“Daddy, guess what,” excited na sabi ni Aliah sa ama na busy pa rin sa pagtitipa sa laptop.
Bahagya lamang itong sumilip sa anak ngunit ang atensyon ay nasa trabaho pa rin. Kapag nakikita niya ang mukha ng anak, hindi niya maiwasang makaramdam ng kirot. Isang taon na ngunit parang kahapon lang pumanaw ang kanyang asawa.
Matagal niyang naging kasintahan si Eloisa na kanyang sekretarya sa komapanya. Dalawang taon pa lamang silang kasal ni Eloisa noon nang biyayaan sila ng isang anak. Ngunit sa araw ng birthday ng kanilang anak ay biglang nahimatay si Eloisa. Nalaman nilang ito ay may Stage 4 Breast Cancer. Wala pang isang linggo ay binawian na ito ng buhay.
“Daddy, are you listening? I said, I saw a lady and she looks like Mom.”
“I'm sorry baby, Daddy is tired,” mahinahong sagod ni Conrad sa anak at kinalong ito. Dinampian ng halik sa pisngi at ibinabang muli.
“Daddy, I want to see her, please?”
“Aliah, not today. Go to Neri. I am busy.”
Mahinahon siya ngunit nakita niya ang pagka-disappoint ng kanyang anak.
Napabuntunghininga si Conrad at minasahe ang sentido. Matamang tumitig sa screen ng laptop. Ilang segundo lamang ay tinawagan niya ang kanyang butler na magpdala ng secret investigator upang alamin ang background ng babaeng tinutukoy ng kanyang anak.
____
“Pwede ba, nasasaktan ako.”
“Miss, wag ka ng magmaang-maangan pa. Alam mong may ginawa kang mali at kaylangan mong magpaliwanag. Walang masamang mangyayari sa'yo kung sasama ka ng maayos at hindi gagawa ng iskandalo.” Sabi ng agent na pinakita pa ang warrant of arrest nito at ID bilang patunay.
Natahimik si Lea. Guilty siya at alam niyang may kinalaman ito sa sa mga falsificated invoice na ginawa niya at higit sa lahat, ang paggamit ng card sa ospital na pinambayad niya sa bill ng kanyang ina.
“Miss, kayo na bahala sa operasyon ng Mama ko. If ever na hindi ako makabisita, sabihin mo wag siyang mag-alala. Bayad na rin ang stay of recovery niya.”
Alam ni Lea na posibleng mangyari ito. Ang importante, hindi na niya aalalahanin ang kondisyon ng ina at wala na ring problema sa hospital bill.
Tahimik at maayos na sumama si Lea sa mga grupo ng kalalakihan. Ngunit nang makasakay na sila sa isang van ay unti-unti na siyang nahilo hanggang sa magdilim ang kanyang paningin.
__________
“Neri, bring Aliah to Eloisa's grave and buy her new costume.”
“Yes sir.”
Pagkaalis ng yaya ay kinausap nito ang butler upang alamin ang status ng babaeng kahawig ng kanyang yumaong asawa.
“How is she?”
“She's awake and ready, sir.”
Ayon lamang at iniwan ni Conrad ang butler, sumenyas na maaari na itong umalis habang siya naman ay papasok sa guest room kung saan naroon ang babaeng nagnakaw ng kanyang pera.
Kung hindi nabanggit sa kanya ni Aliah ang tungkol sa babae ay baka nasa kulungan na ito. Nakatanggap siya ng mensahe na nagkaroon ng multiple p*****t transaction ang account na ginagamit ni Aliah. Alam niyang sa Stationery Shop lamang nagtungo ang kanyang anak.
Kumabog ang dibdib ni Conrad nang pagpasok niya ay namataan agad ang pigura ng babae, ang hugis ng likod at buhok nito ay halos walang pinagkaiba kay Eloisa. Halos kinilabutan siya dahil kahit sa paraan ng pag-upo kahit nakatalikod ito ay kuhang-kuha ang gesture ng kanyang asawa.
Nang maramdaman ni Lea na may pumasok ay agad siyang tumayo at hinarap ito.
“Sir. M-Magpapaliwanag ako. Please, h'wag mo akong ipakukulong. Maawa ka. Gagawin ko ang lahat, mabayaran ko lang pera.” humahagulhol na sambit ni Lea at halos mapalihod siya sa carpeted na sahig.
Walang emosyon o expression man lang na nakuha si Lea sa lalaki kung kaya naman nagtangka siyang lapitan ito at halos gumapang na siya.
“At sa anong paraan mo ako mababayaran?” nakakunot ang noo na tanong ni Conrad.
“Kahit anong klaseng trabaho, katulong o kahit anong iutos mo gagawin ko.” desperadang sagot ni Lea.
“Stand up there,” utos ni Conrad at umupo ito sa wooden chair samantalang si Lea ay inayos ang sarili habang nakatayo sa paanan ng kama.
Hindi inalis ni Conrand ang kanyang mga mata sa dalaga, mula ulo hanggang paa, pinagmasdan niya ang maamong mukha nito. Ang rosy cheek at curly hair na dumadampi sa pisngi nito.
Hindi maiwasan ni Conrad na hindi maalala ang yumaong asawa. Hindi kaya kambal ito ni Eloisa? Tanong niya sa sarili. Sa pagkakaalam niya ay ulilang lubos si Eloisa bago pa niya naging secretary ang asawa.
“Anong pangalan mo and how old are you?”
“Lea...Lea Quincina. Twenty 29 years old.”
“Do you have any siblings or family?”
“N-Nasa ospital ang Mama ko at–” hindi na naituloy ni Lea ang sasabihin dahil itinaas ni Conrad ang kanyang palad.
“Enough, I know what happened that's why we are here now.”
“Sir, kahit anong trabaho,” giit muli ni Lea.
“Pay me with your body."
Halos magimbal si Lea sa narinig. Wala sa hinagap niya ang bagay na iyon. Kahit anong trabaho hanggat kaya niya, pero ang ibigay ang katawan sa taong hindi niya mahal ay talagang ikinagulat niya.
“That fund you spent is important. I know you can't pay back even you work here for years. So I am giving you the best way to pay me full in no time.” Nakangising sagot ni Conrad na biglang nagbago ang mood.
Nasalikop naman ni Lea ang kamay sa dibdib at napayuko habang nakatitig ng blangko sa sahig. Namalayan na lamang niya ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata at dahan-dahang tumango ng paulit-ulit.
Ayaw niyang makulong, mas lalong hindi niya makikita ang ina. Labag man sa loob ay kailangan niyang pagbayaran ang nagawang krimen. Malaking halaga iyon at swerte na rin niya na hindi siya sa kulungan bumagsak.
Kaninang umaga, nung magising siya akala niya ay nasa kulungan na siya ngunit sa isang komportable at malambot na kama siya nagising.
Ipinagpapasalamat niya iyon ng lihim at kailangan niyang ihanda ang sarili. Wala siyang idea kung anong klaseng tao ang kaharap. Ang tanging naaalala lamang niya ay ang batang bumili sa kanya ng mga kailangan nito.
Hindi kaya ito ang ama ng bata? Tanong niya sa sarili at biglang naalala si Aliah nung hiniling nito na maging ina ng bata.
Biglang naguluhan si Lea. Napatitig siya sa mukha ni Conrad na matamng nakatitig sa kanya. Biglang kumabog ang dibdib niya at yumukong muli at nagsalita.
“Magkano ang katumbas na kabayaran bawat–”mahinahong sabi niya ngunit hindi masamabit ang tamang salita.
“Ten thousand each session until I get satisfied.”
Napaawang ang bibig ni Lea. Ganun lang ba talaga ang halaga niya, ng pagkatao niya? Gusto niyang magreklamo, gusto niyang taasan ang presyo ng bawat session ngunit sa isang banda, kabayaran iyon ng nagawang krimen at upang maabswelto siya sa kaso, upang maiwasan ang pagkakakulong.
Tanging tango lamang ang naisagot ni Lea.
“This will be your room, you are free to roam the house but you are not allowed to leave or go somewhere without my permission if you don't want to be in jail. You owe me millions, remember that. I am not forcing you to work, just be my s*x partner. That would be all.” paliwanag ni Conrad at nagsindi ito ng sigarilyo.
“Speak your thoughts, I don't want to force you. If you agree, then we are good. If not, walk to jail now.” dagdag nito saka lamang pinakawalan ang usok na hinithit.
“P-Pumapayag ako..” nahihiyang sagod ni Lea.
“Then we're good."
“K-Kailan magsisimula?” wala sa sariling tanong niya sa lalaki na tinupok ang baga ng sigarilyo sa ashtray at tumayo ito.
Napurong ng konti si Lea at halos hindi siya huminga nang lumapit sa kanya si Conrad at bumulong ng “ You're done breakfast and took shower, right?”
Parang robot na tumango si Lea, nakatayong parang tuod at ipinikit ang mata nang maramdaman ang mainit na hininga ng lalaki sa kanyang tenga.
“How about now?”