"Liza! Tawag sa akin ng aking amo. Kaya nagmamadali akong nagtungo sa baba.
"Ano po,yun madam," magalang na sabi ko sa ginang.
"Maiwan ka, muna dito, ha? Dahil aalis ako," wika ng ginang sa akin.
Tumango ako sa amo ko palagi naman nila ako iniiwan dito.
"Si mama wag mong pabayaan," bilin nito sa akin.
"Sige po," sagot ko dito.
Napa mahal na ako sa matandang inaalagaan ko.Sya lang kasama ko dito sa bahay palagi kasi wala ang mag-asawa out off town daw sila.
May anak naman sila pero nasa ibang bansa pa ito.
Pagkatapos ko sinarado ang pinto nagtungo ako sa kwarto ng matanda.
"Hay, Lola," bati ko dito.
May dala po,akong prutas," masaya kong wika dito.
"Naku! Ikaw talaga, busog pa ako,at hindi mo na kailangan gawin yan," magpahinga ka, alam ko pagod ka na?" wika nito sa akin.
"Lola, hindi po,ako mapapagod pagdating sa' yo? At isa pa binabayaran po ako," ngiting wika ko sa matanda.
"Alam,mo? Bagay kayo ng apo ko, maganda ka at gwapo sya,malay mo? Kayo ang itinadhana sa isa't-isa," untag nito.
"Naku? Lola, sino ba naman ako, at isa pa isang hamak na taga silbi lang sa pamilya nyo?" sabi ko dito.
"Walang mahirap at mayaman kung pusong nagmamahalan," kami nga dati ng asawa ko, halos isumpa nya ako," pero sa akin rin ang bagsak nito," sabay tawa nito.
Nakikinig lang ako sa matanda may mga ganitong kwento pala sila.
Sa edad kong 25 hindi pa ako nakaranas ng pagmamahal maliban sa dalawa kong magulang.
Parehong magsasaka ang aking magulang. Pero pareho rin sila nagkasakit at sa kasamaang palad sabay silang nawala sa akin.
Nang matapos kumain ang matanda kinumutan ko ito para makatulog na.
Limang taon na ako nagtatrabaho sa pamilyang Smith kaya ganun na lang ang pagmamahal ng matanda sa akin.
Dahan-dahan ko sinarado ang pinto maglalaba pa ako ngayon.Dahil umalis rin ang tatlo kong kasamahan day-off umano nila ngayon araw.
"Hay, sana dumating na ang lalaki para sa akin. Yung kaya akong mahalin tulad ni madam Helga at ang kanyang asawa," mahina kong turan.
Sana buhay si tatay at nanay para naman may kasama ako sa buhay.
Nasa ganun akong pag-iisip ng makita ko ang isang lalaki papasok sa bahay na ito. Ubod ito ng gwapo at may katangkaran rin ang lalaki.
Natulala ako dahil sa kakisigan nito. Ngayon lang ata ako nakakita ng ganitong ka gwapong nilalang.
Jusko ano nangyari sa akin, pukaw ko sa aking sarili.
"Miss, excuse me?" wika ng lalaki sa akin.
"Ah, ano po? Yun," magalang na sagot ko sa lalaki.
"Nandyan ba, si tita? Helga," saad nito.
"Ah, sir umalis po, may pinuntahan lang," balik na sagot ko rito.
"Ganun,ba? Eh si Lola, nandyan ba?" muli nitong tanong sa akin.
"Opo, sir nasa kwarto po, nagpapahinga," untag ko sa lalaki mala artista ang dating nito.
God kung hindi lang ako nahiya sa lalaki sisigaw na ako dito sa harap nito.
"Sige! Miss, pupuntahan ko muna si Lola," ngiting wika nito sa akin.
Kung ganun pamangkin pala sya ni madam Helga, ang gwapo naman ni papa pogie sabay pikit ko ng aking mata.
Maya-maya lumabas na ang lalaki mula sa kwarto na matanda.
"Miss, tawag nito sa akin."
"Yes! Po, may kailangan ka? po, ba? sa akin," naka yukong sagot ko sa lalaki.
Ang swerte talaga ng magiging asawa nito. Halatang marami nagkandarapa sa lalaking ito dahil aa taglay nitong gwapo.
"Pwede ba? Ipagtimpla mo? Ako ng juice," magalang na utos nito sa akin.
"Sige? Po, saglit lang papunta na po ako sa kusina!" wika ko sa lalaki.
Pero may kamukha ito hindi ko lang ma tandaan kung sino.
Maya- maya dala ko na ang juice ng lalaki.
Ang lakas ng t***k ng aking puso.
Hay ano nangyari sa akin para akong nakakita ng multo.
"Miss, ayos ka lang," halatang nagtaka ang lalaki sa akin.
"Opo, sir," naka ngiwi kong turan.
"Ganun ba? Baka may masakit sa' yo?" muli nitong wika sa akin.
"Sige, po? Sir aalis muna ako," paalam ko sa lalaki. Dahil hindi ko kayang titigan ang lalaking ito.
"Miss, pwede ba? Dito ka muna, tutal wala pa naman si Tita.
Nga pala ako si Joshua!" pagpapakilala ng lalaki sa akin.
"Ako pala si Liza!" balik na saad ko sa lalaki.
"Ang ganda naman ng pangalan mo? Kasing ganda mo? Alam mo, kung single pa ako ikaw na lang liligawan ko?" wika nito sabay ngiti sa akin.
"Jusko may balak pa ata ito manligaw sa akin," sa isip ko.
Hindi ko alam kung paano ako mag-umpisa magsalita sa lalaking ito.
"Oh, bakit bigla ka ata natahimik, dyan?" pukaw ng lalaki sa akin.
"Wala po,may naalala lang po, ako? Kaya bigla ako na tahimik!" untag ko sa lalaki.
Maya-maya bumalik na ang ibang katulong natulala sila sa kanilang nakita.
"Liza! Tawag ng kasama ko sa akin. Agad naman ako nagpaalam kay sir Joshua.
"Hoy! Sino sya? Boylet mo?" wika ni Aira sa akin.
"Hindi ah? Pamangkin raw ni ma'am Helga!" sagot ko sa babae.
"Wow! Ang gwapo naman ni sir! Kung ako sa' yo! Akitin mo, hanggang sa mapa sa' yo?" untag ni Laila.
"Sira! Ako sino? papatol sa akin eh isa lang ako hamak na taga silbi at isa pa wala akong pinag-aralan sino magkaka gusto sa akin," mahabang litanya ko sa mga ito.
"Bagay naman kayo! Maganda ka? At gwapo naman si sir, yung nga lang, mahirap ka at mayaman si sir?" sabay taas ng kanyang kilay.
Napa isip ako totoo naman ang kasama ko mahirap ako at mayaman si sir Joshua.
Lumipas dalawang araw hindi ko na nakita si sir Joshua, pero ang ipinag taka ko lang bakit malungkot ako ngayon.
Hindi kaya nagkakagusto na ako sa kanya.
Gosh Liza, umayos ka kahit kailan hindi ka mamahalin ni Joshua kaya wag kang assuming dyan," saway ko sa aking isipan.
"Uy! Bakit tila ang tahimik mo? Ngayon may problema ka ba?" tanong ni Aira sa akin.
"Wala naalala ko lang ang magulang ko?" pagsisinungaling ko sa babae.
"Wee? Magulang mo? ba talaga Yan! Kilala kita, Liza! Kahit hindi mo yan sabihin sa akin!" wika nito sa akin.
"Grabe naman, ano tingin mo sa akin,sinungaling?" nakasimangot kong wika sa kaibigan ko.
"Hindi naman, ano yan tungkol ba yan sa pag-ibig!" naka ngiti sabi nito sa akin.
Ang talas talaga ng pang-amoy nito kahit hindi ko sasabihin sa bruhang ito.
"Ha? Pag-ibig agad eh wala nga ako nobyo!" protesta ko sa babae.
"Alam mo? Hindi naman masama umibig, matanda ka na at alam mo na tama at mali!" saad nito sa akin.
Ito ang gusto ko kay Aira supportive sa akin.
Maganda rin ang babae na akala mo may lahing Koreana.
"Hay nagsalita ang magaling kong kaibigan sabay tawa ko.
"Basta nandito lang ako,para sa' yo? Kung may nanakit sa' yo, sabihan mo agad ako para naman maipagtanggol kita!" sabay hawak nito sa pisngi ko.
"Opo, ate!" sabay tawa ko.
Masarap siguro magkaroon ng kapatid na babae, na magkasundo kayo.
Pero sabi ni tatay sa akin may kapatid raw akong lalaki pero kinuha raw ito ni Lolo. Dahil ayaw daw ni tatay sumama sa kanyang magulang kaya kinuha nila si kuya. Hay gusto ko na makasama ang kuya ko.