KABANATA 1

426 Words
PROLOGUE Isang mahinang babae na binago ng masalimuot na nakaraan. Naging malakas at matapang, lahat ay sinusuong at walang inaatrasang laban. Handang pumatay at mamatay alang-alang sa prinsipyong sinumpaan. Ngunit ang pagbabagong iyon ay muli ring sinubok dahil sa isang pangyayari mula na nakaraan. Ang pagpatay sa kanyang ina na nagtulak sa kanya upang maghiganti. Ang isang malakas at matapang na babae na handang pumatay at mamatay ay naging isang mahina at nawalan ng kumpiyansa at tiwala sa sarili. Isang paghihiganti sa mga taong nagkasala sa kaniya at sa kaniyang pamilya ang siya rin naglagay sa isang masalimuot na sitwasyon ng kanyang buhay at pamilya. Ang tiwala at pagmamahal na muling ibinigay sa kanyang asawang si Clinton ay muling nadungisan dahil sa mga tao na ang hangad ay tuluyan nang mapabagsak ang isang Sophia Sahara Ibañez Ocampo-Oxford bilang si Agent Sky. Ano nga ba ang gagawin nang dalawang tao na muling sinubok ng tadhana. Ang pagmamahalang nasira at muling nabuo, subalit nang dahil sa naging hakbang ni Sophia ay muling nasira ang kanilang pagsasama. Ang pagmamahal at tiwala ay muling nasira at nawalan ng kakayahan upang muling ipaglaban ang mga sinumpaan pangako sa isa't-isa. Si Clinton na ang tanging hangad ay suportahan at samahan ang asawa sa labang kinakaharap, subalit ang paghahangad na iyon ay ang muling sisira sa tiwalang pinilit niyang muling makuha noon mula kay Sophia nang maging siya'y mahulog sa patibong ng kalaban at ginamit sa pagbagsak ni Sophia. Sakit at muling pagkapuot ang tanging nararamdaman ni Sophia para kay Clinton. At ang galit at puot na 'yon din ang nagtulak kay Sophia upang naising maging ang asawang si Clinton ay burahin din sa mundo tulad ng mga kalaban niya. Ngunit magagawa pa ba ni Sophia ang nais niya laban kay Clinton, kung sa huli ay malaman niya ang katotohanan at mismong sa harapan niya ay handang patayin ni Clinton ang sarili maibigay lang ng asawa ang kagustuhan ni Sophia. "Hindi ko hahayaang madungisan ang mga kamay mo, Sophia! Handa akong mamatay maibigay ko lang sa 'yo ang katuparan ng gusto mo! Pero ito lang ang tatandaan mo, mahal na mahal kita at kailanman ay hindi kita niloko!" –CLINTON "N-No! N-No, Clinton! Put that gun down, please! N-No! D-Don't do that! Please! Clinton!" – SOPHIA Tunghayan natin ang huling yugto ng pagmamahalan nina Clinton at Sarah. Hanggang saan nga ba sila muling kakapit at lalaban alang-alang sa pagmamahal sa isa't-isa. Magkasamang sinuong ang laban ngunit sa huli'y ang laban ding iyon ang susukat sa hangganan ng kanilang pagmamahalan at tiwala sa isa't-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD