"Four, bubuhatin na tayo ng lamok dito." reklamo ni Sofie habang parehas na silang naka-upo sa gater sa gilid ng kalsada. Naka hawak sa kamay n'ya si Four habang nakahilig ang ulo nito sa balikat n'ya. "Gusto ko ng umuwi." "Lakad na umuwi ka na." "Sa'yo." sagot ni Four na hindi na babago ang puwesto. Napakagat labi si Sofie ayaw sana n'yang kiligin pero 'di talaga n'ya mapigilan. Mababaw lang talaga siguro s'ya pag dating kay Four parang ang simple lang lahat. "Anong bang gagawin ko para makauwi na ulit ako sa'yo." umayos ng upo si Four pero sa semento ito tumingin. "Ayokong manligaw. Nakakahiya yun!" natawa ng bahagya si Sofie sabagay kelan nga ba ng ligaw ng babae si Four. "Hindi ba puwedeng tayo na lang ulit?" "Bakit naging tayo ba?" kunwari ay tanong ni Sofie. "Bakit hindi ba?