Trece AKALA KO ay matatapos na ang lahat sa mga pagbabantang ‘yon. Pero habang tumatagal ang mga minutong kasama ko at malapit siya sa akin ay mas lalo akong nalulunod sa kinalalagyan kung kumunoy sa mga kamay niya. Muli akong napapikit ng maramdaman ko ang kamay niyang gumapang mula sa likod ko paakyat sa taas ng batok ko. Pakiramdam ko ay hindi lang dugo ko ang umaakyat pati ang bawat balahibo ko ay nagtataasan na sa sobrang kaba. Kaba na baka isang kalabit pa ay bumigay na ako at mawala na ng tuloyan sa katinuan ko. “Ah…” isang daing ang tuloyang kumawala sa mga labi ko ng lumapat ang mga labi niya sa leeg ko. Ayoko siyang bigyan ng satispaksyon sa ginagawa niya sa akin. Pero habang tumatagal ay mas lalo akong nawawala sa sarili ko at kinakain ng pagnanasang nararamdaman ko. “C