(Third Person's POV)
"ILANG babae na ang inangkas mo dito sa motor mo?"
Suminghap si Daks sa tanong na iyon kaya hindi napigilan ni Vasselisa ang hindi matawa. Na-a-amuse sya sa bawat reaksyon na ginagawa ni Daks dahil hindi umaakma sa itsura nito.
Kasalukuyan kasi nilang binabaybay ang malawak na highway gamit ang motor ni Daks. Medyo malapit ang mukha nya kay Daks dahil hindi sila masyadong magkarinigan.
"Hindi ako nag-a-angkas basta-basta 'no!"
"Hey, you don't need to hide it from me." Vassy giggled then placed her chin on Daks' right shoulder. "Marami na sigurong umangkas sayo 'no?"
"Sa akin, oo, pero sa motor ko? Ikaw pa lang." Walang halong birong pagmamalaki ni Daks na mas ikinatawa ni Vassy.
"You're really a funny guy."
"Hindi ako nagbibiro uy." Inabot nya ang kamay ng babae mula sa likuran nya at inilagay sa bewang nya. "Kapit ka, miss Vasselisa. Baka mahulog ka."
She chuckled. "Really? Baka tayuan ka na naman dyan, nasa kalsada pa man din tayo." Sabay yakap sa bewang ni Daks at mas idinikit pa ang katawan.
"Huy, grabe ba. Kahit naman pagpup*ta ang trabaho ko eh hindi naman ako manyak 'no."
"Then how do you explain the boner that you had earlier before we leave? Ang seryoso 'kong humihingi ng tawad tapos bigla kang tinigasan."
Nag-init at namula ang buong mukha ni Daks. Wala rin naman talaga syang ideya kung bakit tinayuan sya kanina kay Vaselissa eh samantalang wala naman dapat katayo-tayo doon lalo na't nag-uusap lang naman sila ng seryoso.
Isa pa ay hindi naman lantad ang balat at katawan ng babae para tayuan sya. Kung tutuusin ay balot na balot pa nga si Vasselisa sa suot nitong palda na lagpas sa tuhod ang haba at oversized long sleeve. Nagma-malfunction lang talaga siguro yung junjun nya.
Huminga ng malalim si Daks matapos mag-isip tsaka patagong ngumuso. "Hindi ko rin talaga alam kung bakit. Manyak nga siguro ako for today."
"For today lang?"
"Oo, for today lang kasi ngayon lang naman kita nakita ulit."
"So what if I don't come back at all? Edi hindi na tatayo yan." Pabirong anya ni Vassy sabay dumausdos ang isangnlqwÉE kamay nya sa hita ni Daks. "What will you do then? Hahanapin mo ba ako?"
"Siguro-"
"Anong siguro? Why are you not sure?"
"Huy! Sabi ko kapit lang, ba't nana-nantsing ka naman?" Sagot nya para maka-iwas sa tanong nito sabay namumula ang mukha na ibinalik ang mga kamay ni Vassy sa bewang nya. "Ikaw yata 'tong manyak sa'ting dalawa eh."
Malakas na tawa lang ang naging sagot ni Vasselisa sa kanya. Nawawala sa focus si Daks dahil sa mala-anghel na tawa ng babaeng nakayakap sa bewang nya ngayon. Namamangha sya sa galing ni Vasselisa magtago ng tunay na katauhan, sino bang mag-aakala na ang babaeng sobrang balot kung manamit at may suot na makapal na salamin ay may itinatago palang kakaibang alindog at ganda?
Dagdag pa doon na kung anong ikina-anghel ng itsura, ikina-demonyo naman nito sa kama. Umiling-iling sya tsaka napapalunok na nag-focus sa pagda-drive.
Pumarada si Daks sa isang gilid ng makarating sila sa isang bus terminal. Kitang-kita nya sa mukha ni Vasselisa ang pagtataka habang inaalalayan nya itong bumaba sa motor.
"Where are we?"
"Sa Pasay, Buendia." Dahan-dahan nyang tinanggal ang suot nitong helmet tsaka marahang inayos ang nagulong buhok ni Vassy. "Ililibre kita ng mainit at masarap na pares."
Itinuro nya ang cart na nasa gilid lang kung saan may mga iilang tao na kumakain.
"I see." Nakangiting kumapit sa braso nya ang babae habang nag-umpisa silang maglakad palapit sa nagtitinda ng pares. "I thought you're taking me in some restaurant."
"Alas onse na ng gabi, sarado na ang MOA ng ganitong oras eh." Napakamot sya sa ulo. "Hindi ka ba kumakain ng pares?"
"I don't pero excited naman akong mag-try since sabi mo eh masarap naman yan."
"Aba talagang masarap yan!" Nagmamalaking ngumisi sya. "I-r****d ko yung binayad mo kay mimi Harp kapag hindi ka nasarapan dyan."
Vasselisa chuckled. "Harper will be furious if she hears you."
"Hindi yan, ako yata best seller sa branch nya." Dagdag pa nito. "Nga pala, may allergies ka ba?"
"Hmn, sa shrimp lang."
"Nako, buti na lang pares kakainin natin. Walang kahit anong seafood yun."
Nakatitig si Vasselisa kay Daks na nababakasan ng pagkasabik sa mukha base sa ngiti at nagniningning nitong mga mata.
'He's kinda caring for a s*x worker, huh?' Pagtataka ni Vassy habang pinanonood si Daks na umorder ng kakainin nila.
Ngingiti-ngiti lang ang lalaki habang busy sa pakikipag-usap sa tindero pero hindi nakakatakas sa paningin ni Vasselisa ang panaka-nakang pagsulyap nito sa paligid na para bang nagmamasid. Hindi nya alam kung para saan ang paglingon-lingon nito pero hindi na rin nya tinanong.
"Kuya Rey, damihan mo ng laman yan hah? First time kakain ng pares 'tong chix na kasama ko kaya kailangan magpakitang gilas ka sa kanya para hindi ako mapahiya." Saad ni Daks sa tindero ng pares habang inaabot ang mangkok ng pares na sinandukan nito. "Pag hindi nasarapan yung kasama ko sa tinda mo, hindi na ako babalik dito."
"Aba imposibleng hindi ka bumalik dito, Daks. Eh halos-araw-araw mo nga akong dinadayo dito simula ng highschool ka eh."
"Hala oy, malapit ka lang kasi sa school dati. Yung trabaho ko ngayon nasa malayo, isang oras byahe mula dito."
"Malayo raw pero dito mo dinala si miss ganda?" Sabay kindat ng tindero kay Vasselisa.
"Syempre, sarado na MOA eh kaya dito ko sya dinala."
"Sus. Kunwari ka pa."
Napangiti sya sa pag-uusap ng dalawa. Busying-busy si Daks sa pag-aayos ng kakainan nila. Nakatayo lang sila kakain dahil wala namang upuan or mesa sa paligid, hindi naman maarte si Vassy sa ganitong klase ng sitwasyon at isa pa ay excited sya dahil totoo namang ito ang unang beses na kakain sya ng pares.
"Ito may chili sauce dito tsaka kung gusto mo ay iba pang sauce dito tsaka may garlic din."
Natigilan sya ng walang ano-anong hinawakan ni Daks ang buhok nya at sinuklay-suklay ng mga daliri nito papunta sa likod. Maya-maya pa ay nanghingi ito ng goma sa tindero at ginamit iyon para itali ang buhok nya, maluwag lang naman ang pagkaka-pusod ng buhok nya pero sapat na para hindi mapunta sa mukha nya ang mga hibla non kapag kumain na sila.
Lumitaw na ang pagpula ng pisngi ni Vassy na kanina pa nya pinipigilan. Hindi nya kasi inasahan na tatalian sya ng buhok ni Daks para lang hindi maistorbo sa pagkain.
"Yan, para hindi mapunta sa sabaw pag yumuko ka." Nakangiting anya nito tsaka iniabot sa kanya ang plastic na kubyertos. "Kain ka na."
"O-okay...?" Itinuon nya ang atensyon sa pagkain para hindi mapansin ng lalaki ang pamumula ng pisngi nya.
Sinimulan nya ang pagkain pero ang utak nya ay naka-focus kay Daks. Naguguluhan kasi sya, talaga bang ganito ang trato nito sa lahat ng kliyente nito? Hindi nya kasi sure kung nagpapa-impress lang ito sa kanya para bumalik sya or talagang natural ang pagiging sinsero nito? Baka isa yun sa dahilan kung bakit top escort ito sa bar nila.
Kung ini-impress lang sya nito ng dahil sa trabaho ay aaminin nyang effective ang ginagawa ni Daks sa kanya. Hindi galawang playboy pero nakahatak ng babae ang mga galawan nito, hindi kataka-takang nagsisibalikan ang mga kliyente dito.
"Kamusta naman maging boyfriend itong si Daks, miss?"
Nagkatinginan silang dalawa ni Daks sa naging biglang tanong ng tindero sa kanila habang kumakain. Sabay tuloy silang natawa.
"Ano ba! Hindi nya ako boyfriend ano." Nagpapa-kyut na tanggi ni Daks tsaka kumuha ng tisyu at pinunasan ang pisngi ni Vasselisa na natalsikan ng sabaw.
"We're just business partners." Singit ni Vassy bago kinuha ang tisyu sa kamay ni Daks para punasan ang sarili.
"Sus, business lang ba talaga?" Bumaling ang tindero kay Vassy tsaka pabirong bumulong. "Nako, sinasabi ko sayo, miss. Etong si Daks kapag nakasama mo na ng isang beses, hihilingin mo ng makasama mo sya habang buhay."
"Oh, that won't happen cause I'm getting married." Bulong ni Vassy pabalik na nagpabato sa tindero.
Nagtataka itong lumingon kay Daks na busy humigop ng sabaw, malamang ay hindi narinig ang sinabi nito kaya bumalik kay Vassy ang tingin ng tindero na ngayo'y nangingiting kumakain.
"Sayang man uy, bagay pa man din kayo."
"Really?" Vasselisa smiled sweetly. "Should I reconsider my choices?"
"Bibigyan kita ng lifetime supply ng pares ko kapag si Daks ang naging asawa mo." Anya ng tindero sabay pibro kumindat.
Natawang muli si Vasselisa sa naging biro ng tindero sa kanya, dahilan para nagtatakang magpalipat-lipat ang tingin ni Daks sa kanilang dalawa.
"Ano yun? Di ko narinig."
"Wala/nothing." Sabay na sagot ng dalawa kaya napakamot si Daks sa batok.
***
HINDI naman napahiya si Daks noong sinabi nito na masarap ang pares ni mang Rey dahil talaga namang sulit at worth it balik-balikan ang tinda nito. Busog na busog si Vassy pagkatapos nilang kumain.
Hindi na maalala ng babae kung kailan sya huling kumain ng marami, yung tipong walang calories na binabantayan or kanin na tinatakal para malimitahan. Sobrang saya nyang maka-discover ng bagong pagkain na talaga namang pumasa sa panlasa nya.
Ngayon ay nakatambay na lang silang dalawa sa parking lot ng bar. Wala na kasi silang ibang mapuntahan dahil gabing-gabi na, wala ng mga bukas na pampublikong mga parke o mall kaya nagpasya silang bumalik.
Nakaupo si Vasselisa sa motor ni Daks habang nakatayo naman ito sa gilid nya, nakabantay dahil nag-aalala syang baka bigla na lang matumba ang motor.
"May hika ka ba?" Out of the blue na tanong ni Daks. Iling naman ang naging sagot ni Vassy kaya nilabas nya ang kaha na nasa bulsa. "Ah, mag-yosi lang ako ah?"
"Can I have one?"
Nahulog mula sa bibig ni Daks yung stick ng yosi na sisindihan na nya sana dala ng gulat. Napanganga kasi sya bigla sa narinig. Si Vassy? Nagyo-yosi rin pala ito? Ba't pa ba sya nagugulat?
Tila musika ang paraan ng pagtawa nito matapos makita ang gulat na gulat na reaksyon nya.
"Nagyo-yosi ka rin pala?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Daks.
Kumuha si Vassy ng isang stick mula sa kahang hawak ni Daks tsaka inilagay sa sariling bibig.
"What makes you think that I don't?" Sabay inilabas ang isang custom made na lighter at ekspertong nagsindi.
Nadagdagan ng pagkunot ng noo ang pagkakanganga ni Daks. Ibang-iba talaga yung ihip ng hangin kapag may ginagawa si Vassy na hindi akma sa itsura nito. Lalo na kapag nagpapakawala ito ng ngisi na para bang proud pa na ipinapakita kung ano ang totoong personalidad kay Daks.
Pansin ni Vassy na nakatulala pa rin sa kanya ang lalaki kaya sya na ang naglagay ng yosi sa bibig nito at ipinagsindi nya.
"You're always looking surprised at everything that I do, Daks." Binugahan nya ito ng usok kaya napakurap-kurap si Daks.
"You're such a bad girl, miss Vassy." Iiling-iling na bumuga rin ito ng usok pero palayo sa dalaga. "Ganyan ka rin ba sa mga kaibigan o pamilya mo?"
"They only knew a part of me that I allow them to see. Hindi naman kailangan lahat ay alam nila, di'ba?"
"At ayos lang na ipinapakita mo sa'kin yung ganyang side mo?"
Tumabingi ang ulo ni Vasselisa at saglit na napa-isip. "Hmn... It might sound crazy to you but I actually feel comfortable with you."
"Kung ganon ay bakit hindi ka na babalik dito?"
"Because I might get too comfortable and forget that I already have someone..." She whispered before letting out a soft smile. "That night was a mistake and I don't intend to make the same mistake twice."
Doon na nanulis ang nguso ni Daks. "Hindi mo ba ako type hah?"
"Why do you ask such silly questions?"
"Ikaw lang kasi ang kaisa-isang customer ko na hindi na umulit ng serbisyo sa'kin. Medyo na-hurt yung pride ko." Sabay inosenteng ininguso ang p*********i na natatakpan ng pantalon. "Pati junjun ko nagtatampo, parang ayaw gumana."
"I don't like sensitive men, Daks."
"Hindi naman ako sensitive ah."
"Yeah, but I've heard that you have plenty of complaints after getting a lot of scratches on your back because of me."
"Fine." Naging seryoso ang tono ng boses nito. "Then what kind of man do you like? Marunong naman akong mag-adjust."
"I want someone who enjoys pleasurable pain and can swallow the hurtful words coming from this sharp tongue of mine. A prideful man that I can trample on, break his ego and make him beg for more. In short, I need a submissive partner."
"Makikipagkita ka ba ulit sa'kin kapag naabot ko yung standards mo?" Inosenteng tanong ni Daks.
'He's too clingy and innocent for this type of job. Ganito ba sya sa lahat ng kliyente nya?' Nagtatakang tanong ni Vasselisa sa isip nya.
Napabuntong hininga tuloy ang babae. Hindi nya mawari kung bakit ba panay ang tanong ni Daks kung babalik pa ba sya o hindi na. Kung tutuusin ay hindi dapat ito nag-e-expect sa kanya dahil customer lang sya nito.
"I admit, you're an interesting guy, Daks." Mahinang tinapik nito ang pisngi ng lalaki bago hinaplos ang malambot nitong labi. "Unfortunately, you're not interesting enough for me to crave for your touch."
Bumaba sya mula sa pagkakaupo sa motor nito tsaka nagnakaw ng halik sa pisngi ni Daks na ngayo'y kunot noong nakamasid lang sa kanya.
"Anyway, I enjoyed our short date, Alexander. It was really nice meeting you." Pinisil nya ang tungki ng ilong ni Daks bago tumalikod at humihithit ng yosing naglakad palayo.
(Daks' POV)
"ISANG linggo ka ng walang matinong serbisyo, Daks. Malulugi yung branch natin sa ginagawa mo eh."
Nahinto ako sa paglalaro ng ML dahil sa sinabi ni mimi Harper at napalingon sa kanilang dalawa.
Magkatabi sila ni mamang at parehong may binabasa't pinipirmahan na mga papeles. Nandito kami sa opisina nya dahil may kailangan raw syang i-discuss kay mamang.
"Ih wala nga akong magagawa, mimi Harp. Akala mo ba hindi ko pansin yun? Syempre alam kong malulugi 'tong branch natin, ako ba naman yung MVP nyo dito eh." Saad ko bago pumalatak. Namatay kasi hero ko sa clash eh.
"Are you sure that he's not taking any illegal drugs?" Bulong ni mimi Harp na narinig ko naman!
"Huy grabe ba. Sa tingin mo sasayangin ko yung ka-gwapuhan ko ng dahil lang sa drugs?"
"Malinis yan, walang ibang droga sa sistema nyan bukod sa multivitamins na iniinom nyan araw-araw." Sagot naman ni mamang na para bang wala ako rito. Oh diba? Pag ako talaga ang pinagti-tsismisan nila eh ginagawa nila akong invisible.
Sumimangot na yung manager naming tibo bago itinuro yung nasa gitna ng mga hita ko na natutulog.
"Then why is that thing not erecting?"
Ngumuso ako. "Hindi ko nga rin alam eh. Tulungan mo kaya ako, mimi Harp? Hawakan mo rin gaya ni Rose tas check natin kung gagana—aray!" Anya ko matapos nya akong batuhin ng pen holder na walang laman galing sa table nya.
Ang sama ng ugali. Nagsa-suggest lang naman eh!
"Do I look straight to you? Kung babae ka baka lamutakin pa kita." Padabog nyang binitawan ang hawak na ballpen sa mesa tsaka asar na ginulo ang buhok. "Damn, ayokong masabon ni big boss sa meeting ng dahil lang sa bumababa yung sales ng bar natin."
"What if ipasok natin sya ng ibang gig?" Suhestyon ni mamang. "Alam naman natin na magaling talaga si Daks sa pagbibigay ng private s*xual services sa customers pero baka pwede natin syang bigyan ng ibang trabaho hangga't hindi pa nare-resolba yung concern nya?"
"Where should we put him then?"
Nagtaas ako ng kamay. "Pwede bang mag-vacation leave na lang muna ako?"
Sabay na nalukot ang mukha nilang dalawa na para bang yun na ang pinaka-walang kwentang narinig nila mula sa'kin.
"Ako nga na manager ng bar na 'to eh walang vacation leave, ikaw pa kaya? Hampasin ko yang mukha mo eh."
"Alexander, magseryoso ka naman." Saway ni mamang kaya hindi makapaniwalang umawang yung bibig ko.
"Seryoso naman ako mamang ah?"
"We're f*****g serious here, Daks." Galit na anya ni mimi Harp habang nagsisindi ng sigarilyo. "Nakatali tayong lahat dito sa kanya-kanya nating trabaho pero h'wag mong kalimutan na ikaw ang pinaka-delikado dito. You have a deadline to meet, remember?"
"Ay ano ba kayo, alam ko naman yun, mimi Harp. Hindi naman ako nakakalimot." Nakanguso akong umirap tsaka ibinalik ang paningin sq nilalaro ko. "Ang hirap naman magbiro sa tibo. Hmp."
Narinig ko yung palatak nya at buntong hininga naman ni mamang, siguro ay nakukulitan na sa akin. Ano ba naman kasi magagawa ko? Eh sa ayaw nga tumayo!
Ginawa ko naman na lahat ng makakaya ko, pilit na nga akong tinutulungan ni Rose at ng iba 'kong ka-trabaho pero ayaw talaga eh! Kahit ano pang ganda o sexy ng babaeng ang iharap nila sa'kin ay hindi talaga tumatayo si jun-jun, nagpa-check up na rin naman ako pero hindi rin matukoy ng doktor kung anong problema ng p*********i ko.
"Anyway, I think pwede ko naman siguro ipasok si Daks sa bagong gig ni boss. It pays higher than his usual fee but this time, he's not getting any pay unlike the usual na he gets ten percent on every total amount na kinikita nya."
Doon na ako huminto sa paglalaro at napangiwi dahil sa sinabi ni mimi Harp.
"Eh ano lang makukuha ko dyan bukod sa s*x?"
"Just the tip from the customer, I guess. Isa pa ay depende sa makakakuha sayo kung magpapa-s*x services sila, doon ka lang makakakuha ng additional amount."
"Egul, parang maximum of five digits lang makukuha ko dyan ah."
"Wala tayong magagawa." Humugot sya ng isang tila poster mula sa mga papeles na tinatrabaho nila at iniabot sa'kin. "There's this upcoming event for the elites and male escorts that's going to be auctioned. Twenty percent of the money will go to the boss' account and the rest will be donated."
"Annual donation drive..." Basa ko sa title na nasa poster habang nakataas ang kilay. "Sino-sino mga i-o-auction? Kilala ko ba?"
"Nope. They're from our branches on different cities so you don't know them but one thing for sure is that all of you is in the same situation right now."
Napasinghap ako sa gulat. "Hindi rin sila tinatayuan?"
Umigtad ang mga balikat ko sa gulat matapos nyang hampasin ang mesa.
"No, you idiot! They're in huge debt as well! Anong 'di tinatayuan? Halika nga rito at kakaltukan ko lang yang tonsils mo."
Tumayo sya at sinimulang maglakad palapit sa'kin habang iniro-rolyo ang manggas ng suot na polo.
"Mamang oh!"
Syempre ayoko ng kaltok nya kaya nagtago ako sa likod ni mamang.
"Anything else aside from escorting, miss Harper?" Napapabuntong hiningang saad ni mamang habang hinihilot ang sentido. "Panigurado bibihira lang ang ganyang event ngayong taon. How about ipasok rin natin sya sa dancing entertainment? Mabenta rin sa mga babae yon."
Umaliwalas ang mukha ni mimi Harp at nagpakawala ng isang napakagandang ngiti.
"Oo nga ano? That's a great idea, mamang."
"Sasayaw ako?"
"Yeah, just like Rose. You're both dancers when you're in highschool di'ba? I know you can also pull off the pole dancing, Daks."
"Hindi kaya maipit yung itlog ko dyan—aray!" Okay, si mamang naman yung humampas sa'kin!
"Hindi ka talaga se-seryoso?" Pagbabanta nya kaya behave na akong naupo ng maayos sa tabi nya.
"Ito na, ito na. Si mamang naman nagagaya na kay mimi Harp, ang hirap biruin." Paglalambing ko habang nakayakap sa braso't nakapatong ang baba sa balikat nya. "Sige na gagawin kona yang mga trabaho na yan pero sagutin mo muna yung tanong ko, mimi Harp."
"What is it?"
"Hindi na talaga babalik si Vasselisa?"
Nangunot ang noo nya. "Why? Do you like her?"
"I like her money." Pag-amin ko. "Triple sya magbayad and aaminin ko, kakaiba sya sa lahat ng mga naging kliyente ko. I love both her money and body. Nanghihinayang ako kasi malaki sya magbayad, that's all."
"Well, manghinayang ka talaga. Vasselisa's rich just like her circle of friends. Though her family is not that known in the Philippines unlike her other friends, still, mayaman sya." Ngumisi sya bago inilapag ang yosi sa ashtray "Anyway, forget about her. She's not coming back here anymore since she's going to be busy for the next few weeks."
"Bakit? Anong meron?"
"Oh, she didn't tell you?" Nagtataka nyang tanong kaya umiling-iling ako.
"Sabi nya lang eh 'di na sya babalik."
"Ah." Tumango-tango sya. "She's getting married."
Huh? Ano raw?