CHAPTER 1

1763 Words
"Reishan Devon Santiago! Ano na namang hindi mo maintindihan ha?" I rolled my eyes while looking at my beautiful nails. Kakatapos ko lang maipamanicure iyon. Ang ganda-ganda ng bagong pula tinta ng aking kuko. Nakanail-extension pa kaya bet na bet. "Sinabi ng huwag mong takasan ang bodyguard mo!" rinig ko pang sabi ni Kuya Rev. I rolled my eyes again. Kailan kaya matatapos ang sermon na ito. Bakit kasi umuwi-uwi pa?! I sighed before make an eye contact with my brother. "Tinakasan ko? Hindi ko sila tinakasan! They are not doing their job properly!" Maktol ko pa mula sa aking kinauupuan. Every month ganito kami ni Kuya! Lagi na lang kami nag-aaway sa parehas na rason. Dahil sa pagiging overprotective niya! Bodyguard?! Why do I need them? Some of my classmates look weirdly at me dahil lagi akong may buntot! And hindi ba niya naiintindihan na mas lalo akong hindi komportable nang may stalk ng stalk sa akin! "Doing their job properly?! Ang daming nakakarating sa akin na may kinikita ka na lalaki!" "Bakit? Masama? I'm old enough!" "Kaka-18 mo lang ne" "Legal na ako para magka-boyfriend!" "Hoy tigil-tigilan mo ako Red. Masasampiga ko 'yang bunganga mo. Gusto mong maging boyfriend 'yang kinikita mo eh tago namang nakikipag-usap sa'yo and what did I tell you? Don't trust easily right?!" "Alam ko!" "Pero pinapahamak mo ang sarili mo!" "I can handle myself!" I'm so frustrated that I got teary eyed. Nasasawa na rin ako sa paulit-ulit niyang sermon! "I'll go get another bodyguard for you Red. Sumunod ka na lang okay?!" Hindi ko na siya sinagot. Mapupunta na naman sa wala ang usapan namin. Nilayasan ko siya para umakyat sa aking kwarto and when I entered my room, my tears started to flow. Naiintindihan ko si Kuya kung bakit niya ito ginagawa. Alam kong hindi lang iyon dahil sa pagboboyfriend. It was because of what happened two years ago. Ramdam na ramdam ko ang nginig sa aking sistema habang iniisip ang lahat. "Lucas don't do this!" I'm so afraid. Halos ang buo kong katawan ay nanginginig sa takot habang nakatali ang aking mga kamay at aking mga paa. Ang aking bibig ay may nakaipit na panyo. Halos mabasa na iyon sa laway at ang aking luha na walang tigil sa pag-agos. "I'm so inlove with you Red" his eyes are showing obssession which is frightening. Napapaso ang aking katawan sa kadirian sa bawat patak ng tingin niya sa aking kabuuan. I wanted to p**e! "Please don't!" I said that while struggling. I panicked when he climb up on the bed and crawl towards me. Umiling-iling ako. I tried to step backward kahit wala naman akong aatrasan. I tried to crumple myself in order to protect my body from him! "Matagal na akong may gusto sa'yo. You are the only one na nagpabaliw sa akin. Ikaw ang pinaganda sa aking mga mata. My beauty queen. I'm the only King you should have. Your body, your face is only mine! Mine! Mine! Sa akin ka lang! Naiintindihan mo?!" Every word na binabato niya ay nakakasuka at nakakapangtaas ng balahibo. When he touch me, I tried to protect my body. I tried to dodge everything but I'm too weak and unable to escape. All I can do was to cry harder when he touch my body. Nagmamakaawa ako habang lumalapat ang kaniyang labi sa iba't ibang parte ng aking katawan. Pinapatay ako habang lumalapat ang kaniyang kamay sa mga kaselanan ko na hindi ko maprotektahan. Wala akong kalaban-laban. Wala akong lakas para maitulak man lang siya. Niyakap ko ang aking katawan habang umiiyak. It was a traumatic experience na pilit kong nilalabanan two years ago. I almost got rape. Hindi ko masisisi si Kuya kung protective siya masiyado sa akin pero gusto kong magsimula ulit mabuhay. Ayokong ilunod ang sarili ko sa nakaraan because it'll ruin my life. Despite of that traumatic experience, I was able to go on with my life. It's not easy but I choose to be optimistic. Gusto ko itigil na ni Kuya ang pagpapadala sa akin ng bodyguard dahil hindi ako no'n patatakasin sa nakaraan ko. Naiisip ko lang na may nakasunod pa rin sa akin. Ayokong matakot na delikado na naman ang buhay ko. Nakakulong na naman ang lalaking iyon. Wala ng gagawa sa akin no'n. That's what I think. And I don't want to close the opportunity to meet and be close with someone. Alam ko namang hindi lahat ng lalaki gano'n. Ayoko namang tumandang dalaga ano! Ano pang use ng pagiging maganda ko kung hindi lalahian? Umiling ako. Kidding aside. All I want is to get back to normal. Nakatulog ako na umiiyak. Pagkagising ko ay umaga na. Namamaga ang mata ko kaya naghilamos muna ako. May mini ref ako sa kwarto at kumuha ng ice cube bago ko iyon tinapat sa aking mga mata. After that, naligo na rin kaagad ako dahil may pasok pa ako. After taking bath, I proceed to my skin care routine. Tumingin ako sa salamin habang nilalapat ang sunscreen sa aking pisngi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ganito ako kaganda. I have a sexy fox eye. My nose is pointed. I have a big pouty lips na akala ko dati ay insecurities ko pero uso pala ngayon. Ang dami kayang nagpaparetoke at nagpapa-pouty ng lips. Matangkad ako. It runs in the family. Hindi ako nabiyayaan ng puwitan at dibdib pero bawi naman sa korte. I have an hour glass shaped body. Kung anong niliit ng bewang ko ay siyang inilaki ng aking balakang. Siguro dahil na rin sa pag-g-gym ko. I remember being bullied because of my ugly face. Nita-take advantage pa nga ako. Because of my Kuya's ex girlfriend, Cheena Ojales, natuto ako magpaganda. She teach me how to take care of my body para lumitaw ang tunay kong kagandahan. And because of my face and height, lagi akong nasasali sa beauty contest na nagustuhan ko naman at isa rin sa naging hobby ko. Because of that, I'm popular at my campus. Maraming nakakapansin sa akin. Maraming humahanga at maraming admirer which lead to what happen 2 years ago. Natigil ako sa pagsali sa beauty contest because of that but I'm planning to join again. Ang lalaking nababalitaan ni Kuya ay isang talent manager. Hinihikayat niya akong mag-training under niya para sa beauty contest pero mas malakihan na venue na. Hindi na lang for campus. Pwede din daw ako ilaban sa Binibining Pilipinas. The talent manager I met is also convincing me to consider modeling or showbiz industry. But now, beauty pageant muna ang gusto ko. Itinatago ko pa iyon kay Kuya dahil alam kong pagbabawalan niya ako pero walang makakapag-atras sa akin na i-pursue iyon. Not even my past. I sighed before closing down all my thoughts and continue what I'm doing. Umabot ng mahigit dalawang oras ang pagprepare ko. Nagplantsa pa ako ng buhok at make up. Malalate na nga ako eh. Atleast maganda! Sinuot ko ang aking earpods at kinuha ang aking cute na branded bag bago ako lumabas ng kwarto. "Hindi pa ba tapos si Red ma?" Rinig kong tanong ni Kuya sa ibaba. I rolled my eyes. Minsan na nga lang magbakasyon, balak na naman akong inisin. In order to notice me, mabibigat ang aking naging pagbaba sa hagdan. I make sure that my heels will create a sound. "Ang tagal mo!" Bulyaw niya sa akin habang naghihintay sa ibaba ng hagdan. "It's not like you're not used of it. Danas mo din naman 'yan kay Ate Cheena dati" He stilled. I smirked. Gotcha! Hindi ko alam kung bakit naghiwalay ang dalawa. They seem to love each other. Kahit ang kuya ko, I can see that he still loves Ate Cheena. Nawalan na kasi ako ng communication with Ate Cheena but I'm updated since umaarangkada siya sa career. Lahat ng kaniyang shows, teleserye, movies ay updated ako. She's doing good naman ngayon. Ang lakas ng chemistry ng loveteam nila pero RevChee pa din ako. I hope my Kuya and Ate Cheena will have a comeback. "Just move faster. May ipapakilala ako sa'yo" tumikhim siya matapos makarecover sa sinabi ko. Bumuntong hininga naman ako nang marinig ang kaniyang sinabi. He's gonna introduce me to another bodyguard again? Bakit ang daming supply?! "Kuya, I told you that I don't need another bodyguard that will bother me everyday!" Maktol ko. "It's for your safety" madiin niyang pagkakasambit. He is stubborn. Kaya siguro siya iniwan ni Ate Cheena. Buti nga sa kaniya hmp! Wala akong magagawa. Tatakas na lang ulit ako kung kinakailangan! "I'll be back at France soon so please Red, sumunod ka na lang sa Kuya mo okay?" Tumango ako kahit alam kong hindi ko siya susundin. Ayaw ko lang makaaway siya. I open my phone and connect my earpods to my phone. Nagpatugtog na lang ako para walang stress. Nagpaalam lang ako kay mom and dad bago kami pumunta sa garahe ni Kuya Rev. At literal akong napatigil nang makita ko ang isang lalaking nakatayo. He is taller than me. Sing straight ng ruler ang kaniyang tindig. Macho ang lalaki at kitang-kita iyon sa suot nitong fitted black shirt. Even the abs, hindi nakapagtago. His hair is long na halos matakpan na ang kaliwang mukha. He has an intimidating aura. His emotionless eyes gave me goosebumps. But the thing that really caught my attention is his small raven tattoo under his ears. Nahigit ko ang hininga before I slowly pointing the guy in front of me. "Is he...my bodyguard?" Tanong ko kay Kuya Rev. "Yes. He will be your bodyguard from now on" I swallowed hard when this guy made an eye contact with me. Nagulat pa ako ng slight sa tindi ng titig niya. Grabeng lamig naman ng tingin! "My apologies for not introducing myself sooner Ms. Santiago" Napakapit ako sa bag nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Omy.... I'm so shock to see him here. He's familiar. His look, the tattoo and his voice. Hindi ako pwedeng magkamali. Humakbang siya palapit. Kumabog ang dibdib ko lalo na ng yumuko siya sa aking harapan. "I'm Faven Madrigal, your bodyguard from now on. I'll promise to do my job efficiently. Rest assured that your safety will be my first priority." My lips went up as excitement filled my body. Shit! This is interesting. "I know you will" I said like I'm giving my all trust with him. Why not? Hinding hindi ko siya makakalimutan. Hindi ko akalaing magkikita pa kami. I'm please to meet and be protected by my savior that night.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD