"Baby, huwag mo na ulit bati si Daddy Doc, ha? Inaway na naman niya 'ko e." Pagsusumbong ni Dreams sa bata na nasa kanyang sinapupuna na animo'y naririnig siya nito. Hawak-hawak niya ang kanyang tiyan saka bahagyang hinahaplos. "Alam mo bang hindi pala bukal sa loob niyang samahan tayo sa check-up kanina? At hindi lang 'yon, sinumbat niya pa 'yong panlilibre niya sa'yo. Psh." Patuloy na pagpaparinig ni Dreams sa binata. Napapikit sa inis si Kaiden at bahagyang hinilot ang kanyang sentido. Saglit niyang sinulyapan si Dreams saka napunta sa tiyan ng babae ang kanyang tingin bago niya itinuon sa pagmamaneho ang kanyang atensyon. "Tigilan mo nga 'yang paninirang puri mo sa'kin diyan sa bata." Salubong na kilay na singhal ni Kaiden rito at nagpakawala ng mabigat na buntong hininga. "Anong p