BHELLE:
KUYOM ang kamao na nagtungo ako sa TDM's Corporation. Kung magpapatuloy na haharangin ako ng tukmol na Tyrone? Mamumulubi ako. Hindi ako pwedeng maubusan ng pera dahil may pamilya akong umaasa sa padala ko.
"Good morning, Ma'am Bhelle."
Pilit akong ngumiti na tinanguhan si Manong guard na pinagbuksan ako ng pinto. Tumuloy ako sa front desk kung saan naroon si Audrey. Namilog ang mga mata nito na kaagad lumabas ng pwesto na makita ako.
"Belle!"
"Hi," kiming bati ko.
Natatawa akong sinalubong ang yakap nito na napahikbi pa sa balikat ko. Hinagod-hagod ko ito sa likuran para aluhin dahil para na itong batang umatungal sa balikat ko.
"Bagbabalik ka na ba? Mas nakakatakot pa si boss magmula noong umalis ka. Kahit kami ay pinag-iinitan niya," humihikbing saad nito.
Pilit akong ngumiti na pinahid ang luha nitong napapalabi sa harapan ko.
"Speaking of the tukmol. Nandidito ba ang Del Mundo na 'yon, bes?" tanong ko na nanggigigil ang tono.
"Oo. Halos dito naman na iyon nakatira sa kumpanya. Kaya bantay sarado lahat ng employee niya. Nakakainis. Pinag-iinitan niya kami kahit konting mali mo lang? Sandamakmak na sermon at pamamahiya ang aabutin mo sa kanya," pabulong saad nito.
Napahinga ako ng malalim na naigala ang paningin. Kapansin-pansin nga na abala ang lahat sa kani-kanilang trabaho.
"Um, sige na. Ako ng bahala sa sarili ko, bes. Bumalik ka na sa desk niyo. Baka mamaya, mapagalitan ka pa," aniko na pilit ngumiti.
"Okay ka lang ba? Kayo mo?" paninigurong tanong nito na ikinatango ko.
"Oo. Sige na, kita tayo mamaya."
"Okay. Ingat, bes."
MATAPOS naming magpaalaman ni Audrey ay bumalik na rin ito sa kanyang pwesto. Tumuloy ako ng elevator na kinakalma ang puso kong nagwawala. Hindi ako pwedeng magpadaig sa kaba ko. Kailangan ko ng makahanap ng trabaho. At kung ito ang dahilan kaya hindi ako matanggap-tanggap sa trabaho? Kailangan ko na siyang kaharapin.
Napahinga ako ng malalim na kinakalma ang sarili. Habang palapit ako nang palapit sa opisina nito ay palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko. Maging ang mga tuhod ko ay dama kong nangangatog at kay hirap ihakbang!
Ilang beses akong napabuga ng hangin para ibsan ang kana ko. Nang mas nakalma ko na ang panginginig ng katawan ko ay tumikhim akong kumatok ng tatlong beses sa saradong pinto.
"Come in," ani ng baritonong boses mula sa loob.
Napahinga ako ng malalim na inayos ang nakapusod kong buhok bago pinihit ang seradula ng pinto. Ang malamig na buga ng aircon ang kaagad nanuot sa buto ko. Nakadagdag tuloy ang kalamigan ng opisina nito sa kabang nadarama ko.
Napalunok ako na makita siya sa kanyang mesa. Nakayuko na kasalukuyang pumipirma ng mga papeles. Nakasuot pa siya ng round reading glasses na ikinagwapo niya lalo. Kahit nakabusangot ito at bahagyang salubong ang mga kilay.
"Um, excuse me. Can we talk?" pormal kong saad.
Doon pa lang nag-angat ito ng mukha na napangising mabungaran ako. Pasimple pa nitong hinagod ng mapang-uyam na tingin ang kabuoan ko.
Naka-black sneaker kasi ako. Black jeans at white blouse. Wala din akong make-up dahil hindi naman ako komportableng naglalagay ng kolorete sa mukha.
"We're already talking. Didn't we?" sarkastikong tanong nito.
Nanatili akong nakatayo sa harapan nito habang ito ay prenteng nakaupo sa kanyang swivel chair. Iniikot-ikot sa daliri ang hawak na ballpen. May ngisi sa mga labi na nakataas ang isang kilay. Nakakabanas ang itsura nito. Paano ba ako umibig sa katulad niya?
Kung sabagay. . . ibang-iba ang Tyrone na minahal ko sa probinsya. Sa Tyrone na kaharap ko ngayon. Kung dati ay para siyang anghel sa amo? Ngayon ay para siyang si Hudas na alagad ng diablo.
"Are you done, checking on me?" taaskilay nitong tanong.
Napatikhim akong napaismid sa hangin na ikinangisi at iling nito.
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Mr Del Mundo. Hinaharangan mo ba ang mga application ko sa ibang kumpanya kaya hindi ako matanggap-tanggap?" diretsong tanong ko.
Napakuyom ako ng kamao na wala manlang bakas na nagulat ito sa sinaad ko. Kahit hindi ito sumagot ay nababasa ko na sa kanyang mga matang. . . tama ang hinala ko!
"Hindi ba pwedeng. . . hindi ka lang qualified sa posisyon na ina-apply-an mo?" sarkastikong tanong nito.
Naningkit ang mga mata ko na nakatitig ditong ngumisi lang na mabasang nanggigigil na akong dakmain siya at kalmutin ang gwapo niyang mukha. Teka. . . ? Bakit ko ba siya pinupuri sa isipin ko?
"At lahat ng kumpanya, tinatanggihan ang application ko? Hwag mo akong gawing tanga! Alam kong ginagawan mo ng paraan para hindi ako matanggap!" bulyaw ko na naiduro ito.
"Lower your voice, Mis Alonte. Baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo," madiing saad nito na nanatiling nakaupo sa kanyang pwesto.
Naikuyom ko ang kamao na tumulo ang luha kong matalim na nakatitig dito. Pero wala manlang pagbabago sa reaction nito kahit nakikita na niyang naiiyak na ako dala ng labis-labis na galit na hindi ko mailabas.
"Ang sama mo. Napakasama mo. Kinasusuklaman kita. Pinagsisisihan kong. . . nakilala pa kita."
Mga katagang lumabas ng kusa sa bibig ko. Napakibit-balikat naman ito na nagtaas lang ng kilay.
"Nagsisimula pa lang ako, Bhelle. Kulang pa 'yan. Sa atraso mo sa akin," anas nito.
"A-ano? Ang kapal naman ng pagmumukha mo! Ako pa ngayon ang may atraso sa'yo!?" bulyaw ko na naiduro ito.
Inabot nito ang isang bote ng whiskey at nagsalin sa kanyang baso. Awang ang labing nakamata lang ako dito. Inaalala kung saan nanggagaling ang galit niya para pahirapan ako ng ganito. Pero kahit anong isip ang gawin ko ay wala akong matandaan. Siya nga itong malaki ang atraso sa akin. Siya itong nanloko at nang-iwan sa ere. Siya pa ba itong may karapatang magalit sa aming dalawa?
Inisang lagok nito ang nasa kalahating baso ng alak na mapait na napangiti at iling. Nang-uuyam na naman ang mga mata nitong napalingon sa akin.
"Bakit, hindi ba? Kung sabagay. . . magtataka pa ba ako kung pera lang ang habol mo sa isang katulad ko? Wala kang pinagkaiba sa mga babaeng bayaran na nagkakandarapa sa akin, Bhelle. Lahat kayo. Pera lang ang habol niyo sa mga katulad naming heredero."
Tumayo ito na dala ang kanyang basong may laman muling alak. Nagpalakad-lakad ito sa harapan ko na malayo ang tanaw. Tila malalim ang iniisip na napapailing pa.
"Alam mong minahal kita sa kung sino ka, Tyrone. At wala akong pakialam kung mayaman o mahirap ka! Pero sa ginagawa mong ito ngayon sa akin? Pinatunayan mo lang. . . na tama lang na naghiwalay tayo. Siguro nga. . . siguro nga hindi talaga tayo para sa isa't-isa. Alam mo kung bakit? Dahil kailanman. . . hindi bababa ang langit sa lupa," mapait kong turan na nagpahid ng luha.
Akmang tatalikod na ako nang hiklatin ako nito sa braso. Hindi ko tuloy maitago ang pagragasa ng luha ko at ang sakit na nakalarawan sa mga mata ko.
Natigilan ito na lumuwag ang pagkakahawak sa braso ko. Napalunok itong nag-iwas ng tingin sa mga mata kong luhaan na puno ng hinagpis.
"Five million."
Naguguluhan akong napatingala dito. Nag-igting ang panga niya na inisang lagok muli ang hawak na alak.
"A-ano?" halos pabulong kong tanong.
Tumalim ang mga mata nito na bumaling sa akin. Napalunok akong kumabog ang dibdib ko sa nakikitang galit mula sa mga mata nito.
"Hindi ba't limang milyon lang naman ang katapat ko sa'yo?" madiin at makahulugang asik nito.
"Ano bang pinagsasabi mo!?" naguguluhang sikmat ko at binawi ang braso dito.
Umigting ang panga nito na nagngitngit ang mga ngipin. Mas lalo namang lumakas ang kabog ng dibdib ko na makita ang galit sa kanyang mga mata.
"Ang galing mong umarte, Bhelle. Pero hindi mo na ako. . . madadala sa pagpapa-inosente mo. Kilalang-kilala na kita," makahulugang saad nito.
Tumalikod na ito na bumalik ng kanyang upuan. Akmang lalabas na ako nang mag-ring ang cellphone ko sa bulsa na ikinatigil ko. Nagpahid ako ng luha na mabasang si Bea ang called. Ang nakababatang kapatid ko.
"Bea?"
"Ate Bhelle! Ate si Nanay! Kailangan naming dalhin sa hospital!" umiiyak na sambit nito.
Nanigas ako sa kinatatayuan na tumulo ang butil-butil kong luha.
"A-ano? Bakit, ano bang nangyari?" bulalas kong napasapo sa ulo.
"Inatake sa puso, Ate. May dumating kasing attorney dito sa bahay at kinukuha na ang titolo ng sakahan natin." humihikbing saad nitong ikinalaglag ng balikat ko.
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa na hindi makapag-isip ng maayos sa mga sandaling ito. Ang laki na nga ng problema ko dito sa syudad dahil sa Del Mundo na 'to. Dumagdag pa ang pamilya ko sa probinsya.
"Sige. . . gagawan ko ng paraan. Dalhin niyo na si Nanay sa hospital. Ako ng bahala sa gastos," saad ko na nagpahid ng luha.
"Sige po, Ate. Magpadala ka agad, huh?? Alam mo namang walang-wala kami dito. Paniguradong magpapa-down-p*****t sila sa hospital bago tanggapin si Nanay," saad pa nito bago ibinaba ang linya.
MARIIN akong napapikit. Desperada na ako. Hindi ko na alam kung kanino lalapit sa mga sandaling ito. Walang ibang mahalaga sa akin ngayon kundi ang kaligtasan ng Nanay ko. Napahinga ako ng malalim bago pumihit paharap dito na nasa laptop na niya ang attention.
Nangangatog ang mga tuhod kong lumapit dito. Kahit labag sa loob kong magkaroon ng utang na loob sa kanya ay mas kakayanin kong lunukin ang pride ko kaysa mawala sa amin ang ina namin.
"T-Tyrone," halos pabulong kong sambit.
Natigilan itong dahan-dahang nag-angat ng mukha na salubong ang mga kilay. Parang may sariling isip ang mga paa ko ma humakbang palapit dito.
Napalunok ito na nakamata sa aking dahan-dahang lumuhod sa kanyang harapan. Tumulo ang luha ko na nagsusumamong napatingala dito na napaawang ng labi.
Nangangatal ang mga kamay kong humawak sa kanyang kamay at dama ang libo-libong boltahe ng kuryente na gumapang sa aking katawan.
"T-tulungan mo ako, please? Kahit ano gagawin ko. Tulungan mo lang ako," nagsusumamong saad ko.
Napalunok itong binawi ang kamay na nag-iwas ng tingin. Napayuko ako na hindi na mapigilang mapahagulhol dala ng frustrated na nadarama.
"Bakit, naubos mo na ba ang limang milyon na nakuha mo sa Tita Cathleen ko, huh?" sarkastikong tanong nito.
Nagpahid ako ng luha na napatingala dito.
"Ano bang limang milyon ang pinagsasabi mo? Wala akong alam sa sinasabi mong milyon na 'yan."
Napangisi at iling naman itong napahilot sa sentido. Nangangatog ang mga tuhod kong pilit tumayo.
"Tyrone, please? Kakapalan ko na ang mukha ko. Tulungan mo lang ako. Nagmamakaawa na ako, please? Hindi ko na alam kung sino ang lalapitan ko," humihikbing pakiusap ko.
Pero nanatiling sa ibang direksiyon ang paningin nito na tila walang naririnig. Ilang minuto kaming walang imikan. Mukhang wala naman itong planong tulungan ako. Nagpahid ako ng luha na mapait ngumiti.
"Sige. Pasensiya na sa abala, Sir. Pwede bang makisuyo? Hwag mo ng harangin ang mga application ko."
"Come back to me."
Natigilan akong napalingon dito. Naguguluhan ang mga matang napatitig dito.
"Ano?"
"Are you deaf? Do I have to repeat myself?" sarkastikong tanong nito.
Napalunok akong naipilig ang ulo. Hindi ko naman kasi nakuha ang punto nito.
"How much?"
"Huh?"
Naglabas ito ng cheque na kaagad pinirmahan. Napapalunok akong nakamata dito. Hindi siya naglagay ng halaga doon na iniabot sa akin matapos pirmahan.
"Take it. I'll call you later," walang emosyong saad nito na inilagay sa palad ko ang cheque.
Mapait akong napangiti na kahit paano ay naibsan ang bigat ng dibdib at frustrated na nadarama.
"Thank you, Ty. Salamat."
"Tsk. Don't thank me. May kapalit ang mga 'yan. Unlike before."
Napangiti akong bahagyang yumuko dito kahit hindi siya nakatingin sa akin.
"Salamat pa rin. Utang ko sa'yo. Ang pangalawang buhay ng ina ko. Pagsisikapan kong mabayaran ito sa'yo."
Hindi na ito nagkomento pa hanggang sa makalabas ako ng opisina nito. Hindi ko pa alam kung anong kapalit ng tulong na ibinigay nito pero. . . ang mahalaga sa akin ngayon ay ang mailigtas ang aking ina sa tiyak na kamatayan. 'Di na baleng ako ang mahirapan. Ang mahalaga? Madudugtungan pa ang buhay ni Nanay. Kaya kong tiisin ano man ang maging kapalit ng halagang bigay ni Tyrone.
Kahit buhay ko pa. . . ang kukunin niyang kapalit.