Chapter 2: Mystery Box

1442 Words
"Kindly prepaire for your upcoming activities next week, class." Anunsyo ng head doktor na nakaassign na mag-assist sa klase nina Kaiden. Katatapos lang ng discussion nila sa mga steps sa pag-oopera. Kanilang iprepresent sa klase ang kanilang pinag-aralan sa susunod na linggo. Umingay ang silid na kinaroroonan nila dahil sa naging anunsyo ng head doktor. Ang ilan sa kanila ay hindi handa sa gaganapin na activities dahil marami silang ginawa sa linggo na iyon. Nararamdaman ni Kaiden ang pressure kahit pa man napag-aralan na niya ito. Mahilig siyang mag-advance reading para sa ganun ay hindi siya mahirapan na intindihin ang lesson nila. "Panigurado mangunguna na naman si Kaiden." Segunda ni Oheb nang palabas sila ng silid, sinang-ayunan naman ito ng mga kasama niyang sina Edward, at Marco. Bahagyang nahiya si Kaiden sa sinabi ni Oheb, idagdag na rin doon 'yong pangkakatyaw ng mga ito sa kanya. Hindi niya kinokonsider ang sarili na magaling. Para sa kanya, marunong lang siya dahil mahal niya ng sobra ang kanyang ginagawa. Hindi naman bago na purihin siya ng mga kasamahan niya. Kilala siya sa batch nila dahil sa angkin nitong husay sa larangan ng medisina. Maski mga lisensyadong doktor ay namamangha sa kanyang galing. Napakunot siya ng noo na tumingin sa tatlo. "Bakit ako lang? Hindi lang naman ako ang estudyante kaya dapat kayo din." Usal ni Kaiden sa mapanermon na tinig. "Paanong kami? Hindi naman kami kasing galing mo e." Depensa ni Oheb at bahagyang napakamot sa kanyang ulo. "Kaya nga, ikaw lang nakakagawa ng mga 'yon ng hindi nahihirapan dahil magaling ka." Segunda ni Marco. Nakisabat na rin si Edward sa usapan nila. "Sa ating apat, mukhang si Kaiden lang 'yong magiging doktor sa atin. Mukhang tayong tatlo ay didiretso ng mental hospital pagkatapos natin dito sa Medical School." Sa birong 'yon ni Edward ay umingay ang kanilang tawanan sa hallway. Napatingin ang ilang tao sa kanila na naglalakad. Sinita ni Kaiden ang mga ito na hinaan ang kanilang boses dahil nakakahiya. Kahit papaano ay napapawi ang pagod nila sa simpleng tawanan nila. Kalog ang tatlo kaya natutuwa si Kaiden na makisama sa mga ito. Para mamotivate ang mga kasamahan niya sa darating na activity nila ay nag-offer siya ng blow out. Halos mapatalon ang mga ito sa tuwa sa sinabi ni Kaiden kaya nangako sila sa kanya na gagawin nila lahat para makapasa sa activity na iyon. At para pare-parehas silang pumasa, nag-offer rin si Kaiden ng libreng tutor, sinang-ayunan naman nila ito. Inamin nila na nahirapan sila ng intindihin 'yong discussion kanina dahil ang head teacher ay terror at tanging si Kaiden lang ang kinakawawaan nito. Ipinaalala rin ni Kaiden sa mga kaibigan ang mga dapat at hindi dapat gawin para hindi sila kabahan o makaramdam ng pressure. "Doc. Garcia." Napahinto silang magkakaibigan sa paglalakad nang may tumawag kay Kaiden sa harapan nila. Paliko na dapat sila sa harapan ng Emergency room nang makasalubong nila ang isa sa mga nirerespetong doktor sa ospital na iyon. Napako ang tingin ni Kaiden sa babae at nawalan siya ng lakas ng loob para makapagsalita. Hindi niya inaasahan na makakaharap niya ang doktor na iyon dahil una sa lahat, iniiwasan niya ito. Ayaw na ayaw niyang makasalamuha ang ginang na doktor dahil sa hindi maipaliwanag nitong galit. Nagpalipat-lipat ng tingin sina Oheb sa kanilang dalawa. Alam na alam nila kung bakit ganoon ang naging reaksyon ni Kaiden nang makita ang doktora. Lalo pa silang nawirduhan dahil tinawag ng doktora ang pangalan ng kanilang kaibigan. Gustong-gustong hatakin nina Oheb si Kaiden para iiwas sa sitwasyon na iyon hangga't maaari. Alam nila na hindi komportable si Kaiden. "Yes, Dra.......Garcia." Nauutal na wika ni Kaiden, napaiwas pa ito ng tingin at itinapon sa malayo ang mata. Sinubukan niyang maging formal para walang masabi ang head doktor. Hindi siya makatingin ng diretso sa kanyang kausap pero kahit na ganoon ay nilabanan niya ito. Umakto siyang normal sa harapan ni Dra. Garcia na animo'y wala siyang tinatagong sama ng loob dito. Sa lahat ng tao sa ospital na iyon, ito ang iniiwasan niyang makausap o makasama sa isang training. Hindi siya komportable kapag nararamdaman niya 'yong presensya ng doktora. "I heard about your performance last tuesday." Panimula ng doktora. "Keep up the good work, Kaiden." Natigilan si Kaiden. Gustuhin man niyang matuwa pero hindi kaya ng kanyang konsensya. Mas nanaig 'yong kanyang galit at inis kaysa ang matuwa. Iyon ang unang pagkakataon na marinig niya iyon mula sa doktora kahit pa man naririnig niya sa kanyang mga kaklase na pinupuri siya nito. Wala rin naman siyang pakialam sa pamumuri ng doktora sa kanya dahil una sa lahat, kinamumuhian niya ito ng sobra. "Thanks, Doc." Malamig na tugon ni Kaiden at pilit na ngumiti. Alam niyang napansin ng doktora ang malamig na pakikitungo ni Kaiden sa kanya. Maski sina Oheb ay napansin rin iyon pero pinili nilang manahimik nalang dahil nirerespeto nila ang nararamdaman ni Kaiden. Hindi biro kay Kaiden ang usapin na iyon kaya hangga't kaya nilang bigyan ito ng space ay ibibigay nila. Panahon at oras ang kaya nilang ibigay kay Kaiden para makapag-isip ng mabuti sa bagay na matagal ng kumukulong sa kanya. Binigyan ni Dra. Garcia ang mga ito ng konting paalala para mamotivate sila sa kanilang internship pero nabingi na si Kaiden dahil sa lakas ng t***k ng kanyang puso. Habang nagsasalita ang doktora ay nakatitig lamang siya rito. Umikot ang kanyang mundo sa mukha ng doktora. At isa lang ang hinihiling ni Kaiden, sana sa pamumuring ginawa ng doktora sa kanya ay makakaya nitong pawiin lahat ng sama ng loob na kanyang nararamdaman rito. "Hindi pa rin kayo bati?" Tanong ni Edward nang palabas sila ng ospital. Sina Edward pa ang nagpaalam kay Dra. Garcia kanina dahil pinili ni Kaiden na tumahimik na lang dahil hindi siya komportable. Siniko ni Oheb si Edward dahil sa pagiging madaldal nito. Nakuha ni Edward ang paninikong ginawa ni Oheb sa kanya dahil napansin nila ang pananahimik ni Kaiden sa tabi na animo'y malalim ang kanyang iniisip. "Ay sorry." Nagpeace sign pa si Edward at napakamot sa kanyang ulo. Nagpaalam na ang tatlo kay Kaiden dahil may pupuntahan pa sila. Inaya nila si Kaiden pero pinili niyang umuwi na lang para makapagpahinga. Hindi naman siya pinilit ng mga ito na sumama. "Sir, may nagpapabigay po nito sa inyo." Tugon ng security guard nang lapitan siya nito nang mapansin na papalabas si Kaiden sa may exit. Iniabot nito ang isang maliit na itim na box. Nagtaka si Kaiden kung kanino galing 'yon dahil una sa lahat wala naman siyang inaasahan na magbibigay nun sa kanya. Bukod kina Oheb, wala na siyang kaclose na iba. Wala rin naman siyang girlfriend o kakilala na magkakainteres na bigyan siya ng regalo. At una sa lahat, matagal pa iyong birthday niya kaya tinubuan siya ng kuryosidad kung kanino galing iyon. Kinuha niya ang box, inalog-alog niya ito dahilan para magdulot ng konting ingay. Hindi nakapagtataka na may laman iyon na bagay. At kung ano man iyon ay kanyang aalamin pero bago iyon, aalamin muna niya kung kanino ito galing. "Manong, kanino galing 'to?" Tanong ni Kaiden habang nakaturo sa box na hawak. Sumagot ang guard. "Hindi po pinasabi 'yong pangalan e basta ibigay ko lang daw sa inyo." "Sure kayong para sa akin 'to? Baka naman namali lang kayo, Manong." Tugon niya sa guwardiya. Nagbabakasakali siyang nagkamali lang ito ng taong inabutan nong box. Umiling ang guwardiya. "Kay Doc. Kaiden daw po ibibigay e at ikaw po 'yon 'di ba?" Tumango na lang sa kawalan si Kaiden pagkatapos ay nagpasalamat siya sa guard kahit dismayado siya kung kanino galing 'yon. Pinacheck niya pa ng mabuti sa guard kung Kaiden ba ang narinig niyang pangalan ng pagbibigyan nong box at sa mukha ng guard ay sigurado ito. Wala na siyang nagawa kundi kunin 'yong box. Naglakad siya papunta sa may parking lot. Pumasok siya sa kanyang kotse at doon naisip na buksan 'yong box. Napapaisip tuloy siya kung death treats ba iyon kaya natatakot siyang buksan ito. Pero dala ng kuryosidad, binuksan niya 'yong box at bumungad sa kanya ang isang........ Pregnancy test. May kasama iyon na papel, nakasulat doon ang kanyang buong pangalan. "Congratulations! Magiging Daddy ka na, Kaiden." Pagbabasa niya sa nakasulat sa likod nong papel. Salubong ang mga kilay nito't iniisip kung sino ang taong posibleng nagpadala noon sa kanya. Pakiramdam ni Kaiden, bumagsak ang langit at lupa sa kanya dahil una sa lahat, wala siyang balak magkaroon ng anak o pamilya. Kaya malaking palaisipan sa kanya kung sino ang taong magbibigay sa kanya ng sakit ng ulo. Sino ang posibleng tao na nagpadala non kay Kaiden? Ano ang relationship nito sa doktor?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD