Chapter 9 (Continuation...)

877 Words
(Dak's POV) "THANK you for informing me, Beau. I'll wire the p*****t to you later." Awang ang mga labing inililibot ko ang paningin sa paligid ng restaurant kung nasaan kami ngayon. Ang ganda kasi ng disenyo ng lugar, halatang sobrang yaman ng may-ari. Isa pa ay parang puro mga mayayaman ang kumakain dito base pa lang sa mga suot nilang damit. Tapos may mga valet pa na nakaabang sa entrance na syang magpa-park ng sasakyan o motor. Lumingon ako kay Vassy na katatapos lang makipag-usap sa kaibigan nya at nagtitipa na lang sa cellphone ngayon. Naka-focus sya masyado sa cellphone nya at hindi napansin ang mga taong dumadaan kaya naman ako na mismo ang humila sa kanya para hindi sya mabangga ng mga ito. Nakangiting nag-angat sya ng tingin sa'kin pagkatapos non. "Thank you." Sabay kurot sa pisngi ko. Nauna syang naglakad papasok ng entrance kung saan sya binati ng mga staffs na naroon. Base sa pagbati ng mga ito ay halatang suki nila si Vassy dito at kilalang-kilala na. Isa sa mga staffs ang lumapit sa'min at iginiya kami sa elevator. Habang naglalakad kami ay halos hindi na sumara yung bibig ko sa pagkakanganga, nakakamangha kasi yung ganda ng lugar tsaka nakakatakam yung amoy ng mga pagkain mula doon sa mga dala ng waiters na nakakasalubong namin. Nalibang ako sa pag-oobserba sa paligid kaya hindi ko namalayan na mabilis lang kaming nakarating sa destinasyon namin. Dinala kasi kami nung kuya staff sa isang kwarto sa second floor. Hindi ko alam yung mga pinagsasabi nya kasi si Vassy lang ang nakikinig, habang ako ay sunod lang ng sunod. "Congrats, b***h. Did you move your office location to Mars kaya halos dalawang oras mo akong pinaghintay?" Masungit na anya ng lalaking sumalubong sa'min. "I'm sorry, Theo. Hindi ko nakita yung oras and naipit pa kami sa traffic." Malumanay na hingi ng sorry ni Vassy bago humalik sa pisngi nito kaya nabato ako sa kinatatayuan ko. Ngumiwi yung lalaking nagngangalang Theo. "Apat na yang mata mo, hindi mo pa rin nakita? The fuck." Mahinang humagikgik si Vassy, yung katulad ng hagikgik nya noong pangalawang beses naming magkita. Yung sobrang hinhin at hindi makabasag pinggan. Pakiramdam ko magsusuntukan yung mga kilay ko sa pagkakasalubong dahil sa tono ng boses ni Vassy. Bakit parang ang lambing ng tono nya habang kausap 'tong lalaki? Ito ba yung friend nya? Bakit parang halos puro lalaki ang mga kaibigan nya? Pati yung kausap nya sa cellphone kanina na Beau ang pangalan ay lalaki rin! Tsaka humalik sya sa pisngi nito? Alam kong friends sila pero bakit kiss pa? Pwede namang beso ah! Umangat ang parehong balikat ko sa gulat nang magtama ang tingin namin nung kaibigan nya. Mabilis na tumalim ang tingin nya at umangat ang isnag kilay, pinasadahan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Who the f**k are you?" Peke akong ngumiti. "I'm Alexander, but you can call me Alex as well." "I don't give a f**k about your name." Masungit nitong sagot kaya nawala ang ngiit ko. "What I'm asking is who are you in this b***h's life?" Natigilan ako. Wait, anong sasabihin ko? f**k buddy? s*x partner? Kabit? Hala. Nakaka-pressure naman yung tanong nya! "Uh, I'm her friend—" "He's my sugar baby." Parehong namilog ang mata namin ni Theo tsaka laglag ang pangang nilingon si Vassy. Isang matamis na ngiti ang pinakawalan nya bago inabot ang isang kamay ko at mahigpit na hinawakan. "Alexander, this is Theodore Scott or you can call him Theo na lang. He's one of my bestest friend, also the owner of this restaurant. Theo is a chef as well." Itinuro nya ako. "And Theodore, this is Alexander Hernandez. He's my boy toy, my f**k buddy and my submissive partner. I met him at the bar where Harper works." Namula ang buong mukha ko sa naging introduction nya. Sugar baby? Bakit nya ako pinakilalang sugar baby? Grabe ba. Para naman akong tatayuan sa kilig. May sugar mommy na pala ako hindi man lang ako na-inform. Nalukot ang mukha ni Theo habang nakapameywang at nakaturo sa'kin. Bakas sa nakakunot nyang noo at nakangiwing labi na hindi sya makapaniwala sa narinig. Ramdam ko rin ang pagka-irita sa tingin nya. "This guy?" Bumibilis ang paghinga nya, tila nagtitimpi. "Sugar baby?" "Yes." Tumatango pang sagot ni Vassy. "Are you f*****g kidding me?!" Ngumiti si Vassy. "No, I'm not." Mas tumalim pa ang tingin sa'kin ni Theo, kulang na lang ay saksakin nya ako ng diretso. Pansin ko rin ang pamumula ng mga kamao nyang kanina pa nakakuyom ng mahigpit, yung tipong isang pitik lang sa pasensya nya ay lalanding yun sa mukha ko. Tsaka ako lang ba? Pero parang may nakikita akong ugat sa noo nya. Ngunit imbes na matakot ay nginisihan ko sya tapos ay nilagay ko yung braso ko sa balikat ni Vassy habang ang isa pang kamay ay nasa bewang nya. Isinandal ko pa yung pisngi ko sa ulo ni Vassy para dikit na dikit kami. "Yes, sugar baby nya ako. May angal ka?" Nanghahamon 'kong saad. Sinimulan nya ang pagrolyo sa manggas ng suot nyang bulaklaking polo na parang naghahandang makipagsuntukan kaya napaatras ako. "I hope you have life insurance ready because you're not going to leave this f*****g place alive." Uh oh...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD