"Bakit ba hindi ko napansin na magkamukha kayo ni Doc. Maam?" Pakikipag-usap ni Dreams sa picture frame na nasa ibabaw ng dining table. Iyon ang kinaiingatang litrato ni Kaiden na maski sa kanya ay ayaw niyang ipahawak. Tamang pagtitig lamang ang nakakagawa niya kapag nagkakainteres siya roon. Sinuri niya ang babaeng naroon na kasama ng batang Kaiden. Kinumpara niya ang itsura nito kay Doktora Katlyn at doon niya napagtanto na magkamukha nga ang mga ito. Nag-iba lamang ang itsura ni Doktora Katlyn dahil ilang taon na rin siguro ang lumipas matapos kunan ang picture na iyon. Napansin rin ni Dreams ang pagkakahawig nina Kaiden at Doktora Katlyn, lalo na ang kanilang mga mata at pareho. Hindi siya halos nakatulog kakaisip kina Doktora Katlyn at Kaiden. Inumaga na siya kakaisip kung paano p