"Anak ng tokwa." Aligagang nagsign of the cross si Kaiden nang makuha ang ibig sabihin ng sinabi ni Dreams sa kanya. Nagising ang diwa nito nang mapansin na pasulyap-sulyap si Dreams sa ibaba ng kanyang puson. Mabilis na nahimasmasan si Dreams at namilog ang kanuang mga mata. Napatakip ito sa kanyang bibig saka naramdaman ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Napalunok rin ito ng ilang beses habang nakaiwas ng tingin sa binata na noon ay yakap-yakap na ang sarili. "Daddy Dok, mali ka ng iniisip." Tugon ni Dreams. "Ops! Huwag kang lalapit, hanggang dyan ka lang." Agresibong ani nito at ipinakita ang kamao nito kay Dreams na handang-handang sumuntok. "Kababae mong tao nangmamanyak ka? Jusmiyo!" "Hoy! Hindi ganon ang ibig kong sabihin." Mabilis na depensa ni Dreams. "Ikaw kasi e, a