“Maglilinis ng garden.” nakayukong sagot ni Lea. Hindi na niya hinintay ang sagot ng lalaki at humakbang na siya ngunit nagkamali siya ng apak sa hagdan at napatili siya. “Lea!” sigaw naman ni Conrad at agad na lumapit sa kanya upang saklolohan. Mabuti na lamang at hindi gumulong pababa ng hagdan si Lea. Napaupo lamang siya sa baitang ngunit kumirot ang kanyang paa. Napangiwi sa sakit si Lea at halos maluha sa sakit. “Na-sprain ka?” nag-alalang tanong ni Conrad. Hindi pa man nakakasagot si Lea ay binuhat na siya ni Conrad at dinala sa sariling kwarto. Nilapat sa higaan ang katawan ng dalaga. Napalilis ang laylayan ng palda ni Lea hanggang hita. Agad na inayos ni Conrad ang damit ng dalaga at umupo siya sa gilid ng kama sakanipinatong ang binti ng dalaga sa kanyang kandungan. Pinin