Chapter 10 (Continuation...)

1832 Words
(Daks' POV) "ALEXANDER, bakit hindi ka pa kumakain?" Nagising ako mula sa pagkakatulala tsaka napalingon kay Dada na syang nakaupo sa kanan ko at nakakunot ang noong nakatingin sa'kin. Bakas sa mukha nya ang pagtataka pero hindi naman natigil sya natigil sa pagnguya ng pagkain. Napalingon na rin sa'kin ang iba pang kasama naming kumakain sa mesa. Si mamang na nag-aalala ring nakatingin, si Rose na nakataas ang kilay, si Kyle na inilingan lang ako bago nakakamay na sumubo ng kanin na may balat ng manok at gravy. Maski ang mga madudungis na batang katabi ko sa kaliwang parte ng mesa ay nahinto at nagtatakang nakatingala sa'kin, ganon na rin ang iba pang nasa kabilang mesa. Tinaasan ko ng kilay ang mga batang uhugin na nasa tabi ko. "Hoy, anong tinitingin-tingin nyo? Kumain ng kumain, aba! Akala ko ba gusto nyo ng fried chicken? Ngayong may manok dyan hindi naman kayo kumakain." "Uy hala, hindi ah! Kain nga kami ng kain eh kuya Daks!" "Ako rin kain ng kain!" "Mag-uuwi ako mamaya ng chicken, kuya ah!" "Ay basta ako mag-uuwi ako ng fries!" "Ako rin!" "Ayyy walang mag-uuwi ng pagkain, walang magtitira! Ubusin nyo yang nasa plato nyo." Saway ko tsaka nilagyan pa ng chicken ang pinggan nila at sinabawan ng gravy yung kanin. "Bibigyan ko pa kayo ng ulam bukas pero sa ngayon, kainin nyo yang nasa mesa nyo. Maliwanag?" Halos sabay-sabay na nagsitanguan ang mga ulo nila tsaka nagpasubsob muli sa pagkain. Humalumbaba ako habang pinanonood 'tong madudungis na batang kung makakain akala mo ay hindi nakakain ng tanghalian at meryenda—which is totoo naman. Kung hindi pa ako dumating ay hindi pa makakakain 'tong mga 'to eh samantalang hapunan na. Naramdaman ko ang mariin na titig ng katabi ko kaya nilingon ko ulit si Dada Lance na nakakunot pa rin ang noo. Nginusuan ko sya tsaka ako yumakap sa braso nya at sumandal sa balikat nya. "Dada kooo~ Bakit mo 'ko tinitingnan ng ganyan? Kumain ka ng kumain para mas lalo kang pumogi kagaya ko." "Kumakain naman ako ng maayos, ikaw 'tong nakatunganga lang dyan." Saad nya tsaka dumampot ng fries gamit ang kabilang kamay at literal na nanginginig-nginig na iniumang sa'kin. "Oh heto, kumain ka nga." Kahit busog pa ay isinubo ko yung fries na inaalok nya sa'kin tapos ay mas lalong lumingkis sa payat nyang braso. Dinilaan ko si Rose at Kyle na parehong nakasimangot nang malingunan ko. Mga inggit. Bleh. "May okasyon ba? Napakarami mo namang inuwing pagkain ngayon, Alexander. Baka naman walang natitira sa sinasahod mo nyan." Umubo-ubo sya kaya hinimas ko ang dibdib nya. "Da-dalawang beses na nga lang akong mauwi dito, pinapagalitan mo pa ako." Mas tinulisan ko ang nguso ko tsaka nagpapaawang tiningnan sya. "Hindi mo ba ako na-miss? Nagtatampo na ako." "Hindi naman sa ganon." "Eh bakit parang ayaw mo, Da?" Hinawakan ko ng mahigpit ang isa nyang kamay na halos wala ng lakas para hawakan ako pabalik, hindi tulad noon na parang ayaw nya akong bitawan kahit na magkatabi lang kami. Hindi ko maiwasan ang hindi malungkot sa tuwing tinitingnan ko si Dada ko. Sobrang laki kasi ng ibinagsak ng katawan nya matapos syang ma-ospital, halos kita na yung buto nya sa sobrang payat. Pati mga pisngi nya ay lumalim na hindi katulad noon na nakukurot pa. Hindi na rin sya nakakalakad ng walang tulong ng tungkod dahil sa tagal nyang nakahiga sa hospital bed. Lalo akong lumingkis sa Dada ko tsaka sumandal sa balikat nya. Ginulo nya lang ang buhok ko bago bumalik sa pagkain. Sakto naman na nakabalik si papa Charles mula sa pamimigay ng pagkain sa kapitbahay namin. Pinagtaasan nya ako ng kilay na para bang naaasar sya sa'kin kaya pati sya ay dinilaan ko. Doon sumama ang tingin nya sa'kin. "H'wag 'mong perwisyuhin ang tatay mo at kalalabas lang nyan sa ospital." Saway nya sa'kin. "Anong perwisyo? Nilalambing ko nga eh!" "Ang laki-laki mo na! Umayos ka ng upo mo at baka nangangawit na yang si Lance." Ipinakita nya sa'kin ang bitbit nyang frying pan na pinaglagyan ng ulam kanina. "Ipapalo ko sayo 'tong frying pan kapag hindi ka umayos ng upo." "Dada oh! Si papa gusto akong paluin ng frying pan." Pagsusumbong ko tsaka mas sumiksik sa tabi ni dada. "Charles, tama na yan. Maupo ka na rito sa tabi ko at kumain na tayo." "Tama! Sumunod ka kay dada! Tsaka nasaan ba kasi yung damit mo? Ba't lagi kang walang damit, papa?!" "Ano bang paki mo?" Nandidilat nyang sagot sa'kin kaya pinandilatan ko rin sya para fair. "Charles?" "Pero kasi 'tong si—" Inismiran at sinamaan sya ni dada ng tingin kaya automatikong tumahimik si papa. Ibinaba nya ang frying pan tsaka tumabi bakanteng upuan katabi ni dada. Hindi nawala yung matalim nyang tingin sa'kin pwera na lang noong subuan rin sya ni dada ng manok. Para syang ewan kung makangiti habang nginunguya yung manok na binigay ni dada, ang kapal talaga! Hindi pa nakontento at dinilaan pa ako! Nakasimangot akong nagpatuloy sa pagkain. Maya-maya pa ay mukhang hindi na nakatiis si Rose at bigla na lang nagsalita. "Tito Charles, hindi ka ba nagsisisi na si Daks naging anak mo?" Ngumiwi si papa nang malingunan ako. "Wala naman akong choice. Wala eh, nabuo na sya eh." "Ba't parang nanghinayang ka, 'pa?" Taas kilay 'kong tanong. "Nanghinayang naman talaga si tito. Sayang daw at hindi ka naiputok sa kumot." Si Rose kaya pinandilatan ko sya. "Hoy! Bakit sinisiraan mo ko sa dalawang tatay ko?!" Turo ko kay Rose. Nagulat pa ako ng paluin ni dada yung kamay 'kong nakaturo pero hindi ako nagreklamo. "Ampanget kasi ng ugali mo. Bumabait ka lang kapag kaharap mo mga tatay mo." Banat ni Rose na tinawanan ni Kyle. "Atleast may papa ako, dalawa pa! Eh ikaw, wala di'ba? Bleh!" "Wala ka namang nanay!" "Eh ano naman?! Nandyan naman si mamang eh para nanay-nanayan ko." Nginitian ko ng malawak si mamang. "Di'ba mamang?" "Kumain ka na nga lang ng kumain, Daks. Hindi ka nahihiya? Mas behave pa 'tong mga bata kaysa sayo eh." Tumulis ang nguso ko. Bakit parang nagkakampihan silang lahat today? Si papa, si Rose, si Kyle tsaka si mamang! Sinasabotahe nila ako dahil ngayon ko lang ulit nakita ang dada Lance ko. "Gaano ba talaga kalaki ang kinikita ng call center agent?" Biglang tanong ni dada. "Binayaran mo na nga yung balance natin sa hospital, nagpakain ka pa dito sa pathwalk." Nagkatinginan kami nina mamang bago uubo-ubong nagsi-iwas ng tingin. Si dada naman ay nagtatakang pinagmamasdan kami, si papa ang nagdududang nakataas ang kilay. Ang alam kasi nila ay call center agent ako. Hindi ko pwedeng sabihin na s*x worker ako dahil paniguradong hihimatayin si dada habang bubugbugin naman ako ni papa kaya ilang taon na naming tinatago yung totoo. "Ah, bonus yan sa'kin kasi magaling ako sa customer service." Natatawa 'kong sagot. "Tsaka may savings kasi talaga ako para doon sa hospital balance ni dada ininvest ko muna tas sabay withdraw nong nagka-interest na." Tumaas na naman ang kilay ni papa kaya nginitian ko sya ng malaki, yung tipong halos umabot na hanggang tenga ang ngiti ko. Ang kaso lang hindi nawawala yung nagdududa nyang tingin. "May tinatago ka sa'min." Patay malisya akong nagpasubo ng chicken kay Dada pero mas lalo lang naningkit ang mata ni Papa Charles. Maski sina Rose, Kyle, Mamang at yung mga batang kumakain at nakatitig sa'kin na tila ba naghihintay ng sasabihin ko. "Okay! Okay, fine!" Pagsuko ko. "Sasabihin ko na." Mas lalong lumalim ang pagkakatitig nila kaya nagsimula akong pagpawisan ng malamig. Hindi ko alam pero kahit na wala naman akong ginawang masama ay kinakabahan pa rin ako. Umayos ako ng upo at ilang beses pang lumunok bago nagsalita. "Nag-enroll ako..." Halos pabulong kong pag-amin. Doon sabay-sabay na nagsitaasan ang mga kilay nila. "Enroll...?" Bulong pa nila bago nagpalitan ng tingin. "Nag-enroll ka na naman sa gym ni Tikboy?" Banat ni Mamang. "Naku, yan na nga ba ang sinasabi ko sayo eh, sabi ko h'wag ka doon mag-weights at puputaktihin ka na naman ng mga kampon ko—" "Sa school! Enroll sa school, Mamang, school! Hindi gym!" Putol ko sa kanya tsaka ngumuso habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. "Nag-enroll ako kahapon, okie? Mag-start ako ng pasok sa monday." "Totoo ba, Alexander? Babalik ka sa pag-aaral?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dada habang awang ang mga labi sa gulat na nilingon si Papa. "Narinig mo? Papasok na raw ulit sa lunes ang anak natin." "Teka, biglang bumara yung tutuli ko kaya 'di ko narinig. Ulitin mo nga, panget?" Asar ko syang pinandilatan. "H'wag ka ngang magpanggap, 'pa! Alam 'kong narinig mo 'ko. Nahihiya ka lang aminin na yung anak mong mas gwapo sa'yo eh mag-aaral na ulit." Pagmamalaki ko pa. Imbes na puriin ako at maging masaya ay isang kutos lang ang isinagot nya sa'kin. "Bakit mo naman naisipan bigla na mag-aral ulit? At talagang biglaan ah. Nag-enroll ka muna talaga bago mo sabihin sa'min?" "W-wala lang." Nagpapakyut akong ngumiti kay Dada. "Masama bang gustuhin 'kong mag-school ulit? Isa pa ay twenty four pa lang naman ako kaya walang masama if mag-aral ako ng kolehiyo." "Kaya mo bang mag-aral at magtrabaho ng sabay?" Taas kilay nyang tanong. "Baka mamaya manghingi ka pa ng baon sa'kin 'tas malalaman 'ko nagbababad ka na naman sa computer shop! Kukutusan talaga kita!" "Sus! Computer shop? Uso pa ba 'yon? H'wag kang mag-alala, bibili na ako ng laptop para doon na ako maglaro. Hmp." Masaya naman akong niyakap ni Dada at hinimas-himas pa ang buhok tulad ng lagi nyang ginagawa nung bata ako kapag good boy at behave lang ako. "Anong kurso ang kinuha mo?" "Edi BS in Culinary Arts! Magiging chef ako at ipagluluto kita dada ng masarap na foods para bumalik ulit yung chubbyness mo." Naglalambing 'kong sagot kaya mas lumawak ang ngiti ni Dada. "Naku, h'wag mo 'kong intindihin, Alexander. Magtapos ka man o hindi, walang problema sa'kin." Hinalikan nya ako sa pisngi kaya nang-i-inggit 'kong nginisihan ang papa Charles ko. Syempre bumalik yung masama nyang tingin sa'kin pero anong magagawa nya? Mas mahal ako ni Dada Lance hehehe. Half truth naman ang sinabi 'ko dahil gusto ko naman talagang magkalaman ulit si Dada kahit papaano, hindi ko lang talaga masabi sa kanila na si Vasselisa ang isa sa rason kung bakit gusto 'kong mag-aral dahil baka kaltukan ako nina Mamang at Rose. Hindi lang kasi talaga mawala sa isip ko yung sinabi ni Theo na kailangan 'kong magkaroon ng degree para lang kahit papaano ma-reach ng konti ang level ng bubwit na Jerome na yun. Anong tingin nya sa'kin, hindi ko kayang magka-diploma? Huh, hintayin lang nya baka palitan ko pa sya sa restau nya kapag naging chef na rin ako! Degree at disenteng trabaho? Huh, yung trabaho ko hindi ko pa pwedeng bitawan pero yung degree? Bigyan lang nila ako ng ilang linggo, gagalingan ko sa school para mamangha sa'kin si Vassy kahit hindi pa ako graduate at maisipan nyang mas better ako kaysa sa bubwit nyang fiancé!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD