DRIP. DRIP. Masakit ang aking ulo nang imulat ko ang aking mga mata. Mabigat ang pakiramdam ko and my vision is disoriented. Hindi pa ako makapag-focus dahil ramdam ko ang pagkahilo dulot ng kung ano mang humampas sa ulo ko kanina. Hinayaan kong maging maayos ang paningin ko bago ako gumalaw. Naramdaman ko ang hapdi ng sugat na sa tingin ko’y natamo ko kanina. Bukod pa roon, may sugat din ako sa aking tuhod dahil sa pagkakadapa ko nang tumakas ako sa loob ng sasakyan. Ibinuka ko ang aking bibig, hindi kayang ilong lamang ang gamitin upang makahinga. Tinangka kong gumalaw, roon ko napagtanto na nakatali ako sa isang metal na silya. Ang aking kamay ay nasa likod ko at ang aking paa ay nakatali sa paanan ng silya. I tried to do something to loosen the rope but nothing’s helping me. Nagkak