(DAKS)
"DAKS, change of plans. All in ka tonight sa bago mong client."
Napahinto ako sa paglalagay ng lipbalm dahil sa sinabing 'yon ng manager ko.
Anong sabi nya, 'all in'?
Hinarap ko si mamang na syang manager ko na nagpipindot-pindot sa malaki nyang tablet, malamang may inaasikasong online booking kaya doon sya naka-focus. Nameywang ako habang kunot ang noong sumagot.
"Mamaaaaang~ Bakit naman ganon?" Naglalambing akong ngumuso sa kanya. "Akala ko ba si Mrs. Hiroshima yung booking ko ngayon?"
Sya naman ngayon ang nameywang at kunsumidong bumaling sa'kin. "Sya naman talaga, eh ang kaso may dumating na bagong booker at ikaw ang ni-request."
Sinipat ko yung katawan kong kanina pa nilalamig tsaka napasimangot. "Halos isang oras kong hinanda yung sarili ko tapos biglang may change of plans?"
Muntik ko ng mabali yung mga braso ko kanina habang pilit na ginagaya yung mga pictures sa google na sinend ni Mrs. Hiroshima. Aba naman kasi, ang arte-arte ng matandang hapon na yon, talagang nag-request pa na gawin ko daw yung Shibari para ready na kapag nag-umpisa na kami.
Shibari yung parang japanese bondage, yung may lubid na itinatali sa katawan. Ang arte nya, ang daming request pero lagi naman gumagamit ng discount coupons kapag ako ang ibinu-book! Grr.
Lalong tumulis yung nguso ko tsaka inis na kinamot yung pisngi ng pwet kong makinis pa sa mukha ni mamang. HAHAHA! Nilalamig na kasi ako eh, tanging bathrobe lang kasi yung tumatakip sa katawan ko tapos ang nipis pa kaya parang wala rin akong suot. Kupal kasi ng mga damit dito, lahat tipid sa tela pero ano pa nga bang aasahan ko sa trabahong meron ako?
Nagmamaktol akong naupo sa sofa, pinag-ekis ang mga braso't dumekwatro ang mga binti.
"Sino ba kasi yang bagong customer? Ang ayoko sa lahat eh yung bigla-biglang nagbabago yung plano eh. Isa pa ay suki ko na si Mrs. Hiroshima kaya medyo kumportable na ako sa kanya kahit na medyo may pagkakuripot." Kunwari nanghihinayang kong saad.
Syempre naman talaga kunwari lang yon, aba eh sawang-sawa na ako sa pagmumukha ng matandang yon ano! HAHAHAHA! Ka-edaran na yun ng tita 'kong walang ibang alam gawin kundi manumbat at mag-tong its kaya bakit ko panghihinayangan si Mrs. Hiroshima? Marami ngang pera, kuripot naman. Hmp. Ew.
"Sa totoo lang eh ngayon ko lang nakita yung dalagang yon. Vasselisa Skyran ang pangalan, mukhang virgin pa pero kung tratuhin ng mga staffs at guards ay daig pa ang VIP, maski ang may-ari ng bar ay masyadong malapit sa kanya to the point na ito na mismo ang nag-assist sa kanya patungo sa opisina nito." Kwento ni mamang na nagpataas ng interes ko sa bagong customer.
Hmn. Mukhang virgin? Isang boring na anak mayaman siguro yung customer kaya sobra kung makadikit ang may-ari at mga empleyado sa kanya. Malamang iniisip nila na magogoyo at maaambunan sila ng grasya nito dahil baguhan—isang baguhan na mapeperahan dahil madaling mauto.
Napadila ako sa ibabang labi bago nakangising tumawa. Yun pa naman yung mga tipo kong babae. Tanga, baguhan at madaling magtiwala. Sila kasi yung klase ng mga babaeng willing gumastos ng malaking halaga para lang makasama ako. Ganon kalakas yung karisma ko kaya alam ko na kung anong mangyayari mamayang gabi.
Malamang, babalik-balikan nya ko.
"Anyway mamang, paano nya naman napapayag si Mrs. Hiroshima na i-book ako? Kasi diba once na occupied na ako, eh wala ng ibang pwedeng makapag-book sa'kin?" In-adjust-adjust ko yung lubid na nasa balikat ko. "Don't tell me binayaran nya si Mrs. Hiroshima para lang ma-book ako?"
"Paano mo nalaman?" Takang saad ni mamang kaya napahinto ako sa ginagawa ko.
"Seryoso ka ba?"
Kumunot yung noo nya tsaka kinamot yung pisngi nya. "Well, kasama 'kong nakipagharap sa bagong client mo si Mrs. Hiroshima. Nag-offer sya doble ang ibabalik nyang pera nito kaya pumayag agad si Mrs. Hiroshima, habang triple naman ng regular booking price mo ang ibinayad nya ng cash—"
"Cash!?"
"Yes, cash." Ngumiti sya. "Literal na cold cash, Daks. Malutong at amoy galing ng bangko."
Napanganga ako dala ng sobrang gulat. Cash!? Majority ng clients ko ay laging naka-card and cheque, minsan ay may gumagamit pa ng discount cards and coupons dahil sa mahal ng talent fee ko, kaya paanong ang isang virgin (ika nga ni mamang) at baguhan na kliyente ay may bitbit na malaking cash sa ganitong klase ng lugar!?
Pero kung doble ang perang ibinalik nya kay Mrs. Hiroshima at triple naman ang binayad nya sa'kin... so bale five times ng booking amount lahat-lahat kaya ang magiging total ay...
Suminghap ako tsaka naluluhang tumingin kay mamang habang ang mga palad ko'y nakatakip sa bibig. Tinawanan nya lang naman ako bilang sagot habang umiiling-iling. HAHAHAHA! Gagiii!
"P*tangina, mamang. Pang-isang linggong booking na yung halaga non!" Humalakhak ako sa tuwa habang iniimagine yung kikitain ko sa tripleng halaga na binayad ng client na yon para sa'kin. "Yawa, gagalingan ko talaga yung pag-i-entertain ko sa client na yan mamaya!"
"Alright, maghanda ka na ng sarili mo, Daks at pupuntahan ka na nya sa kwarto mo after thirty minutes."
"Kahit ora mismo, mamang! Handang-handa na 'tong junior ko!" Anya ko habang kumakaldag para ipakitang handa na ako.
"Sira. H'wag masyadong rough sa kliyente ha? Ako kakalbo sayo kapag hindi na nakalakad kinabukasan ang kliyente natin." Bilin ni mamang bago lumabas ng dressing room.
Gusto kong magtatalon sa saya pero 'di ko magawa dahil nakikiliti ako sa lubid na nasa katawan ko kaya nanatili na lang akong nakaupo habang tumatawa. Siguro nga mukhang pera ako, pero hinding-hindi ko papalagpasin 'tong kliyenteng 'to.
Napangisi ako sa mga kalokohang naiisip kong gawin mamaya.
"Sisiguraduhin kong babalik-balikan mo 'ko, miss Vasselisa."
***
SINULIT ko yung labing limang minutong binigay sa'kin ni mamang para ayusin yung sarili ko. Mabilisang ligo ang ginawa ko para mawala lahat ng pawis na inilabas ko kanina habang itinatali yung sarili ko.
Sinigurado kong manunuot sa balat ko yung amoy ng body wash at lotion para mahalimuyak ako pagdating ng kliyente. Syempre iniwan kong mamasa-masa yung buhok ko para alam nyang fresh na fresh ako.
Maya-maya pa'y narinig ko na ang pag-ikot ng doorknob kaya hinanda ko na ang pinaka-gwapo't makalaglag panty-ng ngiti ko at hinarap ang taong hinihintay ko.
"Hello, I'm—"
"Sit down." Bungad nya tsaka ako nilagpasan.
Sa sobrang gulat ay tila bato akong napatanga sa kanya. Laglag ang panga't nanlalaki ang mga mata ko habang nakasunod ng tingin sa babaeng nagngangalang Vasselisa.
May katangkaran ang babaeng may suot na puting oversized long sleeve na pinaresan ng napakahabang bulaklaking palda. Suot ang kulay itim na converse, sling bag na puti, malaking bilog na salamin na may makapal na grado at ang mahabang buhok ay naka-tirintas sa magkabilang gilid.
Isang tingin lang at alam ko na agad na sya ang kliyenteng tinutukoy ni mamang dahil mukhang NBSB nerd character ang datingan ng babaeng ito pero hindi bumabagay mataray nyang boses sa itsura nya.
Napansin nyang hindi ako nakaupo tulad ng utos nya kaya mataray na tumaas ang isa nyang kilay bago nag-krus ang mga kamay sa ilalim ng dibdib.
"What, you don't know how to sit down?"
"Ha, s-syempre alam." Napapahiya 'kong sagot.
"Good to know." Isinenyas nya ang kama. "Now sit."
"Ang sungit pala..."
Nakanguso akong naglakad sa kama para maupo. Nakakainis, hindi man lang ba nya papansinin 'tong mamasa-masa kong abs na nakabalandra? Pati 'tong jun-jun 'kong nagpapapansin sa ilalim ng twalyang nasa bewang ko eh inignora nya rin!
Ibinaba nya ang sling bag sa vanity table ko at naupo sa upuan. Magka-krus ang parehong braso't binti nya habang pinapasadahan ako ng tingin.
"So, your name is Daks?" Panimula nya kaya puno ng kumpyansa sa sariling ngumisi ako.
"Yes."
"And you're the top most male escort here?"
"Yes." Nang-aakit 'kong hinawi yung buhok ko. "And I've been on the top for almost twelve years already, babe."
"Hmn..." Tumango-tango sya matapos akong tingnan mula ulo hanggang paa. "You've got the built and face that majority of women wants, no wonder they are treating you as far more superior than the others."
"Hindi lang naman mukha at katawan ang maipagmamalaki ko, miss Vasselisa." Ibinuka ko ang mga hita ko para ipakita ang p*********i 'kong bumubukol sa ilalim ng twalya at sinapo. "When it comes to performance, I can say that I'm quite unquenchable to the point that my past clients always looking back for me."
Inaasahan 'kong mamumula ang mukha nya at mahihiya dahil sa inakto ko pero ako pa ang pinamulahan ng pisngi dahil tinawanan nya lang ako. Isang sarkastikong tawa na tila ba pinaparating nyang hindi nya lang sa'kin narinig ang mga linyang 'yon.
"Kung talagang sobrang galing mo mag-serbisyo, bakit hindi mo simulan sa paghuhubad sa harap ko?"
"I'll... strip?" Naguguluhan 'kong tanong. "Wait, 'diba ikaw dapat ang maunang maghubad sa'ting dalawa—"
"I didn't paid triple of the amount just for you to run that dirty mouth of yours, mister 'top most male escort'." Nanghahamon nyang putol sa sinasabi ko. "You're suppose to obey everything I ask you to do. Kung uutusan kitang lumuhod, lumuhod ka. Kapag sinabi kong magmakaawa ka, magmakaawa ka. Don't tell me na puro kwentuhan lang ang serbisyong makukuha ko sayo?"
"O-okay, chill ka lang." Awat ko sa kanya.
Grabe, sya na yata ang pinaka-supladang kliyente na nakilala ko sa tanang buhay ko.
Tulad ng utos nya ay tinanggal ko nga ang twalyang tumatakip sa ibabang parte ng katawan ko. Lumantad ang jun-jun 'kong kanina pa nakatayo sa sobrang excitement—na mukhang maagang malalanta ngayong gabi dahil sa kasungitan ng babaeng 'to.
"Jerk it off."
Napanganga ako. "Ako?"
"Yes." Tumabingi ang ulo nya. "Why? Don't tell me hindi mo kayang laruin yung sarili mo?"
"Kaya ko naman, pero hindi ba pwedeng ikaw ang maglaro nito?" Nakangisi 'kong hinawakan yung p*********i ko. "C'mon, gustong-gusto ng mga clients 'kong hawakan at tikman 'to. Don't you wanna try?"
"Your d**k is not appetizing enough in my eyes, mister." Bored na anya. "If you manage to arouse me while playing with that big joystick of yours, baka magbago ang isip ko at ako pa mismo ang kakandong sayo."
Speechless akong napatitig sa kanya. Wala pang isang oras kaming magkasama pero sobra-sobrang trash talk na yung natanggap ko.
Nanginginig na yung putotoy ko sa inis. Hinahamon nya ba ako? Hindi ako magiging top 1 escort dito kung hindi ako magaling sa trabaho 'kong ito. Lahat ng kliyente ko ay nanginginig pa ang mga hita kada babalik dito kaya sisiguraduhin 'kong ganon rin ang kahihinatnan ng Vasselisa na 'to.
Naniningkit ang mga mata ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Hinawakan ko ang naninigas 'kong p*********i tsaka sinimulang himasin habang nag-iimagine ng nakaka-libog na eksena sa utak ko. Iniisip ko ang mga seksing babaeng naging kliyente ko, ang mga naka-threesomes at orgy ko.
Umawang ang labi ko para pakawalan ang mahihinang ungol dala ng nararamdaman 'kong init sa ginagawa ko. Nagsimulang mamawis yung noo ko habang ilang minuto ko ng mina-maryang palad 'tong jun-jun ko pero kahit pre-c*m man lang ay hindi ako nilalabasan.
Arghhh! Bakit ganito 'tong jun-jun ko? Nakatayo naman pero ayaw labasan!
Focus. Focus. Sexyng babae. Malaking boobs. Shaved na pu—
"Wala na bang ibibilis yan?"
Asar ko syang sinamaan ng tingin habang namumula ang mukha ko sa hiya. "Teka lang, ha? Nagmamadali ka ba? Nakitang nag-ja-jak*l ng maayos dito yung tao."
"You're so slow. Hindi mo ba kayang labasan ng walang tulong ng babae?" Pang-iinsulto nya kaya pinandilatan ko sya.
"Kaya ko! Bakit kasi ganyan ka makatingin? Hindi tuloy ako nalilib*gan!"
"What do you mean?"
"Kung tingnan mo kasi ako eh parang inaantok ka ng manood! Paano ako lilib*gan eh parang pipikit ka na dyan?!"
Bumuntong hininga sya tsaka tumayo kaya nagtataka ko syang pinagmasdan. Natulala ako sa sunod nyang ginawa.
Walang kahihiyan syang naghubad ng damit sa harap ko. Hindi katulad ng mga usual 'kong kliyente na ako pa mismo ang naghuhubad sa kanila dahil nahihiya sila sa umpisa.
Napalunok ako nang makita kung gaano kaliit yung bewang nya, kung gaano kalaki ang dibdib at balakang nya. Sa lahat ng nakatalik ko, masasabi 'kong katawan nya ang may pinaka-perpektong hourglass figure. Nakakagulat lang na may itinatago palang alindog ang babaeng ito sa likod ng malaki't maluwang na damit.
"What the—did you just c*m after seeing my body?"
Nagising ako sa pagkakatulala at napatingin sa jun-jun 'kong tila isang linggong tigang dahil sa dami ng inilabas na likido. Muling namula yung pisngi ko sa kahihiyan.
"Tangina."