Sa airport, sunud-sunod ang tanong ni Leandro sa ina. “Why are we flying to the Philippines, Mommy?” malikot ito ngunit nakapirmi lang sa upuan. Panay haplos sa mukha ng ina. Nakatitig si Lea sa anak. Hindi niya maitatanggi, kamukha ng ama nito ang anak. Umiling siya na parang natatawa. Gusto niyang makaramdam ng pagkamuhi ngunit sa isang banda, mas nanaig ang pagmamahal sa anak. “Doon na tayo, titira okay?” maikling sagot niya. “Tita Ley, why my mommy is so masungit?" binaling ng bata ang attention sa sekretarya ng ina. Nagtatawanan sina Ley at Lea. Natatawa sila sa tuwingnagsasalita ng halong Tagalog at English ang bata. “Eh kasi, loveless si Mommy." seryoso ngunit nagbibiro lang naman na sagot ni Ley. Pinandilatan ni Lea si Ley. Kahit na may edad ito sa kanya, magaling makisabay