"JUSTINE, where the hell are you? Kanina pa kami naghihintay sa iyo rito sa PF Café. You're fifteen minutes late." Bungad agad ni Jaffhine sa kanya ng sagutin niya ang tawag nito.
"Sorry. Sobrang traffic kanina. Don't worry narito na ako sa Mall at malapit na sa Café. Wait me for a second."
"Ewan ko sa iyo. Make it fast. Naku kung alam mo lang hindi na maipinta ang pagmunukha nitong sina Jelly, CJ, Sharon at Noemi. Bilisan mo na."
"Sorry ulit. Malapit na ako. Bye."
Meet up nilang magkakaibigan ng araw na iyon. Again she's late. Paano ba naman kasi nagpahatid pa ang mahal niyang ina sa bahay ng kaibigan nito. Wala naman siyang magagawa dahil kotse nito ang gamit niya.
Malapit na siya sa PF Café, tanaw na nga niya, eh. Ngunit ng mapadaan siya sa isang restaurant na glass ang wall at kita ang nasa loob ay napatigil siya sa paglalakad. Naagaw kasi ng lalaking nasa loob ang kanyang atensiyon. Looks like magpo-propose ito sa babaeng kasama nito dahil lumuhod pa ito sa gilid ng babae na nakaupo. Hindi siya maaaring magkamali kilala niya ang naturang lalaki.
Ito 'yung basta na lang nanghalik sa kanya sa CheLaRy Tower! Biglang naningkit ang kanyang mga mata. Noong isang buwan pa iyon nangyari kaya naman fresh pa sa kanyang utak ang eksenang ginawa nito na hindi nagpatulog sa kanya ng isang linggo.
"Siya pa yata ang masaya ngayon? Puwes gagantihan kita." Hindi siya papayag na basta na lang kalimutan ang ginawa nitong kapangahasan sa kanya. Kailangang maging amanos sila.
She take a deep deep breath then exhale. Mapatawad sana siya ng mga kaibigan niya kung medyo maaalintana ang kanyang pagdating sa kanilang usapan.
Matapos ikondisyon ang sarili ay pumasok na siya sa eleganteng restaurant na may malamyos na backround music pa. Wala siyang pakialam sa gagawin, ang mahalaga ay makaganti siya. Sigurado naman siya na matapos ang eksena na iyon ay hinding-hindi na magku-krus muli ang kanilang landas. Isinusumpa niya iyon sa waiter na dumaan sa tabi niya.
"Patricia, it's been two years since we start our relationship. Sa tingin ko sapat na iyon para i-level up pa natin itong relasyon natin," madamdaming pagtatapat ng lalaki sa girlfriend nito.
Napaingos si Justine sa narinig. Oh, really? How sweet. Tss. Sige, magsaya ka lang. Mamaya lang ay iiyak ka ng bato, pairap niyang sabi sa isip.
"B-Babe," hindi makapaniwalang tugon ng babae.
"Will you marry me, Pat?" anito na binuksan ang isang box na kulay pula. Nakaluhod pa rin ito sa tabi ni Patricia.
Iyon na ang magandang parte ng romantikong eksena na iyon para umepal siya.
"Pakakasalan mo siya?!" May kalakasang bulalas niya na pinanginig pa ang boses na tipong maiiyak na.
Kagaya ng inaasahan niya ay naagaw niya ang atensiyon ng dalawa, maging ang mga customer na naroon. Parang gusto tuloy niyang mag-backout at sabihing, Just Kidding!
"Ang kapal naman ng mukha mo! Matapos mo akong buntisin, aalukin mo naman ng kasal ang babaeng iyan?! How dare you?!" Humikbi pa siya pagkasabi niyon habang hinihimas ang tiyan. "Wala ka talagang puso!"
Pasalamat siya at may history siya sa pag-acting sa theater noong College siya sa PUP.
'Yung guwapong mukha ng lalaki matapos matigilan ng makita siya ay bigla iyong nagdilim. Si Patricia naman ay agad na hinila ang kamay na hawak ng nobyo nito. Napatayo tuloy ang binata at akmang hahawakan muli si Patricia ng umatras naman ito.
"s**t! Pa-propose-propose ka pang nalalaman tapos may nabuntis ka na pa lang iba? That's s**t! Bullshit!" Bulyaw ni Patricia sa nobyo nito na tumayo na rin. "But don't worry. Akala mo ba ikaw lang ang nang-iipot sa ulo ko habang nagpapakasaya ka sa ibang babae? Puwes nagkakamali ka. For your information I'm two months pregnant. And sad to say na hindi ikaw ang ama ng ipinagdadala ko. We're even," binunggo pa ito ni Patricia ng lampasan ito.
Naiwang tulala at hindi makapaniwala sa nalaman ang lalaki. At siya naman bago pa nito masakal at maipatapon sa ilog Pasig ay nagmamadali na siyang umeskapo. Halos takbuhin na niya ang papunta sa PF Café sa katakutang sundan siya nito. Humihingal pa siya ng makapasok sa pintuan ng café.
Diyos ko naman. Ang nais ko lang naman ay ang gumanti sa guwapong lalaking iyon tapos ito pa ang mangyayari? Naihilamos niya ang kamay sa mukha. Isipin mo na lang Justine na natulungan mo rin siya. Dahil kung natuloy ang proposal niya, makakasal siya sa maling babae at aakuin niya ang anak ng iba, pakonswelo naman ng isang bahagi ng isip niya. Napatango siya. "Oo nga naman. Dapat nga ay magpasalamat pa siya."
Relax at kalmado na siya ng lapitan ang mga kaibigan niyang naghihintay sa kanya.
"Sorry for being late. Don't worry treat ko kayong lahat ngayon," nakangiti niyang bungad sa mga ito.
"Naku, sis Justine, nag-abala ka pa. Hindi naman kami galit, eh," ani Jaffhine.
"Right," segunda ni Sharon na agad tinawag ang isang crew ng café. At ang mga halimaw niyang kaibigan ay nilubos ang libre niya.
Naupo siya sa tabi ni Jelly. "Hinay-hinay naman sa grasya. Baka mamaya niyan maglakad ako pauwi?"
"Naku, nambauy pa. Oh, siya, 'yung order mo Justine treat ko na," pairap na sabi ni Noemi.
Alam niya na seryoso rin ito kaya nilubos niya iyon. Ngunit kahit ano'ng ingay ng apat niyang kaibigan ay hindi naman niyon mapawi sa isip niya ang nangyari kanina sa restaurant na iyon.
Isipin mo na lang kasi Justine Mari Lalu na isa ka lang anghel na ipinadala ng langit para hindi siya mapunta sa girlfriend niya na niloko lang siya, pagpapagaan na naman sa kanyang loob ng isang bahagi ng isip niya.
But in all fairness, sobrang guwapo pa rin ng lalaking iyon. Hindi kumukupas. Napasimangot siya pagkuwan. Nang-cheat pa rin siya sa girlfriend niya, turn to be ex-girlfriend, ng nakawan niya ako ng halik sa CheLaRy. Two years na pala sila, huh. Tss. Buti nga.
"Hoy! Justine Mari! Hindi ka ba talaga nakikinig, huh?" Pinanlakihan pa siya ni Jaffhine ng mata.
"A-Ano nga uli iyon? Pasensiya na may iniisip lang," depensa niya.
"Grabe naman iyang iniisip mo. Sa sobrang lalim hindi ka namin mahila paahon," napailing-iling pa si Jelly.
Hindi lang talaga niya maiwasang isipin iyong nangyari kanina. Hindi naman niya magawang ikuwento sa mga ito dahil tiyak na hindi lang siya lalo tatantanan ng mga ito. Pinilit na lang niyang makinig sa mga ito.
NAPABUNTONG-HININGA si Justine kapag kuwan. Nakaratay pa rin sa hospital bed ang kanyang abuela na si Corazon Lalu. Matapos malaman na nabasag niya ang vase nito na worth ten million pesos ay inatake. Hindi pa rin gumigising ang kanyang abuela may isang linggo na ang nakakaraan. She's still in coma.
"Lola, patawarin niyo po sana ako. Hindi ko naman po talaga sinasadya 'yung pagkakabasag ng vase niyo. Aksidente lang po iyon. Pangako po kapag nagising na kayo, gagawin ko lahat ng ipapagawa niyo. Kahit pagsilbihan ko pa kayo." Kahit na terror lola ito ay gagawin pa rin niya ang sinabi. Hindi niya matiis na naroon at nakaratay ang kanyang abuela na malakas pa sa kalabaw ng dahil sa pagka-careless niya.
Tinapik siya sa balikat ng kanyang ina na sinamahan siya sa ospital. "Everything will be fine, Justine."
"Sana nga po, mama. I'm sorry kung nangyari ito. Tayo na naman ang sinisisi ng lahat."
Their relatives blame them on what happened to Corazon Lalu. Masakit pero wala naman silang magagawa. Aminado naman siya na kasalanan niya.
Makalipas pa ang dalawang linggo ay nagising na ang kanyang abuela. Hindi rin ito nagtagal pa sa ospital dahil ayaw nito ng amoy ng ospital. Kaya sa bahay na nito ito tuluyang nagpagaling. Ina ito ng kanyang mama Nimfa at sa edad na seventy five ay kakikitaan pa rin ng awtoridad.
Huminga muna ng malalim si Justine bago pumasok sa nakapinid na pinto. Silid iyon ng kanyang abuela. Pinatatawag siya nito ng araw na iyon kaya naroon siya sa mansiyon para harapin ito. Natatakot siya, Oo. Sino ba namang hindi? Bukod sa napaka-strick nito ay may kasalanan din siya rito.
Napasukan niya ang kanyang abuela na nakaupo sa rockin chair nito malapit sa may glass wall.
"Lola, mano po," magalang niyang bati bago inabot ang kamay nito para magmano. Hinayaan naman siya nito.
"Maupo ka, Justine Mari." Napakapormal nito kahit na kailan.
Naupo siya sa katabi nitong one seater na sofa. "Ipinatatawag niyo raw po ako?"
Tumango ito. "Dahil sa nabasag mong vase."
Napalunok siya. Tumayo siya at lumapit dito. Lumuhod pa siya sa harapan nito. "Lola, pinagsisisihan ko po iyon. Hindi ko naman po sinasadya ng masagi ko iyong vase. Patawad po."
"Hindi kita pinapunta rito para sisihin sa pagkakabasag niyon. Kaya tumayo ka na riyan."
May pagtataka ng tingnan niya ang abuela. Seriously? Bakit parang hindi nga ito galit? Dapat kanina pa lang binubulyawan na siya nito. May himala ba ng ma-comatose ito?
"P-Po?"
"Go back to your sit, Justine Mari," utos nito.
Tumalima siya. Handa pa naman sana siyang umiyak sa harap nito kung kinakailangan tapos hindi pala siya nito pagagalitan? Dapat na ba siyang magpa-party mamaya? Gusto niyang maiyak sa tuwa dahil hindi na niya kailangan pang isipin gabi-gabi ang nangyari sa vase at sa pagkaka-atake ng lola niya.
"Narinig mo naman ang sinabi ko kanina. You heared it right. Wala na akong pakialam sa vase. Pero hindi ibig sabihin niyon ay pinapatawad na kita sa kasalanan mo."
Para siyang nahulog mula sa pagsasaya sa cloud nine sa narinig. Ang g**o talaga nito kahit na kailan. "Pero lola...."
"Patapusin mo muna ako ng makapagpahinga na ako," putol nito sa iba pa niyang sasabihin. May kinuha ito sa tabi nitong drawer at ipinatong sa kandungan nito. Isa iyong black folder. "Bilang kabayaran mo sa pagkakabasag ng vase, kailangan mo itong mapa-permahan kay Mister Privado Mondragon. Isa itong contract. An investment contract for my company. He promise to sign this. But it turns out na hindi niya itinuloy sa hindi namin malamang dahilan. Hindi naman niya iniurong ang kontrata. Malaki ang maitutulong niya sa kumpanya dahil hindi siya basta-bastang tao. He's a big fish. A multi billionare. Kaya kailangan before the end of this month, which is two weeks from now, ay mapapermahan mo ito sa kanya. Do what ever you think na makakatulong para permahan niya ito."
"Teka po," sawata na niya sa tuloy-tuloy nitong pagsasalita. "Bakit ako po? 'Di ba dapat po secretary niyo na lang? O kaya si Kuya Eros," tukoy niya sa pinsan na mataas ang posisyon sa kumpanya ng kanyang lola. "O kaya kung sino mang staff ng kumpanya ninyo."
"No! Ikaw ang gagawa dahil may kasalanan ka pa sa akin. Kung totoong pinagsisisihan mo iyon then ipakita mo sa akin ngayon by doing this. Sa Bachelors Estate nakatira si Mister Mondragon. Doon mo siya direktang puntahan." Tumayo na ito at inilapag sa kandungan niya ang itim na folder. "Make me proud of you, Justine Mari."
Doon siya sa huling sinabi nito parang tinamaan. Kung susundin niya ang utos nito at magawa iyon ng naaayon sa gusto nito ay tiyak na matutuwa ito sa kanya. Kagaya sa iba niyang pinsan na proud ito. Make your lola's proud, Justine Mari! sigaw ng isip niya.
"Sige po. Gagawin ko ang makakaya ko."
"Good."
Nang makalabas sa silid ng abuela niya ay saka lang siya halos nakahinga ng maluwag. Nayapos niya sa dibdib ang hawak na folder.
"Ikaw ang pag-asa ko para ma-please si lola. Kapag naging maayos na ang lahat, sigurado ako na mababago na ang tingin niya sa amin ni mama," napangiti siya.
Nang makauwi sa kanilang bahay ay agad na rin niyang ikinondisyon ang sarili sa nalalapit na pagsasagawa ng plano. Dapat kinabukasan pa lang ay maumpisahan na niya iyong gawin.