Chapter 3: Mystery Girl

1476 Words
"Paano na pagiging doktor mo kung magiging tatay ka na?" Tanong ni Edward kay Kaiden. Naroon sila sa condo ni Kaiden upang gawin 'yong ipinangako nitong libreng tutor. Halos magdadalawang-oras na sila doon pero hindi pa sila nagsisimula dahil sa msytery box na natanggap ni Kaiden. "Edward, hindi ako magiging tatay! Nantritrip lang siguro 'yong nagpadala nyan sa'kin." Depensa ni Kaiden, nakaturo siya sa pregnancy test na pinagpapasapasahan ng tatlo. Pinakialaman nila ito kahit ayaw sanang ipakita ni Kaiden o ipaalam sa kanila. Pero dahil hindi biro iyon at kinakailangan niya ng advice, napilitan siyang ishare ito sa kanyang mga kaibigan. "Paanong nangtritrip lang e positive 'tong pregnancy test." Segunda ni Marco, itinaas niya pa ng bahagya 'yong hawak na PT. "At sino naman ang makakapag-isip na pagtripan ka?" "Exactly! Iyon din ang tanong ko." Tugon ni Kaiden at natapik niya pa ang mesa dahilan para magdulot iyon ng ingay. "Alam niyo kung gaano ako o tayo kabusy sa internship kaya malimit kung lumabas tayo. Kapag nga inaaya niyo 'ko minsan lang naman ako sumasama diba? Hindi naman ako mahilig makipagkaibigan o makipag-usap bukod sa inyo. Kayo lang naman palagi 'yong kasama ko, kayong mga kaklase ko." "What if, isa sa mga kaklase natin 'yong nagpadala nito sa'yo?" Tanong ni Oheb, nakahawak siya sa kanyang baba na animo'y nag-iisip ng malalim. "Pwes, sino naman sa kanila?" Sumabat si Edward sa usapan. "Sino pa ba, edi 'yong mga naiinggit sa'yo." Napaisip tuloy si Kaiden kung sino sa mga kaklase nila ang hindi niya kasundo. "E lahat naman kayo kasundo ko e. Wala naman akong nakaalitan o nakaaway sa inyo kaya imposibleng kaklase natin. At isa pa, kung babaeng kaklase natin yong gagawin nating suspek, imposible 'yan mga pre. Alalahanin niyong lahat sila may mga jowa." Sinang-ayunan ng tatlo ang sinabi ni Kaiden. Tama nga naman na wala pang nakaaway si Kaiden sa kanila. Lahat ay kasundo niya at never pa siyang nakipagsagutan sa mga ito. Kung maramdam man ng inis si Kaiden sa kanyang mga kaklase, mas pinilili niyang manahimik na lang. Kapag may nag-aaway, hindi siya sumasali, hinahayaan niya ang mga ito. Hindi siya kailanman nag-aksaya ng oras para makialam sa buhay ng ibang tao na nakapaligid sa kanya bukod kina Oheb. Hinarap niya ang tatlo na noon ay nagpapalitan ng kuro-kuro kung sino sa mga kaklase nila ang suspek sa likod nong mystery box na natanggap ni Kaiden. "Hoy! Umamin nga kayo, baka naman sa inyo galing 'yan." Mabilis na umangal ang tatlo. "Ba't naman kami? Hindi naman kami ganon kasama para pagtripan ka ng gantong bagay e. Kaibigan ka namin, hindi namin magagawa 'to sa'yo. Tsaka, ba't ka naman namin pag-aaksayahan ng panahon para pagtripan." Paliwanag ni Edward na sinang-ayunan ng dalawa na abala na sa paglamon ng inoder ni Kaiden na Jollibee. "Malay ko ba." Pinilit magfocus ni Kaiden na itutor ang tatlo para matapos na sila kahit ginagambala ng utak niya 'yong tungkol sa mystery box. Hindi iyon mawala sa isip niya at kahit anong gawin niya, maaalala't maaalala niya pa rin ito. Ang maganda roon, tinulungan siya nina Oheb na kalimutan iyon nang maisipan nilang manood na lang ng movie pagkatapos ng tutor nila. Sinamahan siya ng tatlo hanggang sa kumagat ang dilim. Bandang alas syete ng gabi nong magpaalam ang tatlo na umuwi dahil may klase pa sila kinabukasan. "Ingat kayo pauwi. Huwag masyadong magpapatakbo." Paalala niya sa tatlo habang pinapanood isa-isa ang mga ito na sumakay sa kanikanilang mga sasakyan. Medyo malayo ang kinaroroonan ng inuupahang bahay ni Kaiden kaya kinakailangang magdala ng sasakyan nina Oheb para may masakyan sila pauwi. "Kaiden, baka naman may kilala kang naghahanap ng mauupahan, may bakante kasi don sa taas e." Tugon ng tenant niya nang lapitan siya nito. "Naku! Wala e." Sagot nito. "Bakit bakante na naman don?" Dinuro ni Kaiden ang pwesto kung saan naroon ang bakanteng condo na sinasabi nong tenant niya. "Ikinasal na kasi 'yong boarder e at iniuwi na nong asawa niya kaya umalis na." Sagot nito. Tumango-tango si Kaiden habang nakahalukipkip. "Sige, sasabihan kita pag may kakilala akong naghahanap ng mauupahan. Mauna na 'ko." Pagpapaalam niya pagkatapos ay nagtungo na siya sa loob ng bahay. Pabagsak siyang naupo sa malambot na sofa. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at muli na namang bumalik sa alaala niya 'yong tungkol sa box. Kaya naman napadilat siya at hinanap 'yong box kung saan nakalagay ang pregnancy test. Nakita niya na nakalapag ito sa mesa katabi ng pinggan na kinaroroonan ng fried chicken na hindi nila naubos. "Hindi ako papayag na ikaw ang sisira ng pangarap ko." Tugon niya habang nakatitig ng diretso sa hawak na pregnancy test. Padabog niyang ipinasok ito sa box saka na siya tumayo. Nilinisan na niya 'yong mesa na ginamit nila. Nagkalat rin sa sahig iyong mga papel at libro na ginamit niya pangtutor sa tatlo. Hindi naman siya nahirapan na turuan ang mga ito dahil determinado sila. Iyong mga tirang pagkain ay inilagay niya sa isang tupper ware kaysa itapon ito. Maaari niyang kainin iyon incase magutom ulit siya. Ipinasok niya ang tupperware na may lamang chicken joy sa refrigerator. Pagkatapos ay kumuha siya ng basahan upang punasan 'yong mesa dahil natapon ang craving ng fried chicken. Napahinto siya nang muli na naman niyang makita 'yong mystery box na nasa mesa. Tinitigan niya iyon ng matagal pagkatapos ay kinuha't padabog na ibinasura. Matapos iayos ang mga papel at libro, nagwalis siya ng sahig saka naghugas ng mga kubyertos na ginamit. Kaagad na rin siyang naligo para makapagpahinga. Hindi kaagad siya dinalaw ng antok kaya nagbasa muna siya ng libro. Makalipas ang ilang oras ay dinalaw na siya ng antok. "Sir, para po sa inyo." Bungad ng guard pagkatapos siya nitong batiin. Napansin niya na inaabangan siya ng guwardiya kaninang nagpark siya ng kanyang sasakyan. Hindi niya inaasahan na may iaabot na naman ito na box, katulad ng natanggap niya kahapon. "Kanino na naman galing 'to?" Iritableng tanong ni Kaiden, hawak na niya 'yong ikalawang box na bigay sa kanya ng hindi niya kilala. Ang alam niya lang ay ang kasarian nito na babae. Pangalan, edad, at address ng babae ay hindi niya alam. Hindi rin niya alam kung maganda ba o hindi ang pakay nito sa kanya. Napakamot sa ulo ang guwardiya saka sumagot. "Galing na naman po sa babae, Sir." Napabuga ng hangin si Kaiden. Itinapon niya ang tingin sa paligid, nagbabakasakali siyang mahuhuli niya ang babaeng may bigay ng box sa kanya. "Manong, pwedeng nextime po kapag magpapaabot siya, huwag niyo na lang tanggapin? Nantritrip po 'to e, hindi ko po ito kilala." Suhestiyon nito sa guwardiya. Tumango si Manong guard. "Makakaasa po, Sir." "Thank you." Kagaya ng ginawa niya sa naunang box, itinapon niya ito. Hindi nag-antubili si Kaiden na buksan ito dahil iisa lang din ang laman nito, iyon ay pregnancy test at congratulatory message. Wala siyang panahon para sa bagay na iyon kaya mas pipiliin niyang dedmahin na lang. Hangga't kaya niyang mamdedma ay gagawin niya alang-alang sa kanyang katahimikan. Naging maayos ang maghapon na iyon kahit pa man hindi maalis sa isip ni Kaiden ang tungkol sa taong nagpapadala sa kanya ng box. Nairaos niya ng maayos ang training at nangunguna na naman siya. Imposible nga naman talaga na ang mga kaklase nito galing 'yong box dahil walang bahid ng inggit o galit ang mababasa niya sa mga mukha nila. Walang kahinahinala sa mga kinikilos nila. Lahat masaya sa achievement niya kaya hindi siya sang-ayon na ito ang suspek sa mystery box na natatanggap niya. "Manong, sige na pakibigay na sa kanya, please. Last na talaga 'to. Gusto ko lang malaman niya na magkakababy na kami." Sa narinig iyon ni Kaiden, binilisan niya ang paglalakad palapit sa may exit kung saan naroon ang table nong guard. Napansin niya ang isang babae na nakasuot ng black jeans at pink na tshirt. Nakalugay ang hanggang kilikili nitong buhok. Nakatalikod ang babae kaya hindi niya makita ang mukha nito. "Maam, pasensya na po pero inutusan na po akong huwag ng tanggapin 'yong box na ibibigay niyo. Hindi naman daw niya kayo kilala." Pakikipagtalo nong guard sa babae. Nagpapadyak ang babae na nakita ni Kaiden. Pinipilit niyang alalahanin kung kilala niya ba ang babae pero likod pa lang ay hindi na ito pamilyar sa kanya. Bukod kina Nyssa, wala na siyang kaclose na ibang babae. Pinagpilitan ng babae 'yong dala niyang box sa pero tinanggihan ito ng guwardiya. "Sir, kunin niyo na po 'tong box at ibigay sa kanya. Kilala niya po ako, daddy siya ng anak ko, okay?" "What?" Hindi makapaniwalang usal ni Kaiden nang tuluyan na siyang makalapit sa gawi ng dalaga. Napalakas ang boses ni Kaiden kaya napalingon ang babae sa kanya. Nagtama ang kanilang tingin at halos malaglag ang panga ng babae pagkakita kay Kaiden na nasa kanyang harapan. Tatanggapin kaya ni Kaiden ang ipagtatapat ng babae sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD