Cuarenta y seis “NARIRINIG mo ba ang sinasabi ko, Samara” dinig kong ulit na tanong ni Yanit. “Kapag hindi ka pa sumagot ihahampas ko na sa ‘yo itong plato,” naiinis niya ng ulit. Naririnig ko naman lahat ng rants niya at gusto niyang sabihin. Ayoko lang sumagot sa kanya at magbigay na naman ng kung anong rason dahil siguradong batok na ang aabutin ko sa kanya. Inayos ko ang mga niluto ko at sinalin sa baunan. Uuwi kasi ngayon si Yanit ng Cebu dahil may aasikasohin daw siya. Gusto niya sanang isama si Savo pero hindi ako pumayag dahil hindi ako komportableng magbyahe ito ng ganoon kalayo. “Umalis ka na nga. Ang ingay-ingay mo, Cristina!” “Gaga ka! Kapag wala ng maingay sa ‘yo ibig sabihin napagod na ako kakasermon.” Alam ko naman na siya nalang ang natitiyaga sa akin. Noong na