(Third Person's POV)
"AND here comes number six! A very pretty male in his twenties, a man with an attractive face and a sexy body fresh from the gym an hour ago... Let's give a round of applause for Eric Manansala!"
Sinabayan ng malakas na hiyawan ang palakpakan ng mga tao lalo na ng mga kababaihan nang lumabas sa stage ang lalaking may numero singko sa tagiliran. Malaki ang ngiti nito habang kumakaway sa mga babaeng audience na tila sabik na sabik syang pag-agawan kaya naman mas siniglahan pa nito ang pagsagot nang simulan syang kausapin ng host.
Samantala, halos makabisado na ni Daks lahat ng mukha ng mga babaeng guests pero wala ni isa sa kanila si Vassy. Hindi nya ito mahanap, kahit pa 20/20 ang linaw ng mata nya ay wala talaga si Vassy sa paligid.
Inis na napakamot sya sa ulo. Alam naman nyang hindi sya bibilhin ni Vassy eh, nga naman kasi ba't sya pag-aaksayahan ng pera nito? Eh mas malaki ang nilulustay na pera ng mga tao dito kaysa sa talent fee nya eh. Yung triple ng talent fee nya na binayaran ni Vassy dati ay 1/8 lang halos ng halaga na binibitawan ng mga tao dito sa event.
"We've loss over 40% of our usual sales this month because of you."
Tumaas yung kilay ni Daks sa biglaang pagsulpot ni Duke sa gilid nya, ang kanang kamay ng amo nila.
Diretso ang tingin nito sa entablado habang suot ang usual na masungit na ekspresyon. Hindi nila gusto ang isa't isa kaya malamang ay nandito ito para bwisitin sya.
"40%? Aba'y tingnan mo nga naman, ang laki ng nawala 'noh? Kaya hindi rin ako mabitaw-bitawan ni boss eh." Nang-aasar na saad ni Daks.
Nauwi sa mapait na ngiwi ang labi ni Duke bago bumaling sa kanya, tulad ng nakagawian ay tila ba may kuryenteng lumalabas sa mata nila habang magkatitigan ng masama.
"If you didn't managed to get even half a hundred thousand price tonight, the boss will surely not hesitate to punish you just like what he did to Russell."
Alam ni Daks na tinamaan kanina si Russell sa bossing nila dahil nai-kwento sa kanya 'yon ni mimi Harp. Yun rin ang dahilan kung bakit pinalitan ito ng ibang participant.
Pero bakit sya matatakot? Magkaiba sila ni Russell. Maning-mani ang kalahating milyon sa kanya.
"Half a hundred thousand?" Lumitaw ang nakakalokong ngisi ni Daks habang nakahalukipkip ang mga braso. "Panoorin mo kung papaano ko hahakutin ang isang buong milyon."
Lalong nalukot ang mukha ni Duke sa pagyayabang nyang yon pero wala syang pakielam. Tinalikuran na nya agad ang lalaki at tsaka lumabas mula sa kurtina matapos marinig ang pagtawag sa numero't pangalan nya.
"...One of the most in demand escort of all time. The pride of Valhalla Night Club. The famous superstar of Manila red light district-" Itinuro sya ng host. "...Please welcome our participant number seven... Alexander Hernandez!"
Napuno ng hiyawan ng mga kababaihan ang venue nang makalapit si Daks sa host. Sa totoo lang ay nagtataka sya sa naging reaksyon ng mga ito dahil tila ba may pagka-OA. Nawala lang ang pagtataka nya nang mapansing karamihan ng mga babaeng humihiyaw ay mga naging kliyente na nya.
Natawa sya sa isip nya. Hindi talaga sya mahihirapan makakuha ng isang milyon ngayong gabi.
"Whoa, looks like number seven is the crowd's favorite." Natatawang saad ng host. "Anong nararamdaman mo ngayong pinagtitilian ka ng sobra ng ating mga guests?"
"Grabe ba, parang wala namang bago." Pagbibiro nya kaya nagtilian ulit ang mga ito.
"Mukhang kilala ka ng karamihan sa ating guests, may idea ka na ba kung sinong makakakuha sayo tonight?"
Ngumiti si Daks na muling nagpa-ingay sa mga ito. "Sayang naman kung isa lang ang makakasama ko ngayong gabi. Bawal ba ambagan dito? Sharing is caring naman eh."
Nagtawanan ang mga ito sa naging biro nya kaya mas lumawak ang ngiti nya. Nakita nya kasi mula sa di kalayuan ang boss nya, bahagya itong nakangiti habang sumisimsim ng alak. Alam nya na agad na good mood ito.
Nag-umpisa ang bidding sa halagang fifty thousand na mabilis na umakyat sa sixty, seventy at patuloy pang umaangat. Nakita nya mula sa audience si Mrs. Hiroshima na syang nakikipagtagisan ng taas ng bid. Ito ang matandang haponesang byuda na isa sa pinakaborito nyang kliyente dahil kahit na gumagamit ito ng coupons and senior discount ay walang nangyayari sa kanila, mas gusto nitong pinanonood syang gawin ang mga gusto nito.
Kalaban ni Mrs. Hiroshima sa bidding ang dalawa pa nyang paboritong kliyente. Ang spoiled brat na si Cassidy De La Torre na anak ng isang negosyante at ang diborsyadang congresswoman na si Marianne Sevilla.
Walang kaso kay Daks kung sino man ang mananalo sa tatlo dahil ang pera sa auction ay buo rin namang mapupunta sa amo nya ngayong gabi.
"Two hundred thousand!" Sigaw ni Mrs. Hiroshima.
Masama ang naging tingin ng dalawang babae sa matanda, habang malakas na pagsinghap naman ang naging reaksyon ng iba pang guests.
"Two hundred fifty!" Cassidy
"Three hundred!" Marianne
"Three hundred? That's the highest bid so far!" Anunsyo ng host tsaka sya binulungan. "What the heck, pare? Anong klaseng romansa ginagawa mo sa mga babaeng 'to?"
"Secret." Kindat ni Daks.
Umiling-iling ang host. "Do we have a three hundred fifty?"
Ibinaba ni Mrs. Hiroshima ang placard na may numero nya at umiling sa host.
"Three hundred fifty!" Sigaw ni Cassidy na agad namang nasapawan ni Marianne.
"Four hundred!"
"Wow, four hundred? Seriously, congresswoman?" Anya ng host.
Hindi naman itatanggi ni Daks na umaasa pa rin sya na baka biglang susulpot si Vassy at magbi-bid para sa kanya kahit na sinabihan sya nitong hindi ito gagastos ng ganon kalaking halaga para sa kanya.
Gusto nyang sumimangot ng maalala ang mga sinabi ni Vassy kanina pero hindi sya pwedeng madistract, baka mawala pa sa mood ang amo nya pang hidni malaki ang halaga na masusungkit nya ngayong gabi.
"F-five hundred!" Nakatayong anunsyo ni Cassidy. "No, make it six!"
"O-kay? We have six hundred thousand! Going once, going twice—"
"One million!"
Ngiting tagumpay na nilingon ni Daks si Duke sa likod ng kurtina ng stage. Nakasimangot syang tinalikuran nito habang sya naman ay hindi napigilan ang pagtawa dahil doon. Hindi nya rin inasahan na maglalaan talaga ng isang milyon para sa kanya ang babaeng kongresista. Mukhang namiss sya nito ng husto dahil halos ilang buwan na rin mula ng huli nya itong maserbisyuhan dala ng katatapos lang na eleksyon.
Natutuwa rin syang makitang naguguluhan at nagbubulungan ang mga guests. Gustong-gusto nya ang atensyon na natatanggap nya ngayong gabi dahil nadi-distract sya neto mula sa pag-iisip tungkol kay Vasselisa.
"For the first time tonight, we have the highest bid of one million pesos!" Inakbayan sya ng host. "What a great night for our participant number seven! One million for one whole night together with Alexander! So—"
"One billion..."
Sabay na napanganga si Daks at ang host ng marinig ang malamig na boses ng babae mula sa kung saan. Halos lumuwa ang mata ng mga guest sa narinig at agad na nilingon ang taong nagmamay-ari ng boses na iyon.
Saktong huminto ang spotlight sa gitna ng venue kung saan makikitang tuwid na nakatayo ang isang babaeng naka-slicked back ang berdeng buhok at naka-three piece suit ng navy blue. Hawak nito ang cellphone na nakadikit sa tenga na para bang may kausap sa kabilang linya kahit na ang tingin ay nasa kanya habang ang isa pang kamay ay nasa bulsa.
Nakasuot ito ng maskara na tanging sa mata lang nakatakip pero mararamdaman mo pa rin ang lamig ng tingin at ang kawalan ng emosyon nito sa mukha.
"O-one billion...?" Hindi makapaniwalang lumunok ang host. "Did I just heard you saying one billion?"
"One... o-one billion and one—"
"One billion dollars." Putol ng babaeng may berdeng buhok sa kongresista tsaka ito nginiwian. "Don't you even try anymore. You're just wasting your entire savings, congress woman."
Nanghihinang naupo si Marianne at nag-iwas ng tingin. Ganon rin ang iba pang nalingunan ng babae.
Tila nagising naman sa katotohanan ang host at pinagpupukpok ang maliit na maso sa podium.
"Sold to number twenty eight for one billion dollars!"
Nagloading yung utak ni Daks dahil hindi rin sya makapaniwalang may nagbid sa kanya ng isang bilyong dolyar. Sa sobrang lutang nya ay hindi na nya namalayan na nakaalis na pala sya ng stage at ngayo'y naghihintay na lang sa waiting room para sa taong nakabili sa kanya.
Mga sampung minuto pa ang lumipas ay pumasok na rin sa wakas ang babaeng nakabili sa kanya. May kasama pa itong dalawang babaeng naka-suit naman ng itim at may bitbit na metal brief case.
"I'm Morgan Verdan-Rivera." Diretsong pakilala nito tsaka kinuha ang palad nya at ipinatong ang isang maliit na papel. "I'm busy so to keep it short, I'm Vasselisa's friend and she asked me to give her business card to you. She said that she'll call you first whenever she needs you, not the other way around. Be obedient or she'll never f**k you again."
Natulalang muli si Daks dahil sa maikling pakikipag-usap sa babaeng may berdeng buhok—o kung usap nga bang matatawag iyon dahil hindi man lang sya nakasagot dito at basta na lang nilayasan.
'Sabi nya hindi nya ako gagastusan? Wtf. Magkano ba sinasahod ng isang ordinaryong event organizer?' Litong-litong tanong ni Daks sa sarili habang nakatitig sa business card ni Vassy.