bc

HER STORY

book_age16+
289
FOLLOW
1.4K
READ
time-travel
others
drama
comedy
bxg
mystery
sassy
like
intro-logo
Blurb

HER STORY

|Andoy|Elise

Status:Ongoing

Genre:Romance/Historical

Rate:12+

Paano kung is Elise Montereal sa taong 2021 ay nagbalik na nakaraan at naging si Elisa sa year 1898. The rebel daughter of the present time na napunta sa Spanish era sa katawan ni Elisa Montereal, the well mannered, soft-spoken, and smart daughter of the Montereal family. Isa sa mga pinakamayamang pamilya sa Ildefonso.

Subaybayan natin si Elise, ang ating kalog na modern Maria Clara sa sinaunang panahon. Isang misyon, isang pag-ibig. Paano niya malulusotan ang nakatadhanang mangyari? Makabalik pa kaya ang ating bida sa kasalukuyan?

chap-preview
Free preview
HS1
"Elise! Sinisira mo ba ang buhay mo? Hanggang kailan ka magrerebelde?" singhal ni daddy. Bahagya pa niyang hinihilot ang kanyang sintido. Alam kong nagtitimpi siya ng kanyang pasenya. "Hanggang sa umalis 'yang kabit mo!" sagot ko sa tanong niya. Pero hindi ko iyon isinatinig at tinikom na lamang ang aking bibig. Ayaw kong patulan si daddy ngayon, wala akong lakas makipagsagutan sa kanya. Isang taon pa lamang nang namatay si mommy at nagpakasal ulit ang kanyang ama sa sekretarya nito. Labing-limang taong gulang pa lamang ako noon ngunit ramdam ko na sa'king sarili ang galit dahil sa naging desisyon niya. Simula pagkabata ay daddy's girl ako, nag-iba lahat nang nag-asawa ulit siya. Hindi ko matanggap na ganoon na lamang 'yon. Kakalimutan na niya si mommy dahil nakahanap na siya ng iba. Mas lalong hindi ko natanggap noong nalaman ko na unang kasintahan pala ng ama ko ang babaeng pinakasalan niya. First love kumbaga. First love my ass.Sambit ko sa'king isip. "Elise? Are you listening to me? Ano na naman itong grades mo? Puros siyete ang nakikita ko. Hanggang kailan ka ba mag-kakagan'yan? kung nandirito lamang ang mommy mo'y hindi siya matutuwa sa ginagawa mo," naiinis niyang sambit sa'kin. Lahat ng pagpipigil ko sa sarili ay nawala at bumuhos ang matagal ko nang tinatago na emosyon. "Really Dad? You're bringing my mom up to this issue?" tanong ko na may halong pang-iinsulto. "Bakit ka ba nagkakaganyan Elise? hanggang ngayon ba'y hindi mo matanggap si Anisa?" tanong nito sa'kin. "Are you cheating with her? Kahit na noong buhay pa si mommy? Tell me, Dad, You've cheated on mom right?" Marahas kong binagsak ang susi na kanina ay hawak-hawak ko habang tinititigan ang magiging reaksyon ni Daddy sa tanong ko. Dahan-dahan namang lumapit si daddy sa'kin para sana'y magsalita ngunit pinigilan ko siya. "Just stay where you are! And answer my goddamn question dad! Bakit hindi ka makasagot? Am I right?" pasigaw kong tanong sa kan'ya. Hindi ko na naitago ang pait at galit sa boses ko. "Elise! Watch your mouth. Ama mo pa rin ako," aniya. "No Dad, Answer me first. Matagal ko nang kinalimutan ang pagiging ama mo sa'kin. Magmula nang ipinagpalit mo si mommy sa kabit mo," malamig na tugon ko. Isang sampal ang dumapo sa aking kanang pisngi. Ni hindi ako makagalaw dahil sa pagkagulat. "I'm sorry anak, hindi ko sinasadya nabigla lang si daddy." Natatarantang pag-amo nito sa sa'kin. Nakakatawang isipin na nakakaya na niya akong saktan dahil lang sa babae niya. Hangal na maituturing ang aking ama. Parang hindi ko na kailangang marinig ang kasagutan sa tanong ko kanina. Sa ginawa niya sa'kin ngayon mukhang alam ko na ang sagot. "No need to answer my question Mr.Montereal. Mukhang alam ko na ang sagot," nakangising sambit ko habang pinupunasan ang dugo sa'king labi. "Nagkakamali ka anak, hindi ako nagtaksil kay Denise. Mahal na mahal ko ang mommy mo at hindi ko magagawang magloko." Akmang yayakapin niya ako ng bigla kong tinabig ang kanyang mga kamay. Kinuha ko ang susi na nakapatong sa'king bedside table at umalis sa kwarto. Ayaw kong marinig ang mga kasinungalingang lumalabas sa bibig niya. Patunay ng pagtataksil niya ang pagpapakasal muli sa iba. At hindi pa siya nakuntento at talagang dito sa pamamahay pa namin niya ibinahay ang kabit niya. Ang bahay kung saan puno ng mga alaala ni mommy. "Elise! Bumalik ka rito," sigaw ni daddy. "Ano pa bang kailangan mo sa akin ad?" walang emosyong tanong ko sa kanya. "Bakit hindi mo maintindihan anak? Patay na ang mommy mo. Walang kasalanan si Anisa rito. Minahal lang namin ang isa't-isa," malungkot na sambit nito. Nakasalubong ko naman ang babaeng naging dahilan kung bakit ako nag-kakaganito. Anim na buwan ng buntis si Anisa. Sa mahigit na tatlong taon na kasama ko siya sa bahay ay masasabi kong mabuti naman siyang tao. Ang problema lang ay hindi ko siya kayang tanggapin bilang parte ng pamilya. Sa puso't isip ko ay iisa lang ang mama ko at walang ni sinuman ang makakapalit sa kanya. Ngayon na magkaka-anak na sila. Saan ako lulugar? Ako na lang mag-isa at walang kakampi. Magsama sila! "Elise," mahinahong tawag ni Anisa sa'kin. Napahinto naman ako sa paglalakad dahil sa pagtawag nito. "Alam kong hanggang ngayon hindi mo pa ako natatanggap. Pero sana kahit ako na lang ang pagbuntungan mo ng lahat ng galit mo. Huwag mo lang idamay ang papa mo," saad ni Anisa. Ni hindi ko nilingon at hindi ko pinansin ang naging pahayag niya at tuluyang lumabas ng bahay. Wala akong oras at panahon para marinig lahat ng sasabihin niya. Mas mabuting magpaka-ina na lang siya sa magiging anak nilang dalawa at pipilitin ko na lang mabuhay mag-isa. Dire-diretso akong lumabas sa gate. Kinuha ko ang susi na nasa bulsa ko at pinaandar ang aking Bugatti Veyron na sasakyan. Nabili ko ito mula sa sarili kong savings na iniwan sa'kin ni mommy bago siya namatay. Habang nasa daan ay dinampot ko ang cellphone na nasa tabi ko. Tatawagan ko si Rafa, magtatanong sana ako kung tuloy ang drag racing mamaya sa may kanto trese. "Hello bakla? Tuloy ba mamaya 'yong sa Kanto Trese?" tanong ko naman sa kaibigan. "Yes sister, Na-chika ni fafa Ramon na go raw mamaya sa Trese," sagot naman nito na parang kinikilig. "Ew, si Ramon? Last week parang si Chester ata lalaki mo bakla, bakit iba na naman?" tanong ko sa kan'ya. "Ano ka ba sister, kaysa naman mabulok ang beauty ko. The more the merrier kumbaga, love ko pa rin naman si fafa Chester," hagikhik namang tugon nito sa kanya. Pinatay ko na lang ang tawag at mukhang may plano pang mag-kwento ng love life ang bakla. Ayaw kong makarinig ng mga kaechosan patungkol sa love love na 'yan. Para sa'kin hindi naman totoo 'yan. Walang true love. Isang taon na rin akong sumasali sa drag racing at kung minsan pa'y sumasali ako sa illegal na drag race sa mga abandonadong daan o kaya sa mga patagong kalye at siyempre may pustahan 'yon. Nanggaling ako sa mayamang pamilya. Masasabi kong may kaya kami sa buhay. My father is from an old rich family. Ang pagkakaalam ko isa ang mga Montereal sa pinakamayamang pamilya sa bayan ng Ildefonso simula pa noong panahon ng mga kastila. My great great grandfather maintain their wealth at naipasa niya ito sa kaapo-apohan niya. Sa ngayon ay si daddy na ang nagma-manage ng construction firm namin. Kung sa yaman lang din ang pag-uusapan ay mayaman din ang angkan ni mommy. Kaya nga't isa sa mga dahilan kung bakit nagpakasal ang mga magulang ko ay dahil sa arrange marriage. Bago ko lang din nalaman na ipinagkasundo pala sila noon ng mga lolo't lola ko. Kaya't napilitang iwan ni daddy si Anisa na first love niya at nagpakasal sa mama ko. Kalaunan naman ay natutunan nilang mahalin ang isa't-isa at ang bunga ng kanilang pagmamahalan ay ako. Ngunit nagkasakit nang malubha si mommy. Labas-pasok siya sa hospital at hindi nagtagal ay binawian siya ng buhay. Nagkita naman muli si daddy at si Anisa. Naging empleyado ito sa kompanyang pagmamay-ari ng papa ko. Natanaw ko naman ang kanto kung saan gaganapin ang drag racing ngayong gabi. Nakatanggap din ako ng mensahe mula kay Rafa na papunta na siya. Mamaya pa namang alas-diyes ng gabi magsisimula, napa-aga lang talaga ako. Dahil kung hindi ako umalis kanina ay mas lalong magbabangayan kami ni daddy. Hindi 'yon titigil sa kakasermon sa'kin. Ayaw ko rin magtagal sa bahay at hindi ko natatagalang makitang magkasama si Anisa at ang ama ko. Parang pakiramdam ko'y nabababoy ang alaala ni mommy. Ipinarada ko naman ang aking sasakyan sa may gilid. May mangilan-ngilan na ring tao akong nakikita rito sa kanto trese. Makikita mong kung saan-saan may naglalampungan sa gilid at kung minsan nga'y nakikipagtalik pa sa loob ng sasakyan. Hindi naman bago sa'kin 'yan. Araw-araw na ata akong nakakakita ng ganitong senaryo. Sa kalandian palang ni Rafa, kotang-kota na ako. Bigla namang lumapit si Chester sa'kin. Si Chester na kani-kanina lang na topic namin ni Rafa. "Oh! Nandito na si Ely, the Ice Queen of drag racing community," sambit nito sabay akbay sa'kin. "Kung mahal mo pa ang mga kamay mo Chester, mas mabuting taggalin mo 'yang kamay mo sa balikat ko habang nasa mood pa ako at baka baliin ko 'yan," matalim kong sabi sa kanya. "Chill Ely, nagagalit ka naman agad. Ito na, tinatanggal ko na po kamahalan. Bad mood ka na agad kadadating mo pa lang," ngingisi-ngising tugon nito sa'kin. Naging palayaw ko na rin ang "Ely". Mas gusto ko pang tawagin ako sa pangalang Ely kaysa naman sa Elise, masyadong mala-anghel ang tunog. Wala naman akong mala-anghel na kabaitan para matawag sa pangalan na 'yan. Bigla namang nag ring ang cellphone ko na nasa bulsa. Nang tinignan ko kung sinong tumatawag at nakita kong si daddy ay dali-dali kong pinatay ang cellphone ko at pabatong inihagis 'yon sa backseat ng sasakyan ko. Alam kong kukulitin na naman ako no'n at papauwiin. Ubos na ang pasensya ko for today at mas makabubuti kung di na muna kami mag-uusap. "Pst, Chester! Sinong sasali ngayon bukod sa'kin?" tanong ko sa lalaki na ngayo'y busy na sa paglalaro ng ML sa tabi ko. "Si Damon at Francis pa rin. Iyong dalawang manliligaw mo," aniya. "Correction lang Chester, binasted ko na sila matagal na. Hindi ko na sila manliligaw ngayon," sagot ko naman. "Hindi naman bago 'yon, wala ka namang sinasagot sa mga manliligaw mo. Binasted mo nga rin ako, remember? may halong pang-aasar na ani ni Chester. Hindi ko na lamang siya sinagot at piniling umupo sa may gilid ng kalsada habang naghihintay ng alas-diyes. Tumingala ako sa kalangitan at bahagyang namangha sa tanawin. Isang malaking buwan na maliwag ang napapalibutan ng mga nagningningan na mga bituin ang ngayo'y nakaukit sa kalawakan. Noong maliit pa ako ay lagi kong naririnig kay mommy na ang lahat daw na nakikita nating bituin sa kalangitan ay ang ating mga mahal sa buhay na namayapa na. Kapag namatay raw ang tao ay nagiging bituin ito na nagsisilbing liwanag at gabay sa'tin dito sa mundo. "Mommy? masaya ka na ba ngayon diyan sa itaas? Ako kasi sobrang namimiss kita. Kunin mo na ako my, isama mo na ako diyan," sambit ko sa isipan habang nakatitig pa rin sa mga bituin. "Ikaw ang pagbabago sa kasalukuyan na kailangan ng isang tao sa nakaraan." Mula sa pagkakatingala ko sa kalangitan ay naibaba ko ang aking paningin sa taong nagsasalita sa'king harapan. "Po? Hindi ko po kayo maintindihan Lola, atsaka delikado po rito sa lugar na'to lalo na't gabi" sabi ko sa matanda. "Ineng, magbabago ang 'yong buhay. Maglalakbay ka sa nakaraan at babaguhin mo ang daloy ng tadhana," ulit nitong sabi sa'kin. "Lola, wala po akong time machine. Imposible ho 'yang sinasabi mo," magalang na sagot ko naman. "Elisa Montereal," agad namang tugon ng matanda. "Elise po ang pangalan ko hind Elisa, paano niyo pa nalaman ang apelyedo ko?" takang tanong ko sa matanda. Nakapagtatakang alam ng matanda ang apelyedo ko. Hindi ko naman siya kilala. Nagbigkas siya ng pangalang Elisa ngunit Elise ang pangalan ko. Maaari kayang nagkamali lang siya sa pagbigkas ng pangalan niya? Tutok ang kanyang atensyon sa sasabihin ng matanda ng may biglang kumalabit sa kanya. "Hoy sister, sinong kausap mo riyan teh?" tanong ni Rafa na kadadating lang din. Ni hindi ko namalayan ang presensya ng kaibigan sa'king tabi. "Teka lang Rafa, kinakausap ko pa si Lol---" Hindi ko na naituloy pa ang dapat kong sasabihin ng biglang nawala ang kanina lamang kausap ko na matanda. Teka, ang bilis namang nawala no'n. Nagpalinga-linga pa ako para hanapin siya ngunit kahit anino ay wala akong nakita. "Nakita mo ba 'yong kausap ko na matanda kanina Rafa?" tanong ko sa kan'ya. "Sister, kaya nga nilapitan kita kasi nagsasalita kang mag-isa. Worried lang ako baka you're getting crazy na, nag di-dialogue ka kasing mag-isa," paliwanag ng kaibigan. Bigla namang nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. Sino ang matanda na 'yon? Bakit niya ako kilala? At bakit bigla siyang nawala?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook