Chapter 10

2298 Words
(Third Person's POV) HINDI matanggal ang ngiti sa labi ni Daks habang ngumunguya ng tempura na nakahain sa mesa. Nakangiti rin naman si Vasselisa habang pinapanood syang kumain. "How's the taste?" Vassy extended her arm to wipe the sauce on Daks' lips using the table napkin. "Is it good?" Sinadya ni Daks na mapahiran ulit ng sauce yung labi nya tsaka nagpapa-baby na ngumuso, nagpapahiwatig na gusto nya ulit magpapunas kay Vassy na ginawa naman ng dalaga. Halos mapunit na tuloy ang labi nya kakangiti. "Grabe ba. Ang lala ng lasa, sobrang sarap. Yun lang talaga ang sungit ng nagluto." Tukoy nito kay Theo. Vassy chuckled. "Ganyan lang talaga si Theo but he's a good man naman. He's just being overprotective of us, his friends. We're all women kasi and he's the only guy from the group." "Ah, one of the girls pala sya." "Yeah, tsaka we're friends since highschool kaya kabisado ko na ugali nya and vice versa. Don't worry, hindi yun galit. Masungit lang talaga." Tumango-tango si Daks bago inabot ang wine na isinalin ng waitress kanina sa baso tsaka uminom. Enjoy syang kumain kasi wala na si Theo-I mean, buhay pa naman si Theo. Sumakabilang kwarto lang. Dumating kasi ang mga staffs nito, dalawang waiter, isang naka-uniporme na pang-chef tsaka dalawang tila bodyguard. Lima silang umawat at kumaladkad sa amo nila palabas ng kwarto bago pa nya mabugbog si Daks na walang ibang ginawa kundi ang magtago sa likod ni Vassy kanina. Sa totoo lang ay medyo nadismaya si Daks matapos malaman na si Jerome pala dapat ang kasama ni Vassy at ang appointment pala ay para sa taste testing ng pagkain para sa kasal nila. Eh kaso wala naman syang magagawa kundi ang palihim na magtampo, syempre side chick lang sya ni Vassy eh. "By the way, you look dashing with your biker outfit." Puri nito sa damit nya. "Isa ba yan sa mga damit na shinopping mo nitong nakaraan?" "Uy hindi ah, binili ko sa ukay-ukay 'to." Pantay na umangat ang mga kilay ni Vassy. "Oh wow, ukay-ukay?" "Yep. Hindi ako mahilig sa branded na damit. Mahal yon." Isa-isang itinuro ni Daks ang suot na damit. "Yung jacket nasa two hundred lang tas yung boots ko nasa mga five hundred mahigit. Yung sando naman sa bangketa ko nabili nasa seventy lang isa, one fifty dalawa. Yung pants ko naman pinaglumaan ni papa ko, okay pa kaya imbes na itapon eh hiningi ko na lang." "I don't mean to pry about your expenses using my card but I'm curious kung saan mo ginamit ang card ko." Sinserong tanong ni Vassy. "I've receive a lot of notification about your expenses and I thought you did some shopping spree. I don't mind the amount that you used pero talagang curious ako sa mga pinamili mo." Uminom muna ng tubig si Daks bago sumagot. "Binayaran ko yung hospital bills ng dada ko, tas bumili ako ng gamot nya, tapos ng wheelchair. Bumili rin ako ng grocery para may stock sa bahay namin tsaka iba pang fastfood." "I see. That makes sense." "Bumili rin pala ako ng isang box ng empi para kay papa." Nangunot ang noo ni Vassy sa pagtataka. Ngayon nya lang narinig ang salitang 'yon. "Anong empi?" "Empi lights. Yung alak? Emperador lights." Ngumuso si Daks na para bang nagpapakyut. "Si papa kasi nakasanayan na uminom bago matulog lalo na kapag stressed sya. Though hindi naman na sya malakas uminom kasi nakauwi na si dada galing ospital." Mas lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Vassy. Naguluhan sya lalo sa narinig. "Wait, you're calling your father 'dada'?" "Yup." Tango ni Daks. "Then who's the person you're calling 'papa'?" "Tatay ko rin." Bahagyang umawang ang labi ni Vassy. "You have two fathers?" "Oo. Si dada tsaka si papa." Inosenteng tumabingi ang ulo ni Daks. "Bakit? Weird ba?" "No, no. It's not weird, I'm just surprised that you have two dads as your parents." Ngumiti si Vassy. "Your parents must be proud having a loving son like you." Pinakatitigan ni Daks si Vassy. Nakangiti naman na ito pero ramdam nya talaga ang badtrip nito mula pa kanina habang nasa opisina sila. Huminga ng malalim ni Daks tsaka tumayo na ipinagtaka naman ni Vassy. Sinundan sya nito ng tingin nang buhatin nya ang upuan at inilipat sa tabi ng babae, nang maka-upo ay agad syang sumandal sa balikat nito. "Nag-away ba kayo ng fiancé mo?" Pag-uumpisa nya. Nagulat man ay sumagot pa rin si Vassy. "No, more on inaway ko sya. Why?" "Kasi kanina ka pa badtrip." Inabot nito ang kamay ni Vassy at mahigpit na hinawakan, hindi nagtagal ay inangat nya ang kamay ni Vassy at hinalikan ang likuran ng palad nito. "Sabi ni Theo taste testing yung ipinunta mo dito, kaya ka ba nakasimangot kasi hindi ka sinamahan ni Jerome?" "Yes." Tapat na sagot nito. "We've been setting and cancelling this food tasting appointment back and forth because he always has some prior engagements that for whatever reason, he can't cancel. It pisses me off thinking na mas mahalaga sa kanya ang business kaysa sa magiging kasal namin." Malalim ang titig sa kanya ni Daks habang seryosong nakikinig. "Talaga? Grabe naman sya, inuuna nya ang trabaho kaysa sayo. Gaano na ba kayo katagal?" "Magkasama na kami since college but until now hindi pa rin kami kasal. I mean, does that make sense? I'm already past thirty and ang tagal na ng relasyon namin, what's taking him so long to get me in front of a priest and put a ring on my finger?" "Uh-huh! How dare he? Ang kapal ng mukha nyang paghintayin ka ng matagal para sa kasal." Panggagatong ni Daks habang nakahawak sa dibdib na para bang na-shock sya sa narinig. "Nako, kung ako 'yon baka wala pa tayong isang buwan na nagdi-date eh pinakasalan na kita." Doon tumaas ang kilay ni Vassy kasabay ng pigil na ngiti. "Oh, now it's all about you again." "Nagsasabi lang ako ng totoo." Kinurot nya ang pisngi ni Vassy bago nagpakawala ng ngiti. "Bakit nya pinaghihintay ng kasal ang isang maganda, sexy, matalino at mayamang babaeng kagaya mo?" "I know, right? I've been tolerating him since we we're in college tapos gaganituhin nya lang ako?" Natatawang pagsusumbong kunwari ni Vassy. "Di'ba? Bukod sa'kin, marami namang ibang lalaki dyan na mas deserving kaysa sa kanya." Ngumuso si Daks. "Bakit hindi mo pa kasi hiwalayan?" Imbes na sumagot ay umiling-iling si Vassy at itinuon ang atensyon sa platong puno ng hindi pa nagagalaw na pagkain. Nawala ang mapaglarong ngiti nito at bumalik sa pagiging seryoso kaya naman mas nagsumiksik si Daks sa leeg ng babae habang ang mga braso ay nakayakap sa bewang nito. "Why would I leave someone that I still love?" Nagsimulang humalik-halik si Daks sa leeg nya kaya bahagya syang napapikit. Nakikiliti sya sa bawat dampi ng labi ni Daks na nag-iiwan ng mainit na sensasyon. Nakadagdag pa sa init na nararamdaman nya ang pagpisil-pisil ni Daks sa bewang nya. "Gusto mo bang agawin kita sa kanya?" Vasselisa chuckled. "How are you going to do that, big boy?" "You tell me..." Lumipat ang labi nya sa pisngi ni Vassy at nagsimulang mag-iwan ng maliliit na halik. "Ano bang dapat 'kong gawin para maagaw kita sa kanya?" Natigilan si Vassy nang makita ang seryosong ekspresyon ng mukha ni Daks. Hindi nya matukoy kung binibiro pa ba sya nito o seryoso talaga kaya hindi sya nakasagot lalo na noong sakupin nito ng tuluyan ang labi nya. Gusto nyang tapikin ang noo nya, nasaan na yung sinasabi nyang tatapusin na nya ang ugnayan nila ni Daks? Na ayaw nya sa mas bata sa kanya? Na ayaw nya sa clingy? Ngumiwi sya sa sunod-sunod na tanong na pumasok sa isip nya. Parang matagal-tagal pa bago nya tuluyang bitawan ang binata. "Ano na, Vasselisa?" Muling bulong nito sa mas malalim na tono na nagpataas ng balahibo ni Vassy sa batok. "Kung aagawin kita sa kanya, magpapa-agaw ka ba?" Nagsimulang mag-init ang mga batok at pisngi ni Vassy at nararamdaman nyang umaakyat na rin ang init na 'yon sa tuktok ng mga tenga nya. This is the first time that she heard him talk like that. When she first met him, he sounds so cocky and conceited then he changed into a much more childlike talks, but this? That's just straight out erotic that makes her... wet...? Bumuka ang labi nya para sana magsalita ngunit naudlot ito nang biglang bumukas ang pinto. "Vassy, your boyfriend is he—" Theo grimaced after seeing the two of them. "What the f**k? Enough of that smooching! Jerome is in the entrance and he's looking for you!" Para bang nagising sa Vassy sa pagiging lasing na dulot ng nang-aakit na boses ni Daks. Agad syang tumayo at nag-ayos ng sarili. "What? Anong sinabi mo sa kanya? Pinaalis mo ba?" She asked in a worried voice. "Ano pa bang magagawa ko eh nandito na sya? I just told him that you're already taste testing the food!" Hinatak nya sa braso si Vassy at pinahid ang lipstick nitong lumagpas sa labi dala ng paghalik ni Daks. "My God, Vasselisa! Your boytoy needs to leave bago pa malaman ni Jerome na iba ang tine-taste test mo." Tumango-tango si Vassy habang hinahawi-hawi ang buhok. "Okay, okay. Can you take Daks to the parking lot for me? Sasalubungin ko na lang si Jerome." "Yeah, sure. Take Jerome to the first room of this floor. Nagpahanda ako ng bagong set ng pagkain." Bumaling sya ng tingin kay Daks na ngayo'y nakatayo na at tila batang naghihintay kay Vassy. "And you, follow me." "Wait, kailan tayo magkikita ulit?" Habol nyang tanong nang makitang lalabas na si Vassy. "I'll just text you." Walang lingon na sagot nito habang nakatutok ang paningin sa cellphone. "I'm sorry, for the mean time you can use my card whenever you want to buy something. Promise, babawi ako sa susunod." Katulad noong nakaraan ay dire-diretsong lumabas ang dalaga ng hindi man lang sya nililingon. Nagsalubong ang mga kilay nya nang makaramdam ng kaunting dismaya habang mahigpit na napahawak sa bitbit nyang helmet. 'Boy toy?' Saad nya sa isip nya bago napakagat sa labi. 'Ba't boy toy? Pwede naman lover eh. Hmp.' *** "WATCH your step. Most of my customers' feet are always caught on that rug. Baka madapa ka rin." Bilin ni Theo habang binabaybay nila ang hallway patungo sa emergency exit. Lumitaw ang nang-aasar na ngiti sa labi ni Daks tsaka sinabayan ng lakad si Theo na ngayo'y parang nilamukos na papel ang mukha dala ng pagkakasimangot. "Uy, concern si kuya sa'kin." "Shut up." Singhal nito na dinuro pa sya. "That's expensive s**t, alam kong wala kang pambayad." "Ay kuya 'ko, grabe ba." "Stop calling me 'kuya', hindi tayo close." "Owkieee~" Inirapan sya nito pero hindi naman nawala ang ngiti nya. Parang bata kung maglakad si Daks, ang dalawang kamay ay nasa likod habang hawak-hawak ang helmet. Narating nila ang pinto na may karatula ng 'Emergency Exit' sa taas. Tinuro sa kanya ni Theo ang tamang daan papuntang parking lot pero huminto ito sa pagsasalita nang makitang nakangiti itong nakikinig sa kanya. "What the f*ck do you want? Ba't nakangiti ka?" "Hindi ka na galit sa'kin?" Muling tumaas ang kilay ni Theo matapos 'yon sabihin ni Daks. Kitang-kita sa nakangiwi nitong labi at matalas na tingin ang disgusto sa taong kaharap, unlike Daks na may nang-aasar na ngiti. "No offense. I don't hate you but, I don't like you either." Matapat na saad nito bago pinasadahan ng tingin si Daks mula ulo hanggang paa bago pumalatak. "Don't you have anything to offer aside from your physical appearance? Sure, you have that handsome face and well chiseled body but do you really think that it's enough? Did you even finish your studies? What do you think her parents will say once that they discover that their goody two shoes daughter whose currently engaged and to be married in a few weeks to her long time boyfriend is now having an affair with a gold digging s*x worker like you?" Para bang may nakabara sa lalamunan ni Daks at hindi nya magawang sagutin si Theo sa haba ng sinabi nito. Nawala ang ngiti sa labi nya at nanatili na lang nakatulala dito. Isang kunsumidong buntong hininga naman ang pinakawalan ni Theodore habang hinihilot ang sentido. "I told you, no offense—" "So hindi ka nga galit sa'kin?" "The f*ck—" Mura ni Theo tsaka kinwelyuhan si Daks. "Sa haba ng sinabi ko, ni isa ba ay may naintindihan ka?!" "Oo naman. Sabi mo mayroon akong 'handsome face and well chiseled body'!" Tumatawang sinundot ni Daks ang pisngi ni Theo na ngayo'y namumula na sa galit. "Yieeeh~ Gwapong-gwapo sya sa'kin. Easy ka lang, sige ka, baka tigasan ka. Hindi pa naman ako tumatanggap ng lalaking customer." "F*cking bastard!" Gustong sapakin ni Theo si Daks pero bago pa man gumalaw ang kamao nya ay dumating ang isa sa mga kitchen staff nya na halos mamatay na sa paghahabol ng hininga. "Sir, sir, kailangan daw po kayo sa kitchen. Magsasaksakan na po si head chef at si sous chef. Nagbe-breakdown na rin po yung patissier natin sa dami ng orders, umiiyak habang naglalagay ng muffins sa oven." Pagsusumbong nito. "I was just gone for ten minutes—ten f*****g minutes and now my employees are trying to kill each other?! Give me a goddamn break!" Pabalya nyang binitiwan si Daks. "And you! Leave my restaurant now and think twice about pursuing Vasselisa, she'll never choose you over Jerome not unless you have a degree, a decent job and man enough to provide for her." Padabog na naglakad paalis si Theo habang galit na nakikipag-usap sa kitchen staff na sumundo dito. Naiwan namang nakatulala si Daks sa kinatatayuan habang malalim ang iniisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD