'Di nabura ang ngiti sa labi ni Sofie habang pumipirma ng mga books ng fans n'ya na di n'ya akalain na pipilahan talaga s bookstore ang romance novel n'ya at papipirmahan sa kanya. Nakakataba ng puso ang saya na makita na ang dami na pala n'yang taga hanga. "Thank you." wika n'ya sa isang fans na tuwang tuwa pang humingi ng kiss sa kanya na pinag bigyan naman n'ya basta beso beso. "Hi__!" nabura ang ngiti ni Sofie ng makita si Four na nasa pila at may dalang libro n'ya. Kagabi bago pa n'ya ito naipagtabuyan hirap na hirap s'ya kaya napuyat na s'ya dahil ang animal na si Four hindi talaga umalis sa labas ng bahay n'ya. "Hi Dukesa." bati pa ni Four. 'Four." bulalas n'ya rito para sawayin ito. Lalo na ng nakita n'ya ang pag singhap ng ilang readers n'ya na nasa likuran ni Four na mukhan