Once BENJAMIN SINIMSIM ko ang alak na basong hawak ko habang pinagmamasdan si Samara na dahan-dahang nawawala sa paningin ko. Kahit anong gawin ko ay hindi ko man lang magawang kumilos ng maayos sa kanya. Sa tuwing lalapit ako o gagawa ng aksyon ay lagi ko siyang napapaso at nauuwi sa wala ang mga balak ko. Pinagmasdan ko ang pera na inilapag niya sa gilid ng plato niya. Napaangat nalang ang sulok ng mga labi ko sa kung paano niya ako tinalikoran kanina. Matagal na siyang nagtatrabaho sa kumpanya ko pero kahit kaunti ay hindi man lang ako nagkaroon ng ideya sa totoong ugali niya. Hanggang ngayon nananatili siyang palaisipan sa akin. “Is that her?” Tsk! Imbes na sagutin ang tanong kinain ko nalang ang mga pagkaing nasa harap ko dahil iniwanan na rin naman ako ng dapat n