Chapter 9

1904 Words
BHELLE: MAPAIT akong napangiti na nakatanaw sa malayo. Nasa apartment na ako at naipadala na ang perang kakailanganin nila Nanay sa hospital. Nasa 100 thousand din ang inilabas ko para hindi na sila mamroblema sa mga gastusin nila. 'Di bale ng ako lang ang mahirapan sa aming pamilya. Hwag na sila. Pasado hating gabi na rin. Malamig ang simoy ng hangin at tahimik na ang paligid. Pero kahit anong gawin ko ay hindi naman ako makatulog. Hinihintay ko kasing tumawag sa akin si Tyrone. Pero maski text message ay wala naman itong pinadala. Nappabuga ako ng hangin na napahingang malalim. Kinakabahan din ako sa hihingin niyang kapalit para makabayad ako sa kanya. Pero ang gumugulo sa isipan ko? Ang perang tinutukoy nito na nakuha ko daw sa Tita Cathleen nito. Paano naman kaya nangyari iyon? Na humingi ako ng pera sa Tita niya? Ni hindi ko pa nga nakakaharap ang kahit sino sa angkan niya. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung gumagawa lang ba siya ng kwento para may rason siyang pahirapan, saktan at kamuhian ako. Pero bakit? Anong nagawa kong mali? TUMULO ang butil-butil kong luha na maalala ang nakalipas sa amin ni Tyrone. Kung saan nagsimula. . . ang lahat sa amin. ******* KALAT dito sa barangay namin ang nalalapit na pagpapakasal ng kababata kong si Moira De Guzman. Ang swerte niya dahil isang napakagwapong bilyonaryo lang naman ang napangasawa. Si Akhiro Montereal. Hindi ko na alam ang naging takbo ng kwentong pag-ibig nila. Basta ang alam ko lang ay si Akhiro ang ama ng anak nitong naglalakad na. Mabuti na lang at muling nag-krus ang landas nila kaya heto. . . sa kasalan din ang bagsak nila. Bali-balita din na nagdagsaan ang angkan ni Akhiro na pawang kay gugwapo at kisig katulad nito. Mga mayayaman at laking syudad. Kung ang lahat ng kadalagahan dito sa amin ay excited at kinikilig? Iba ako. Wala naman kasi akong hilig sa mga gwapo lalo na kung mayaman. "Bhelle!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Moira. Matamis itong ngumiti na lumapit sa gawi ko. Kasalukuyan kasi akong nagwawalis ng mga natuyong dahon dito sa bakuran ng aming tahanan. Nagsidagsaan na rin kasi ang bisita nila dahil ngayong gabi ang pasayaw sa kasal nito bukas. Isa ako sa mga abay niya. Kaya naman kahit wala akong planong makihalubilo sa mga tao doon? Wala akong pamimilian. "Bakit hindi ka pa nakakaligo?" nakangiting tanong nito. Pilit akong ngumiti na napahinga ng malalim. Napanguso naman ito na bakas sa magandang mukha na nagtatampo. "Okay lang bang bukas na lang ako pupunta doon? Nahihiya kasi talaga ako, Moi." "Ayoko," kaagad nitong sagot na may kasamang pag-iling pa. Matamis itong ngumiti na may iniabot sa aking paper bag. Kunot ang noo na inabot ko iyon. "Ano 'to?" takang tanong ko. "Damit?" patanong nitong sagot. Natawa naman akong mahinang naihampas iyon sa braso nitong natatawang napakamot sa ulo. "Sira. Alam kong damit ito. Ang tinatanong ko, bakit? Para saan ito? Hindi ba't gown naman ang isusuot ko bukas?" tanong ko. "Oo. Pero 'yan. Isuot mo mamaya. Sasayaw ka doon eh," kindat nitong ikinamilog ng mga mata ko! "Ano!? Ayoko! Moi, naman. Nahihiya nga ako eh!" agarang sagot ko na pilit binabalik sa kanya ang paper bag. Humalukipkip naman ito na napanguso. Napalunok akong nakadama ng guilt dahil minsan nga lang naman ito maikasal. "Sige na. Hindi ka naman nila babastusin doon. Tulong mo na ito sa akin, Bhelle. Ayaw mo bang makakilala ng mga gwapong bilyonaryo?" kindat nito na kinikilig pa. Napailing lang naman akong nagkamot sa ulo. Matamis itong napangiti na nangingislap ang kanyang mga mata. Kitang-kita doon kung gaano siya kasaya at ka-in-love sa mapapangasawa. Sana balang araw ay maranasan ko rin ang ganung feelings. Na mahalin ako ng taong mamahalin ko. "Alam mo? Ang gugwapo ng mga pinsan ni Akhiro. Tiyak akong may mapupusuan ka sa kanila. Sige na, hmm?" pangungulit pa nito na napakapit sa braso ko. Napakurap-kurap itong may matamis na ngiti sa mga labi. Natatawa na lang akong napakamot sa pisngi ko. "Sige na nga," sumusukong pagsang-ayon ko. "Yes! Salamat, Bhelle!" tili nitong mahigpit akong niyakap at nagpapapadyak pa ng mga paa. "Ligo ka na doon. Ang asim mo na eh!" humahagikhik nitong tudyo. "Oo na! Kung 'di lang kita kaibigan eh!" pagdadabog ko na ikinahalakhak nito. "Magpaganda ka, ha?" pahabol pa nitong ikinailing ko na lamang. PANAY ang buga ko ng hangin habang inaayusan ako ng dalawang make-up artist na pinadala ni Moi para ayusan ako. Alam kasi niyang hindi ako mag-aayos o kahit isuot ang binigay nitong strapless dress. Napaka-reaveling naman kasi ng binigay nito. Skin tone ang kulay na naka-expose ang balikat, cleavage at mga braso ko. Malambot ang tela na halatang mamahalin ito. Hapit siya sa kurba ng pangangatawan ko at hanggang gitnang hita ko lang ang haba. Pakiramdam ko ay nagsisilipan ako sa suot ko. Hindi naman kasi ako sanay na magsususuot ng ganito. Pajama at lose t-shirt ang nakasanayan ko dahil dito lang naman ako sa probinsya namin namamalagi. Graduate ako sa kolehiyo. Pero dahil wala naman akong kakilala sa syudad ay nagkasya na lamang ako sa pagiging secretary ng Mayor dito sa amin. "Okay na, Ma'am. Ang ganda niyo po," manghang bulalas ng nag-ayos sa akin. Dahan-dahan akong nagdilat ng mga mata at napaawang ang bibig ko na makita ang naging transformation ko. Hindi ako makapaniwalang napapakurap-kurap pa sa salamin pero hindi naman ako namamalikmata! Halos hindi ko na nga makilala ang sarili! "A-ako pa ba ito?" manghang bulalas ko na napatapik-tapik sa pisngi. Nakangiti namang tumango-tango ang dalawang babae na nag-ayos sa akin. Mas lalong tumingkad ang ganda ko sa light make-up ko. Konting blush on, extension sa pilikmata at pink na lipstick na kapares ng blush on ko. Para akong buhay na manika sa liit ng mukha kong naayusan. Bumagay din ang mahabang buhok ko na kinulot nila kaya nagmukhang alon-alon ang itsura. "Tara na po, Ma'am?" ani ng isa na naglahad ng kamay. Nahihiya naman akong tinanggap iyon at dama kung gaano kalambot ang kamay niya. May kataasan din kasi ang sandal kong kapares ng dress ko. Kahit paano ay nagkaroon ako ng self confidence na makihalubilo sa mga sosyal na bisita nila Moira. NAPANGIWI ako na pagdating namin sa bahay nila Moi ay marami na ngang tao. Halos buong bayan yata ay nandidito na. Nagkalat din ang mga sundalo at kapulisan sa paligid na binabantayan ang seguridad ng mga kilalang tao na bisita nila Moi. Napangiti ako sa isip-isip ko. Maswerte si Moi dahil napakagwapo at bait ng napangasawa. Bata at bilyonaryo pa. Bilang kaibigan niya ay masaya ako sa narating niya. "Ate Bhelle? Ikaw ba iyan?" manghang bulalas ni Marlon. Ang nakababatang kapatid ni Moira. Bakas ang kabiglaan sa mga mata nito na humagod ng tingin sa kabuoan ko. "P-pangit ba?" nag-aalangan kong tanong. "Hindi! Ang ganda mo nga eh!" bulalas nitong natutulala. Napalapat ako ng labi na hindi mapigilang mapangiti sa compliment nito. Kita ko nga na maging ang mga taong malapit sa amin ay napapaawang ang bibig na mapatingin sa akin. "Um, samahan mo naman ako. Naiilang ako eh. Saka mataas ang takong ng sandal ko," aniko na kumapit sa braso nito. "Sure, Bhelle!" "Hoy, Ate mo ako," kastigo ko na binatukan itong malutong na napahalakhak. Napapatingin tuloy sa amin ang mga tao. Mabuti na lang at nagsimula na ang sayawan. Kasalukuyang nasa gitna nitong napakagarang bulwagan sina Moi at Akhiro na marahang sumasayaw ng sweet dance. "Biro lang. Tara muna sa loob, Ate. Kumain na muna tayo doon," anito. Napagala ako ng paningin nang mapadaan kami sa likuran ng bahay nila Marlon. Nandidito kasi ang mga kalalahihan na nagluluto. Ang iba ay nangangatay pa ng mga iluluto. Halos hindi ko na nga makilala ang mga tao dito sa dami. Parang fiesta tuloy ang kasalan nila. "Nakita mo ba sila Tatay?" tanong ko habang nakikisiksik kami para makapasok sa loob ng bahay nilang napakagara at laki na ngayon. "Oo. Nasa likod sila. Nagkakatay. Si Tita Bella naman ay nasa kusina sila. Kasama ang ibang kababaihan. Nagbabalat sa mga gulay na pansahog," sagot nito. Mahigpit akong nakakapit sa kanyang braso. Bukod kasi sa siksikan ay mataas ang sandal ko. Mahirap ng matapilok ako dito. Sayang naman ang ayos ko. NAKAHINGA ako ng maluwag na nakapasok din kami ng kusina. Marami pa ring tao pero hindi na siksikan. Nahihiya akong napagala ng paningin dahil may grupo ng mga kalalakihan ditong kay kikisig at sobrang gwapo nila na sabay-sabay pang napalingon sa amin! "Marlon, lumabas na lang tayo. Nakakahiyang kumain dito," bulong ko dito. "Ba't ka naman mahihiya? Hayaan mo sila. Para ka namang iba. Halika na," anito na inakbayan ako. Dinig kong napasinghap pa ang mga kalalakihan na nadaanan namin ni Marlon. Hindi ako makatingin sa kanila sa tiim nilang makatitig. Naaaasiwa ako at hindi kumportable. "Alin dito ang gusto mo, Bhelle?" anito na ikinasiko ko sa tagiliran nito. Natawa naman itong dumampot ng paper plate at naglagay ng pagkain ko. "Bilisan mo na lang. Sa kwarto na lang tayo kumain," bulong ko. Ramdam ko kasi ang pares ng mga matang nakatutok sa akin at hindi ako kumportable. Tumatagos sa buto ko at tumatayo ang mga balahibo ko sa katawan. Kumuha naman ito ng sapat na makakain naming dalawa. Nakakapit ako sa laylayan ng damit nito na nakasunod sa kanyang likuran. Napabuga ako ng hangin na madadaanan na naman namin ang mga kalalahihan na kumakain. Napapayuko ako na hindi makatingin sa kanila. Mahirap ng matulala ako lalo na't para silang mga Greek God sa mga fantaseries. Matatangkad, matipuno, mapuputi, makinis, at napaka-perpekto ng hulma ng kanilang maaamong mukha. Napasipol pa ang ilan sa mga ito nang makatapat kami sa kanila. Natigilan ako nang huminto si Marlon na dahan-dahan kong ikinaangat ng mukha. "Dito na kayo kumain, Marlon." Napalunok ako sa sinaad ng isang lalake. "Um, okay lang ba, Kuya? Nahihiya kasi ang kasama ko," ani Marlon na hindi na alintana ang mga pagkurot ko sa baywang nito. "Okay lang. Ano ka ba. Sige na. Samahan niyo kami dito. Para naman makilala namin ang napakagandang binibini na kasama mo," sagot ng kausap nito. Napapalunok akong napasunod ng tingin sa kinakausap nitong nakamata na pala sa akin. Hindi jo mapigilang mag-init ng pisngi na lahat pala sila ay natigil sa pagkain at nakamata na sa akin. Dama kong sobrang bilis ng t***k ng puso ko na nahihiyang makipagtitigan sa kanila. Napakindat pa ang kausap nito na unang naglahad ng kamay sa akin. "Hi, binibini. Dos nga pala. Pinsan ako ng groom," kindat nito na may matamis na ngiti. Namumukhaan ko nga siya. Nakita ko na siya noong nakaraan. Kasama siya ni Akhiro na nagpunta dito. "Hi," kiming balik bati ko na tinanggap ang kamay nito. Pero hindi pa man dumadapo ang palad namin ay may ibang kamay ang umabot sa kamay kong ikinasinghap nilang lahat. Sunod-sunod akong napalunok na nakadama ng tila kuryente na maglapat ang aming balat! Naiilang ako dahil sobrang lambot at ganda ng kamay niya kumpara sa akin. "Hi, young lady. I'm Tyrone Del Mundo. You are?" ani ng baritonong boses na puno ng lambing. Napakamot na lamang sa ulo si Dos na naiiling. Doon pa lang ako napalingon sa binatang nakahawak sa kamay ko at laking gulat ko na mapasadaan ang mukha nito! Para akong maiihi sa kilig na nakadaupang palad ang katulad niyang mapagkakamalhan mong si Dylan Wang ang wangis! Mukha siyang aroganteng badboy pero nakakalaglag panty ang kagwapuhang taglay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD