"Doc. Kaiden, may naghihintay po sa inyo sa labas. Misis niyo raw po." Pagbabalita ng isang nurse na sumilip sa kinaroroonan nilang silid. Nadisturbo tuloy ang seryosong pagsasawa nila ng activity sa inusal ng nurse na 'yon. Umingay ang silid at pinaulanan siya ng tukso ng mga kasama. Lahat ay gulat na gulat dahil ang pagkakaalam ng kanyang mga kasamahan ay wala siyang nobya. "Shocks!" Dali-daling lumabas ng silid si Kaiden upang puntahan ang taong naghihintay sa kanya at muntik pa siyang madulas sa sahig sa pagmamadali. May ideya na siya kung sino ang tinutukoy ng nurse na misis raw nito. Wala naman siyang ibang inaasahan na mangungulit sa kanya kundi si Dreams lang. Hindi niya inaasahan na sasadyahin siya ng babae sa ospital at ang malala pa roon ay nagpakilala bilang misis nito. M