Pagdating sa bahay ng mga Saavedra, hindi na s'ya nagulat pa ng makita kung gaano kalawak at kalaki ang bahay ng mga ito. Isama pa ang kakaibang design ng buong bahay. Kung sa bagay lahat naman ng mga bahay at building ng mga Saavedra ay maganda ang pagkaka desenyo. "Nice," bulalas n'ya habang pasimpleng sinusuri ang kabahayan. Papasok palang sila sa pintuan ng malaking bahay. "Do you like the house?" Tanong ni Gab, na sa kauna-unahang pagkakataon ay muli itong nagsalita. Buhat kasi kaninang palabas nila ng hotel room ay hindi na kumibo pa si Gab. Nakakabingi ang buong biyahe nila patungo dito. "Yeah, magaling ang architect," tanging sagot n'ya at liningon si Gab. Napansin n'yang ngumiti ito. Bagay na kinatuwa n'ya dahil kanina pa ito galit sa kanya, at buti naman ngayon nakakangiti na