Prim pursed his lips and just watched Raphael as he started his car and drove off. Napapatanong niya sa sarili kung may balak ba itong balikan si Elena at bakit nakasakay ang dalaga sa kotse nito? Alam na ba ni Raphael ang pagbubuntis noon ni Elena? But it seems he has no idea. ‘Raphael, what are you planning?’ ----- Elena heaved a sigh nang makita na umalis na ang dalawang sasakyan sa tapat ng bahay niya. Buti na lang at hindi lumabas ng kwarto ang ama niya at nakita si Raphael. She was peeking on the window in her room. Hindi niya alam ang pinag-usapan ng dalawa pero sa nakikita niya kanina ay seryosong usapan iyon. Umupo siya sa kama at inalala ang mga nangyari ngayong araw. Mula sa pagkikita nila ni Phoebe at Liana, sa pagsama sa kanya ni Raphael sa bahay ng magulang nito at pagk