Tinawanan lang ni Prim si Phoebe at mabilis na pinaandar ang kotse. “Kuya!” sigaw ng dalaga at mahigpit na kumapit sa seat belt. ‘Damn. Old habits die hard,’ ani ni Phoebe sa isip. Nawala tuloy sa isip niya nag tanong kanina dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito. Buti na lang at lumihis sa ibang direksyon ang kuya niya at nasa kalsada sila na puro puno lang at walang bahay. He changed route to shortcut. ----- Sa bahay ng mga Navarro. Napapansin ni Rose na parang tulala palagi ang asawang si Brent magmula kahapon. Nagtataka tuloy siya kung may malaking problema ba sa work nito. Hawak-hawak ang tasa ng kape, binaba niya ito sa mesa at pumunta sa likuran ng asawa at hinawakan ito sa balikat. “What’s the matter, hon?” she asked. Hinawakan ni Brent ang kamay ng asawa na nakapatong sa bali