Kabanata 2

1069 Words
Nang gabing iyon ay walang buhay na bumalik si Elena sa bahay nila. Madilim ang buong silid ngunit hindi ang ilaw sa labas. Napasandal siya sa likod ng pinto at nanghihinang napadausdos pababa. She frustratedly runs her hands through her hair as tears started to fall down again. Bakit nahantong sa ganito ang marriage nila ni Raphael? Ang dali-dali lang nitong bitawan siya na tila wala lang ang pinagsamahan nilang dalawa. Hindi niya kaya. Napalibot ang mata niya sa loob ng bahay. Tila isa-isang bumalik ang mga alaala nilang dalawa sa bawat sulok nito. The way they cooked together in the kitchen, the way they cuddled on the sofa, watched movies until midnight, and ended up laughing and kissing. Ang hirap kalimutan si Raphael lalo na at sobrang minahal niya ito. Kaya pala. Kaya pala nanlalamig na ito kasi may iba na. She thought it was because the man was tired on his work pero iba pala ang tinatrabaho. Siya ba ang nagkulang? Siya ba ang may kasalanan? Ang sakit makita ang asawa mo na masaya na sa iba at hindi na ikaw ang dahilan ng pag-ngiti nito. She never knew that she could feel so much pain, and yet so in love with the person causing it. Ang hirap. Ang sakit. Para s’yang pinapatay sa bawat paghinga niya. Napahagulhol siya habang iniisip ang dalawang magkasama. Hindi man lang naawa sa kanya si Raphael at gustong-gusto na nitong makalaya sa kanya. “Hindi k-ko kaya, Raphael,” she murmured between her sobs. He was her first, first in everything… first heartbreak. Napatubtob siya sa dibdib kasabay ng maiinit na pag-agos ng luha niya. Mariin s’yang napapikit at huminga ng malalim, baka sakaling sa pagmulat niya ulit ay panaginip lang ang lahat ng ito, oo panaginip lang. ------ Hirap na hirap na iminulat ni Elena ang mga mata dahil sa bigat nito. She squinted her eyes nang mapagtanto na umaga na at nakatulog siya sa dati n’yang pwesto. Hindi umuwi si Raphael. Kinuha niya ang phone at tiningnan kung may call or message ba ang asawa ngunit gano’n na lang ang dismaya niya nang makita na wala man lang ni isang text or missed call ito. It’s not a dream, it was all real. She smiled bitterly. Baka nga kay Chantal na ito umuwi. Hinahadlangan niya ang pag-iibigan ng dalawa. Pero bakit? Siya ang legal, eh. Ano pa ang use nito kung ang dahilan nito ay ayaw na sa kanya? Tumayo siya at lumakad papuntang kusina para uminom ng tubig. Pagkatapos ay tumaas siya ng kwarto at pumasok ng banyo. Nakita niya ang sarili. Gulo-gulo ang buhok, mugto ang mga mata, may mga traces pa ng mga natuyong luha. Kitang-kita kung gaano siya nasasaktan at nalulungkot ngayon. Hanggang ngayon ay iniisip niya kung bakit at ang dali? How could Raphael give up so easily? How could he not find a reason to stay? May magagawa pa ba siya kung ayaw na nito? Ipaglalaban niya pa ba kung siya na lang ang kumakapit sa marriage nila? Ang daming bakit. Bakit hindi man lang ito sumubok na isalba ang relasyon nila? Bakit hinayaan nitong mahulog sa iba? Kung magmamakaawa ba siya ulit ay hindi nito itutuloy ang pag-annul ng marriage nila? Huwag na s’yang umasa. Raphael was serious to his decision. He will push her to sign the papers. Kahit doon man lang alam n’yang may panghahawakan pa siya kahit hindi na siya ang nilalaman ng puso nito. Biglang bumukas ang pinto ng kanilang kwarto kaya napatakbo siya sa silid at nakitang si Raphael ang pumasok. May sayang namutawi sa kanyang labi. “Raphael, bumalik ka,” may ngiti n’yang turan. Hindi na ba siya nito hihiwalayan? Nagbago na ba ang isip nito? Ngunit mabilis ding nawala ang ngiting ‘yon nang makita n’yang kinuha ni Raphael ang isang maleta at mga ang damit nito. She panicked and stopped him. “Ano’ng ginagawa mo?!” Binabalik niya ang mga damit sa dating kinalalagyan nito ngunit kinukuha pa rin ng asawa ito. “Raphael!” sigaw niya. Elena was breathing heavily. Nagbabadya na naman ang luha na gustong lumandas sa kanyang mukha. Napapikit si Raphael bago niya hinarap si Elena. “Elena, hindi ako bumalik para sa’yo. Bumalik ako para kunin lahat ng gamit ko.” “Wala na ba talaga tayong pag-asa, Raphael? Wala lang ba sa’yo ang taon na magkasama tayo?” She still remember their wedding day. Umiyak ito noon habang kinakasal sila sa harap ng Diyos at tao. Ang mukha nito na puno ng pagmamahal at saya ngayon ay wala na. “Elena, hindi ko makakalimutan ang pinagsamahan natin. You are important to me pero may mga bagay na hindi natin mapipigilan. Mahal kita, Elena, pero mas mahal ko si Chantal,” nakakunot-noong saad ni Raphael. Hindi niya naman kasalanan na mahulog siya sa iba. Chantal makes the best out of him. Iba ‘yong saya kapag kasama niya ang dalaga. Nagsimulang tumulo ang luha ni Elena sa sinabi ng asawa. “Ang sakit... sobrang sakit ng ginawa niyo, Raphael. Nahulog ako sa’yo ng husto at minahal ng sobra. I believed in your vows. I believed in you and that’s what keeps me holding on because it hurts like hell to let you go!” Hinawakan ni Raphael ang balikat ni Elena. “I can’t leave her, Elena. I’m sorry. Makinig ka, siguro hindi ako ang taong karapat-dapat sa’yo. May mas magmamahal pa sa’yo ngunit hindi ako ‘yon na kayang tumbasan ang pagmamahal mo. Hanggang dito na lang tayo, Elena. Ayoko na kaya please, pirmahan mo na ang annulment papers. Let go of me.” Pagkatapos niyon ay kinuha na niya ang kagamitan at lumabas ng kwarto. Humahagulhol na napaupo si Elena sa kama nila. Hanggang dito na lang. Magwawakas na ba ang pag-ibig nila? Kailangan niya na bang isara ang libro ng buhay nila bilang mag-asawa na hindi nila natapos dahil wala na sila? Napatingin siya sa itaas at napapikit. Kakailanganin niya ng lakas ngayon. Kakailanganin niya. Napatingin siya sa wedding photo nilang dalawa at kinuha niya iyon. Tinitigan niya ang litrato ni Raphael habang nakangiting nakatingin sa kanya. Gamit ang kamay ay hinaplos niya ito. “We could have made it work. If you were truly in love with me, you would have fought for me. But you didn’t and that means I loved you more than you loved me.” And that’s the saddest part.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD