng grupo!
Napangiti ako na matamang nakikinig dito at parang hinahaplos ang puso sa kanyang pagkanta. Kinikilig kahit hindi ko naman alam kung sino ang babaeng tinutukoy nito.
Ikaw lang ang aking mahal.
Ang pag-ibig mo'y aking kailangan.
Pag-ibig na walang hangganan.
Ang aking tunay na nararamdaman. . .
Isa lang ang damdamin.
Ikaw ang aking mahal.
Maniwala ka sana.
Sa akin ay walang iba.
Ikaw lang ang aking mahal.
Ang pag-ibig mo'y aking kailangan.
Pag-ibig na walang hangganan.
Ang aking tunay na nararamdaman.
Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang nakamata sa kanya at nakikisabay sa lyrics ng kinakanta nitong love song.
"Ang swerte naman ng girlfriend niya," wala sa sariling bulong ko.
Ang nais ko sana'y inyong malaman.
Sa hilaga o sa timog o kanluran.
At kahit saan pa man.
Ang aking isisigaw. . .
Ikaw ang aking mahal. . .
NAGPALAKPAKAN ang mga tao pagkatapos nitong kumanta. Napakaway pa ito sa lahat na may matamis na ngiti sa mga labi habang iginagala ang paningin sa paligid.
Napangiti akong tumalikod na. Hindi ko din alam pero parang may sariling isip ang mga paa ko na humakbang palabas ng bakuran nila Moi. Mabuti na lang at napakaraming tao kaya hindi ako nakakaagaw ng attention.
Palabas na ako ng gate nang may humahangos na pumigil sa braso kong ikinanigas ko. Namilog ang mga mata ko na magtungo ito sa harapan ko at ganun na lamang ang pagkalaglag ng panga ko na mabungaran kung sino ito!
"Damn, sweetheart. Where are you going? Ang hirap mong hagilapin," hinihingal nitong anas.
"A-ako?" utal kong tanong na naituro ang sarili.
Napangiti ito na kitang pinagpawisan pa. Mabuti na lang at malayo-layo na kami sa kumpulan ng nga tao. Medyo madilim din dito kaya hindi kami nakakaagaw ng attention sa lahat.
"Who else?" anito na napapangiti.
Binawi ko ang braso ko na napaatras. Dama ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko na nasa harapan ko ito ngayon. Nakakatitig sa akin na may matamis na ngiti sa mga labi.
"Um. . . excuse me po, Sir. Uuwi na kasi ako," pamamaalam ko na ikinapalis ng ngiti nito at nagsalubong ang mga kilay.
"What? Bakit? Masyado pang maaga, sweetheart. C'mon. . . ni hindi pa nga kita naisasayaw eh," may halong pagtatampong saad nito na nalukot ang gwapong mukha.
"Um. . . inaantok na po kasi ako, Sir. Saka. . . marami naman po kayong pwedeng makasayaw doon eh. Sige po," sagot ko na napayuko at nilagpasan na ito.
"Hey, wait. I'm still talking to you," paghabol nito na muling hinawakan ako sa braso.
Nanigas ako sa kinatatayuan na napalunok. Para kasi akong nakakadama mg kuryente sa tuwing naglalapat ang aming balat. Napangiti ito na napasulyap pa sa kamay nitong nakahawak sa braso ko. Nagniningning ang mga mata na bumaling sa akin.
"You feel it too, right?"
"Huh? Ang alin po, Sir?"
Natawa naman ito na napakamot pa sa kilay.
"The sparks. Between us. Hindi ako naniniwala sa kasabihang ito. Sabi kasi ng Papa Cedric ko? Mararamdaman mo daw na para sa'yo ang isang tao kapag. . . dama niyo ang kakaibang sparks sa tuwing nagkakadikit kayo. Pero ngayon. . . tingin ko maniniwala na ako sa kasabihang iyon," nakangiting saad nitong ikinatameme ko.
Nahihiya akong binawi ang braso dito na napatikhim.
"Sige po, mauna na ako."
"Hey, aalis ka na? Magkwentuhan muna tayo. Maaga pa naman eh. C'mon. Let's go somewhere else," anito na iglap lang ay magkahawak-kamay na kami!
Para akong de battery na sa mga sandaling ito na napasunod sa kanya. Inakay ako nito sa isang napakagarang bigbike ducati monster nito! Naninigas ang katawan ko na hindi makaangal. Ilang sandali lang ay heto at nakayakap ako sa kanyang baywang habang nagmamaneho ito palayo kina Moi!
Hindi ko maipaliwanag ang emosyong nadarama sa mga sandaling ito! Ni hindi ko pa nga siya gaanong kakilala pero heto at napasunod niya ako!
Oo nga't taga probinsya ako pero hindi naman ako ipinanganak kahapon para hindi mahimigan ang maaaring maganap sa pagitan namin ng Tyrone na 'to! Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at kinakabahan habang papalayo kami sa mga kabahayan.
"May maganda bang lugar dito? Pwede nating tambayan, sweetheart?" tanong nito na medyo binagalan ang patakbo ng motor.
Napalunok ako na inilayo bahagya ang katawan ko dito.
"Um. . . m-meron. Sa burol," alanganing sagot ko.
"Good. Where is it?" muling tanong nito.
Napapikit ako na napahinga ng malalim. Namalayan ko na lang ang sarili na itinuturo dito ang daan paakyat sa burol kung saan napakaganda ng tanawin doon na kita ang buong bayan ng San Isidro.
"Bahala na. Hindi naman niya siguro ako. . . gagahasahin, noh? Imposible namang. . . rapists ang isang ito," piping usal ko na napayakap sa baywang nito.