Nate POV "Masaya ka na ngayon Nate na wala na ang asawa mo?" seryosong sabi ni Mommy sa akin. "Yes? Mommy, masaya ako dahil wala nang peste sa buhay ko," sagot ko dito. Dalawang magkasunod na sampal ang ginawa nya sa akin. "Ito, lang tandaan mo, Nate. Oras na niloko ka, ng babae mo? Wag na wag kang lalapit sa akin!" untag nila sa akin. "Okay, kahit kailan hindi ako hihigi ng kahit ano sa inyo, kaya ko ang sarili ko. At yung sinasabi nyo, hindi mangyayari iyon dahil mahal ako ng nobya ko," saad ko dito. "Wag, kang kampante Nate, dahil bilog ang mundo pwede pang magbago ang nobya mo. Malay mo, lumandi na pala ito habang wala ka!" sabi nito sa akin. "Isang matinong babae si Sofia at hindi nya magagawa iyon sa akin. Kung wala na kayo sasabihin sa akin pwede na kayo umalis sa harap ko?"