Dieciseis HABANG nagkukwento ako kay Yanit ng nangyari kanina sa sea side ay hindi mawala ang ngiti sa labi ko dahil sa excitement na nakikita ko kay Yanit. Natatawa pa kaming dalawa dahil ang babaeng tinulongan ko ay binilhan kami ng pagkain. Kanina pa siya nakauwi galing kay Kyle at naayos na daw nila ang lahat ako nalang ang kulang. Handa na ba akong harapin ang bagong desisyon ko sa buhay? Dahil iniiisip ko palang na muli akong sasayaw sa harap ng maraming tao ay hindi na ako mapakali. Ayon kay Kyle ay magiging personal akong mananayaw. Meron akong bodyguard para bantayan ako sa oras na mag-umpisa na ang kontrata. Bawal akong hawakan, ilabas o kung ano mang aksyon na labag sa loob ko. I can fight for myself but a bodyguard will make Kyle and Yanit at ease. “Paano kung nandito