Chapter 4: Truth

1331 Words
"Miss, nababaliw ka na ba? Paanong mabubuntis kita e 'di naman kita kilala." Kompronta ni Kaiden sa babaeng nakasunod sa kanya papuntang parking lot. Nakabuntot ang babae na parang aso at ipinagpipilitan na panagutan siya ni Kaiden dahil nabuntis siya nito. Ayaw niyang may ibang makaalam sa panggugulo ng babae sa kanya kaya pinili niyang lumayo sa hindi mataong lugar upang komprontahin ito. Umiikot sa kanyang isip ang sinabi ng babae na siya ang ama ng kanyang anak gayung hindi naman niya ito kilala. Gusto niyang kaladkarin ang babae para tumigil ito sa panggugulo sa kanya. Wala siyang makitang sapat na dahilan para pumayag sa gusto nito. "Syempre may ginawa tayo kaya nabuntis mo'ko." Segunda ng babae na nakanguso pa na animo'y bata. Napahinto siya sa paglalakad at napasubsob sa likod ni Kaiden. Napahilot siya sa kanyang noo na tumama sa likod ng lalaki dahil nakaramdam siya ng konting kirot. Tinapunan siya ni Kaiden ng masamang tingin at halos isumpa na niya ito sa mga titig niya. "Paano nga, Miss? Sige nga sabihin mo nga sa'kin kung paano kita nabuntis. Una sa lahat, hindi naman kita kilala e. Hindi ka pamilyar sa'kin at lalong wala tayong koneksyon sa isa't isa." Prangka niya sa maawtoridad na tinig. Patingin-tingin sa paligid si Kaiden dahil baka may makakita sa kanila ng babae. Malaking issue kapag may makakita sa kanila lalo na't kilala siya sa ospital na iyon. Kung maaari niya lang pakiusapan ang babae na bigyan na lang niya ito ng pera para huwag na siya nitong guluhin. Ngunit, sa awra ng babae ay mukhang mahihirapan siya na animo'y ayaw magpatalo. Napabuntong-hininga si Dreams ng malalim para may lakas siyang ipaliwanag lahat kay Kaiden. "Nakalasap ka lang ng sarap nakalimutan mo na lahat." Prangka nito habang salubong ang mga kilay na tumitig sa lalaki. Sa tono ng boses nito ay halatang nagpapakonsensya siya. Naningkit ang mga mata ni Kaiden sa sinabi ng babae. Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib nito at diretsong tumitig sa kausap. "What do you mean?" "Sa bar tayo nagkakilala last month at hindi ako pwedeng magkamali." Mapaklang natawa si Kaiden. "Oo, pumunta ako last month sa bar pero hindi lang naman ikaw 'yong babaeng nakasalamuha ko don. At hindi rin lang naman ako ang lalaki don na naroon. Baka namali ka lang ng ginulo, Miss." "Ikaw nga, hindi ako nagkakamali." Pagpupumilit nito. "Ikaw 'yong nakatalik ko sa banyo non, diba? Amoy gamot ka pa nga nong ginagawa natin 'yon, halatang galing ka sa ospital." Depensa ni Dreams sa agresibong tinig. Bahagyang napahinto si Kaiden at pilit inaalala lahat ang naganap sa huling punta niya ng bar. Kapag nalalasing siya, hindi niya alam ang kanyang ginagawa. Hindi niya kayang kontrolin ang kanyang sarili kahit gusto niya. Halos pigain niya ang kanyang utak para maalala ang babae pero wala talaga. Aaminin niyang naguguluhan siya ng sobra sa mga pinagsasabi nito dahil wala siyang maalala na lumabas o nakipagflirt siya sa babae. Ultimo pangalan nito ay hindi niya alam kaya mahirap niyang paniwalaan ang mga pinagsasabi nito sa kanya. "Maraming med student na pumupunta don maliban sa'kin." Depensa niya dahilan para mapamura ang babae. "Miss, marami akong ginawa maghapon kaya pagod ako. Kung wala kang magawa sa buhay mo, huwag mo 'kong idamay. Wala akong panahon para sa sabayan 'yang mga kalokohan mo kaya tumigil ka na." Seryosong tugon ni Kaiden. At bago niya iniwan ang babae, winarningan niya itong tumigil na dahil wala siyang panahon. Walang pasabing umalis na si Kaiden at hindi nag-abalang lumingon pa para tignan ang babae. Sa kabilang banda, napapadyak sa inis si Dreams. Napamura siya ng malutong sa pandededma ni Kaiden sa kanya. Hinintay niya ang araw na iyon para makaharap ang lalaki at hindi niya lubos akalain na ganoon ang magiging pag-uusap nila. Akala pa naman niya ay maaayos ang kinakaharap niyang problema. "Kung hindi mo'ko pananagutan, ipagsisigawan ko mismo sa harap ng ospital na 'yan 'yong ginawa mo sa'kin, Doc. Kaiden para sa ganon, mabahiran na 'yong pangalang kinaiingatan mo." Pangbablackmail niya. Sa sinabing iyon ni Dreams, napalingon si Kaiden at nakaramdam ng takot at baka totohanin nito ang kanyang sinabi. Naglakad siya palapit sa babae at hinarap na ng buong tapang kahit pa man naiinis na siya ng sobra. Pangalan at reputasyon na niya ang nakataya sa kalokohan ng babae at ayaw niyang masira iyon ng ganon kabilis. Sa dami ng pinaghirapan niya, ayaw niyang mabahiran ng baho ang kanyang pangalan dahil lang sa kalokohan ng babae. "Ano naniniwala ka na?" Tanong ni Dreams sa kanya, dinala siya ni Kaiden sa malapit na kainan upang doon mag-usap ng maayos. Nakalapag sa mesa ang sampung pregnancy test at lahat iyon ay positive. At talagang pinaghandaan ni Dreams ang araw na makakaharap niya si Kaiden kaya gumamit siya ng napakaraming pregnancy test para huwag siya nitong pagdudahan. Nakatitig si Kaiden sa mga pregnancy test na nakalapag sa mesa habang nakahalukipkip ang mga braso nito. Pagkatapos noon ay itinapon niya Dreams ang tingin na puno ng pagdududa. Hindi siya kumbinsido sa mga pinagsasasabi nito sa kanya kaya kinakailangan niyang alamin lahat nang sa ganoon makakaya niyang paniwalaan ito. "What makes you think na sa'kin talaga 'yan?" Pagtutukoy ni Kaiden sa ipinagbubuntis ni Dreams. Itinuro niya pa ng bahagya ang tyan ng babae. "As far as I know, maraming med student ang pumupunta sa bar na 'yon kapag weekend." Napahawak si Dreams sa kanyang tyan bago nagsalita. "Dahil sigurado akong ikaw. Malakas ang kutob ko na ikaw ang ama nito." "Saka lang kita papaniwalaan kapag nabigyan mo'ko ng magandang dahilan, Miss. Hindi biro 'tong responsibilidad na gusto mong ipabuhat sa'kin, naiintindihan mo? As soon as possible, gusto kong maayos 'to dahil alam natin pareho kung anong propesyon ko. At para sabihin ko sa'yo, wala akong balak magkaroon ng anak o pamilya." "Anong gusto mo, buksan natin 'tong tyan ko saka tignan natin kung semilya mo ba 'yon o hindi 'yong nakabonding ng itlog ko, ganon ba?" Suhestiyon ni Dreams. "Exactly, nakuha mo rin sa wakas 'yong point na gusto kong maintindihan mo." Tugon ni Kaiden. "Hindi sapat na ebidensya 'tong mga pregnancy test na dala mo para paniwalaan kita. Wala ka ring sapat na ebidensya na ako 'yong nakatalik mo non sa bar. Hindi ako basta-basta nakikipagtalik sa babaeng hindi pasok sa standards ko." "Paniwalaan mo man ako o hindi, nagsasabi ako ng totoo." Panatag na tugon ni Dreams habang nakikipaglaban ng titig kay Kaiden. "At paanong hindi ikaw e nakita ko mismo 'yong name plate na nakasabit sa damit mo. Hanggang ngayon nga iniinda ko 'yong sakit ng likod ko dahil sa pangtutulak mo sa'kin sa CR non." Napaawang ang labi ni Kaiden nang sumagi sa isip niya na may naalala siyang may tinulak siyang babae noon sa CR. Sa labis na init ng kanyang katawan, para siyang mabangis na hayop na gigil na gigil makatikim ng bagong putahe. At unti-unting bumalik sa alaala ni Kaiden lahat nong pumunta siya ng bar kasama sina Oheb para magcelebrate ng pangunguna niya sa kanilang training. "Ikaw 'yon?" Hindi makapaniwalang tugon ni Kaiden at mabilis na tumango si Dreams na mukhang nasisiyahan dahil naalala na siya sa wakas ni Kaiden. "Wait, kung ikaw man 'yon, imposibleng may mabuo tayo, isang beses lang may nangyari sa atin at palagi akong nag-iingat. Oo, nakikipagtalik ako pero nagsusuot ako palagi ng proteksyon." Kampanteng tugon niya pa. "Oo nagsuot ka nga pero nalaglag naman." Tugon ni Dreams saka sumimsin sa iced tea na inorder ni Kaiden para sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Kaiden sa sinabi ni Dreams. "What?" Halos gumuho ang mundo niya nang ikwento ni Dreams lahat ng nangyari sa kanila sa loob ng comfort room ng bar. Ultimo 'yong pagtatalik nila ay detalyado niyang isiniwalat. Dahil sa mapusok na ang kanilang ginagawang pagtatalik ng gabing iyon, hindi namalayan ni Kaiden na nalaglag ang condom na kanyang suot-suot. Sa paghaharap nilang dalawa, matutunan kayang tanggapin ni Kaiden ang kanyang kapalaran? Papanagutan niya kaya si Dreams matapos isiwalat ang buong katotohan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD