Four years later.
“Mama, hindi magiging lonely si Casper dahil iniwan natin siya?” tanong ng pitong taong gulang na si Keiran. Narito sila ngayon sa Istanbul Airport para bumalik sa Pilipinas. Elena put up a boutique for gowns and cocktail dresses. She named it Eleina’s since marami ang nagawa ng kanyang ina para sa kanya. She wanted to honor her mother for everything. Her dad was still breathing and kicking alive. He restored his health and was taking care of her son na maiiwan niya dito.
“Don’t worry. They will come after us, Your grandpa have to arrange some matters,” sagot niya at hinalikan sa tuktok ng ulo si Keiran. Tinuruan niya itong mag-tagalog dahil nga plano n’yang mag-stay sa Pinas at isama ang mga ito. Hindi man siya ang tunay na ina ni Keiran ay nagpapasalamat siya sa batang ito. He became the source of her joy when she delivered Casper. Na-depress siya noon at buti na lang ay nariyan ang magulang niya.
“Are we staying there for good? Hindi na ba tayo dito babalik?” inosenteng tanong nito.
“Yes. Pero babalik din naman tayo dito kapag free na ang lahat. We can go back here during vacation.”
“Okay, Mama. Gusto ko din pumunta sa Philippines.”
Elena smiled genuinely. Sa mga nagdaang taon marami ang nagbago sa buhay niya. She can finally say na naka-move on na siya sa past and she was now looking forward to the present and future. Pinutol niya ang lahat na koneksyon na mag-papaalala sa mga taong naging bahagi ng kanyang buhay noon. She wanted to start anew so she had to start it with herself. She studied fashion design and she finally has her own brand. Some celebrities already took a liking towards her creations at ang iba ay personalize na pinapagawa sa kanya.
Ilang sandali ay nag-announce na ang airport kaya tumayo na silang dalawa papasok sa eroplano. They were about to enter when suddenly a man accidentally brushed his arms into hers.
Elena looked up and widened her eyes. The man also revealed a shock expression but smiled later.
“Elena.”
“Prim?”
The man grinned ear to ear. ‘What a luck.’
-----
Manila, Philippines.
“Tss.” Kanina pa badtrip si Liana simula nang dumating ang kabit ng Kuya niya na si Chantal. She drank her wine and wove her gaze away. Akala talaga ng babaeng ‘ton ay isa na itong Navarro. Heh! Bakit hindi pa ito pinapakasalan ng kuya niya?
“Hey,” tapik sa kanya ni Phoebe na inanyayahan niya. “So, that’s her,” tukot nito kay Chantal. Maganda naman ang babae. Ito iyong mga tipo na makikita sa mga high end bars.
“Unfortunately. Bilib din ako sa kakayahan niya at tumagal sila ng Kuya,” asik ni Liana. Damn it! Bakit kasi hindi niya mahanap si Elena? Nakakainis! Ang dami n’yang katanungan.
“Where is your Kuya, by the way?” baling niya kay Phoebe. Alam niya ay dadalo din ito dito sa party.
“Well, hindi ko alam kung makakabot siya,” sagot ng dalaga.
“Saan ba siya pumunta?”
“Sa Turkey.”
-----
“Going strong kayo ni Chantal, Raphael, ah?” komento ng kaibigan ni Raphael na si Herald.
“Yeah,” sagot ni Raphael habang ang mga mata ay nakatutok sa kasintahan.
“Bakit hindi mo pa siya niyaya na pakasalan? Hindi mo ba lam ang usap-usapan? Kabit siya sa relasyon ninyo.” Tiningnan ni Herald ang ekspresyon ng kaibigan. Nakita n’yang humigpit ang hawak nito sa baso. Mukha ngang in love ito kay Chantal. Sayang si Elena. Speaking of that woman, bigla na lang itong nawala.
“I’m not ready yet,” sagot nito. It’s been four years since he and Elena separated. Hindi na nagparamdam ang babaeng ‘yon gaya ng inaasahan niya. He even waited at his office thinking that woman was going to him again but to his dismay, she did not. Why did he expect it though?
“Nagwo-worry na ‘yan si Chantal.” Tumawa si Herald. “She’s been talking a lot that you are going to propose to her sooner.”
Hindi nagsalita si Raphael at nakita n’yang papalapit si Chantal sa kinaroroonan nila. The woman linked her arms into his and she leaned on his shoulders.
“Tired?” tanong niya.
“Hmm,” she nodded. Raphael guide her towards their table at pinaupo ito. “Magpahinga ka muna. Ako na ang bahala dito.”
Chantal smiled charmingly and kissed Raphael’s cheeks. “Thank you, babe.” The man nodded at bumalik kay Herald.
Napailing na lang ang kaibigan. Elena, obviously, is so much better than Chantal. Iba talaga ang tukso ng mga babae.
-----
Ilang oras lang ay umupo si Liana at Phoebe kung saan nakaupo si Chantal. The latter didn’t mind them at kinausap ang katabi nito. Mga kasosyo ng kuya niya ang nasa table pero dito sila naka-assign ng seat dahil ayaw ng kuya niya na nawawala siya sa paningin nito. Umuuwi pa din minsan ang kuya niya sa bahay kaso nga lang ay umaalis din ito ng madali.
“Mahal na mahal ka ni Raphael, Chantal. Ang swerte mo.”
Chantal giggled. “Yeah. Swerte rin ako sa kanya. He’s the most ideal husband that I could wish for.”
“Pero tingnan mo naman ngayon, kayo ng dalawa. Hindi ba’t kaibigan mo ang asawa ni Raphael?”
Huminga ng malalim si Chantal. “Ex-wife. Yeah, she’s my best friend, pero hindi naman namin kasalanan, eh, we just fall in love.”
Hindi mapigilang sumbatan ni Liana ang babae. “Ano’ng hindi? Inahas mo siya kay Elena, ‘di ba? Tinira mo siya patalikod. Malandi ka kasi Chantal. Alam ng karamihan dito na kabit ka sa relasyon nila. Ang kapal ng mukha mo para sabihing hindi niyo kasalanan. Excuse me, Elena is your best friend pero pinatos mo ang asawa niya? Ano’ng klaseng best friend ka? Kahit ano’ng gawin mo nakatarak na sa pagkatao mo ang pagiging kabit!” singhal nito na punong-puno ng pagkadisgusto at galit. Hinawakan ni Phoebe ang kamay ng kaibigan at pinakalma ito dahil nakatingina na ang mga bisita sa kanila.
Chantal gritted her teeth and clenched her fist under the table. Nilibot niya ang mata t nakitang pinagbubulungan siya ng mga ito. She hate the fact that people called her a mistress, eh, si Raphael naman ang nahulog sa kanya? Kasalanan niya kung mas minahal siya nito kaysa kay Elena?
“I know you hated me, Liana, but loving someone is not wrong. Alam kong hindi ko mapapantayan si Elena sa puso niyo pero ginagawa ko naman ang lahat para matanggap niyo. It’s a fact that Elena and Raphael were not tied in marriage anymore. Hindi ko akalain ipapahiya mo ako sa maraming tao. I’m sure your brother will not like this.” Tumayo si Chantal at nag-excuse sa mga ito. Doon din dumating si Raphael at tiningnan ng blanko si Liana. The woman did not back down and stared at him.
“You should’ve not do that, Liana,” malamig na turan nito.
Liana crossed her arms and raised her left brow. “Oh? Kaya mo bang sabihin sa kanila ang ginawa niyo ni Chantal kay Elena? I wonder kung bakit hindi mo pa siya inaanyayahan ng kasal? Dahil ba binabagabag ka ng konsensya mo? Siguro nga mabuti na hiniwalayan mo si Elena dahil hindi niya deserve ang katulad mo. She deserves better at kapag nakita mo s’yang masaya na at nasa piling ng iba, ‘wag mong pagsisihan ito. Tara na Phoebe, ang pangit ka-bonding ng mga tao dito.”
Rapahel’s eyes darkened. Elena? Being happy with someone else? As if. He knows her ex-wife, she will never fall in love again. But what if?
Why the hell did his heart feels stuffy?